Eleven

345 21 1
                                    

Mataas ang sikat ng araw, madalas na basehan ko ng isang magandang umaga. Weeks went by so fast and today is just another saturday in my life.

Maagang umalis sila Mommy for work. Karlina's issue is now gone. Bukod sa naayos naman na iyon ng manager niya at ng agency ay madami rin kasing kasunod na issue. People loves hearing news about people when they can't even watch important news on TV.

Nalukot ang mukha ko nang buksan ang instagram account at walang chat doon si Addison. I messaged him 'good morning' and he didn't reply. At all. Imposibleng tulog pa iyon dahil madalas na ganitong oras ay nandito na siya sa bahay. Wala naman kaming plano na magkikita ngayon but I assumed that we'll make something about our project.

Nevermind na nga. Mukhang wala siya ngayon pero sana ay nagsabi man lang siya para hindi ako naghihintay. Sighing, I stood up and fix myself instead.

"In fairness, matapos ang ilang sabado na inuuna mo jowa mo, niyaya mo na akong mag-Mall ngayon?" Kathy beamed at me. Bahagya niya pang binunggo ang balikat ko at muntik na akong matumba dahil hindi inaasahan.

Kanina ay tinatamad pa talaga ako na lumabas pero ngayong nandito na kami sa Mall, I realized how I miss this. Saturday shopping with Kathy is one of my favorite days of my life. Sayang at wala si Dana at Sarah, bihira makasama ang mga iyon kapag weekends.

"He's not my jowa. Pwede ba!"

"Sus! Haba ng girl ni ate mo." Sinukbit niya ang kamay sa braso ko saka ako hinila papasok sa store ng Zara. "Mag-shopping nalang us."

Pinanood ko siyang humalo na sa mga damit bago umupo sa may upuan malapit sa fitting room. I took my phone up to check if he replied. Although inaasahan ko ng wala, hindi ko pa rin mapigilang hindi ma-disappoint. What's keeping him busy?

On the other hand, baka may nangyaring hindi maganda? Maybe he's sick? Umiling-iling ako. No, let's not think too much, Chariessa.

"Ginagawa mo diyan?" Dumaan si Kathy sa harap ko at ipinakita ang kulay maroon na tank top. "Cute, noh?"

Wala sa sariling tumango ako at hindi namalayan ang pag-alis niya. Why is my mind travelling to other places? Sa halip tuloy na mamili ay hinintay ko nalang si Kathy na matapos bumili ng kung ano-ano. 

Maya't maya ang sulyap sa akin ni Kathy habang naglalakad kami papunta sa kakainan naming restaurant. Naasar na tinignan ko siya ng masama. 

"Seriously, what's wrong with you?"

Patay-malisya siyang ngumiti saka umiling-iling. "In love na nga ito," she whisphered. Hindi ko iyon naintindihan kaya pinaulit ko. "Wala. Sabi ko gutom ka na."

"Hindi pa ako gutom."

"Weh?" Muli siyang humagikhik nang makitang umasim ang mukha ko. "Wala ka sa sarili today. May problema kayo ni fafa Addi?"

Pagkabanggit niya ng pangalan ni Addison ay muli na naman akong nakaramdam ng kakaibang kirot sa dibdib ko. Hindi ko rin alam at hindi ko sigurado kung para saan. Siguro kasi ito ang unang beses na hindi siya nagparamdam. Dati naman kung male-late siya ay mag-cha-chat siya agad pero ngayon, totally na walang paramdam.

And I don't miss him.

Baka isipin pa niya ang clingy ko. Saka wala namang 'kami'. We're just friends. Madalas lang kaming magkasama dahil sa project na ginagawa namin at may time kasi na inaaya siya ni nila Mommy na mag-dinner sa bahay. Iyon lang iyon. 

"Mag-order ka na," utos ko sa kanya at pasimpleng sinilip ang phone. It's already eleven thirty and still, no response from him.

Makahulugan siyang tumitig sa akin bago tumango at umalis. Tahimik kaming kumain ni Kathy. Wala ako sa mood na makipagdaldalan at hindi rin naman siya nangungulit. After paying for our food and finishing it, we decided to go home.

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now