Capitulo Dos

311 19 1
                                    



Capitulo Dos




"DIOS ko, señorita Realonzo! Puno ng dugo ang iyong damit!" Bungad sa akin ni Charo bago tuluyang buksan ang pintuan sa likod ng bahay.

Marahan akong tumawa. "Charo, para namang hindi ka nasanay na ganito ang ayos ko sa tuwing galing ako sa kuta." Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumeretso kaagad ako sa aking silid habang nakasunod sa akin si Charo. Apat na buwan na ang nakalipas nang sumali ako sa samahan na Suprema y Venerable Asociación de los Hijos del Pueblo o mas kilala ng nakararami sa ngalang Katipunan. Isa ako sa mga binibining tumutulong na gamutin ang mga kalalakihan at may iba ring kababaihan na nakipaglaban laban sa mga sundalong Espanyol.

"Señorita, hindi mo naman kailangan na sumali sa samahan na iyan. Nakakatulong ka naman sa mga kababayan natin."

"Charo, mas makakatulong ako sa kababayan natin kung kasama ako sa samahan nila Supremo Bonifacio." Tinanggal ko na ang suot kong panuelo. "Huwag kang mag-alala sa akin. Wala namang mangyayaring masama sa akin dahil magaling akong magtago ng mga lihim na mayroon ako. Eksperto ako sa ganitong bagay at ikaw ay isa sa magpapatunay nito." pabiro kong sabi.

"Kahit ano pang sabihin mo na huwag akong mag-alala, hindi mo pa rin maiaalis sa akin na mag-alala sa iyo lalo na't mainit sa mata ng gobyerno ng España ang samahang sinalihan mo. Maaari mong ikapahamak ang ginagawa mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo kung sakaling malaman nila na sumali ka sa Katipunan? Tiyak na labis silang madidismaya sa iyo."

"Hindi nila malalaman iyon kung hindi mo sasabihin ang tungkol dito, Charo." Humarap ako sa kanya. "Este será nuestro secreto, Charo. ¿Entiendes?" Dahan-dahan siyang tumango kahit pa halagang tutol siya sa sinabi ko. Maayos kong tinupi ang panuelo ko at binigay ko ito kay Charo. "Ako nang bahala sa aking sarili. Maaari ka nang magpahinga, Charo."

"Sigurado ka ba? Mamaya'y ikaw ay nagugutom na. Ipaghahain kita ng pagkain."

Umiling ako bago ngumiti. "Hindi na kailangan. Busog pa ako sa tinapay na hinain kanina sa amin. Estoy bien, Charo. Puedes descansar ahora."

"Sigurado ka ba talaga?" Tumango ako. "Kung ganoon, babalik na ako sa aking silid. Señorita, ipapaalala ko po pala sa iyo na mamaya'y bibisita sa inyo si señor Saenz."

"Anong oras daw siya pupunta rito?" Marahil ay magpapasama na naman sa akin iyon upang bumili ng gamit para sa kanyang sinisinta na hindi namin malaman kung kailan ulit babalik dito.

"Ang sabi niya'y bandang alas doce raw siya pupunta rito. Señorita, sigurado po ba kayong hindi ito nanliligaw sa iyo at pasimple lang pong dinadahilan na magpapasamang bumili ng gamit upang maihanda ang mga gamit mo kung sakaling maging novia at pakasalan ka niya?"

Marahan akong tumawa. "Ikaw talaga, Charo. Hindi niya ako nililigawan. May kasintahan na si Manuel. Ang pangalan niya ay Seraphim Santiago. Pumunta sa malayong lugar ang novia ni Manuel at hinahanda lang niya ang mga kagamitan ni Seraphim para ayos na ang lahat kapag bumalik na ito sa San Pablo."

"Napakaswerteng binibini. Tunay na iniibig ng isang ginoong napakailap ang puso. Naalala mo ba noon na kabi-kabilaan ang mga don at doña na nais nilang ipakasal ang kanilang anak kay señor Saenz ngunit lahat iyon ay tinanggihan ng señor. Dinaig pa niya ang mga kababaihan dahil siya pa minsan ang niyayaya ng ibang binibini na magpakasal. Mga tinanggihan din ng señor."

Una Eternidad en el CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon