Thirteen

318 17 1
                                    

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng park. Wala na ang haring  araw sa mga oras na ito pero hindi pa naman masyadong madilim. Tipical na hapon.

Inutusan niya akong bumaba at wala sa sariling sumunod ako dahil nga curious sa kung anong meron. And from here, napansin ko na agad na may something sa may gilid ng malaking puno. As we walk towards there, the fairy lights around the place lightens up. Warm colors lang iyon pero ang ganda ng dating.

Nang makalapit ay saka ko nakita ang kabuuang itsura ng set up. May pulang banig sa baba at may nakapatong na picnic basket na may nakatali pang dalawang red heart balloons sa handle. At sa tabi ng puno, may mga letter baloons na naka-line. May pinagtalian itong stand sa baba kaya hindi lumilipad.

Lilipat na sana ang tingin ko nang mabasa kung anong nakasulat sa naka-form na letters.

'Will you be my girlfriend?'

Napahawak ako sa bibig at gulat na gulat na hindi maialis ang tingin ko roon hanggang sa magsalita siya.

"Alam mo ng may gusto ako sayo, 'di ba?" Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at nakakatakot na baka marinig niya iyon. "Hindi ko alam kung ready ka na pero pangakong liligawan kita araw-araw kahit tayo na, Chariessa."

Sana hindi ito panaginip. Natatakot akong panaginip lang lahat ng ito.

Hindi ako sumagot hanggang sa muli siyang nagsalita. "Sorry kung hindi kita pinansin kahapon, nire-ready ko kasi ito at..." nagkamot siya ng batok saka naiilang na ngumiti. "Nagpa-miss lang konti."

He handed me a big bouquet of roses. Hindi ko alam kung saan galing dahil hindi niya naman iyon hawak kanina.

"Lakas magloob magtanong, ah?" Sinalubong ko ang kabado niyang tingin. "Sure ka bang gusto kita?"

"Sa parteng iyan sigurado ako," ani Addi. 

"Bakit kabado ka kung ganoon?"

He sighs. "Baka kasi ayaw mo pang mag-boyfriend..."

"Paano kung bastedin kita ngayon?" Will he hate me and ignore me forever?

"I guess..." pabitin niyang sabi.

"Guess... what?" Naiinip na tanong ko. He gave me another heart-warming smile like he's saying he got me.

"I guess kailangan ko pang doblehin effort ko sa panliligaw."

"Nanliligaw ka?"

"Grabe, ah? HIndi ba halata?"

Kanina pa kami nakatayo pero hindi ako makaramdam ng pagkainip. Not when I'm with him. Not when I'm inlove with the view in front of me.

"Sino yung emergency'ng tinutukoy mo noong sabado kung ganon?" Bitterness is evident in my voice.

He chuckled. "Alam kong babanggitin mo iyan. Don't worry, she's just a friend."

"Friend pero sinabi mo sa 'kin, emergency?"

"Tumaas ang lagnat ni King nung umaga non at wala sila Mama," pagku-kwento niya. "Napadaan lang si Shai nung tanghali at nakapag-kwentuhan lang sandali habang tulog yung kapatid ko. Sobrang sandali lang non, Charies. "Wala pang thirty minutes..."

"Sana sinabi mo nalang na may sakit ang kapatid mo..." Hindi na sana sumama pa ang loob ko.

"Actually, buti nalang hindi ko sinabi."

"Huh?" Tinignan ko siya ng masama.

"Kapag sinabi ko iyon matapos mo kami makitang magkasama ni Shai, sa tingin mo maniniwala ka? Paniguradong igigiit moong sinungaling ako." He chuckled. "Damn... selosa ka pala, Miss?"

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now