Twenty Three

393 22 3
                                    

Nakasalubong ko siya sa school nang maglunes pero hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya ako na parang hangin. My lips parted in shock and hurt. I wasn't expecting that. Halos maluha-luha akong pumasok sa classroom at walang naintindihang lesson sa maghapon na iyon.

The days go on like that. Minsan nakikita ko siya, minsan hindi. At kung makikita ko man siya, hindi niya rin ako papansinin. Is he mad? Akala ko ba maghihintay siya? Bakit parang hindi naman.

"Two weeks na, ah? Hindi mo pa rin ba kakausapin?" Umupo si Kathy sa tabi ko matapos ilapag ang tasa ng kape sa mesa ko.

We're in a coffee shop today, decided to eat breakfast together. Kasama rin namin sina Dana at Sarah.

I shrugged. "I think he's mad."

"Ha?" Nangalumbaba si Sarah at saka ako nalilitong tinignan. "Bakit naman siya magagalit? Siya may kasalanan 'di ba?"

Partly, yes. Pero hindi niya naman kasalanan lahat.

"Ewan ko," sagot ko habang iniinda ang sakit na ilang linggo ko na ring nararamdaman. I'm missing him. A lot.

"Paano mo nasabing galit?" Pang-uusisa ni Dana matapos ibaba ang cellphone sa mesa. "Inaway ka ba?"

Inaway? No. All he did is to avoid me. Hindi ko alam kung nag-a-assume lang ba ako na iniiwasan niya ako o ano. Basta ang alam ko lang ay ayaw niya akong makita. He won't approach me nor greet when we see each other in school. Hindi na rin niya ako china-chat. But I still have the hope in me when I saw that he hasn't delete the photo of me on his instagram account yet. I just hope he won't.

"Bakit hindi ka nalang manguna na makipag-ayos?" Kathy suggested while playing with the strands of her hair. "Baka naman kasi natatakot lang siya na kausapin ka?"

Hindi ko pa nga nasusubukang lumapit. Iyon ay dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka deadmahin niya ako o isisi sa akin lahat ng kasalanan ko. Or maybe he thinks I wasn't worth it? Like why would he still stick to someone who doesn't trust him that much?

I know. Alam ko na sinasaktan ko lang ang sarili ko sa mga what if's na iyan. Hindi lang talaga kasi ako handa na pakinggan kung ano mang sasabihin niya. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.

Now, even if it hurts, I know there's a chance. But if ever we'll talk in the future and have our closure or official break up... then I'm not sure if I can handle that.

Pagkatapos naming kumain sa labas ay nagsiuwian na rin sila. Except for me. I decided to take a walk. Ayoko pang umuwi. Niyaya ko si Kathy na mamasyal pero may lakad daw siya.

That's the sad part of having few friends. Kapag busy sila, wala ka ng choice na iba. Naalala ko tuloy ang mga ka-banda ni Addi. Kaibigan ko pa rin kaya sila kahit hindi kami okay? Hindi ko alam. Wala rin naman akong lakas ng loob na lumapit sa kanila lalo na ngayon.

I sat on the swing of the park that I saw nearby. Madami-daming tao ngayon at may nagpi-picnic pa na pamilya. I watch them as they do their things while I'm here, lost in my own thoughts, drowning in pain.

"Haayy," buntong-hininga ko sala sinandal ang ulo sa may kamay kong nakakapit sa lubid ng duyan.

"Lalim nun, ah?"

I stiffened when someone talk behind me. Lumakas ang pintig ng puso ko at nag-aalangan kung lilingon ba ako o hindi. Damn. I slowly turned to him. Ngumiti siya nang makita ang gulat sa mukha ko. He sat on the swing next to mine.

"Kumusta?" Kaswal na sabi ni Addison habang tutok na tutok ang tingin sa akin.

Tulala pa rin ako at hindi makapaniwalang nasa harap ko siya. At the same time ay natatakot kung saan mapupunta ang usapan na ito. He looks... fine. Hindi tulad ko na ilang linggo ng wala sa sarili.

Love Trap (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum