Seventeen

318 22 5
                                    

Isang linggo mula nang magkaayos kami ni Addison. He explained to me everything and even though I still hate the fact that he chose to go to Shai's side, ayaw ko naman ng palakihin pa ang gulo. He apologized to Rina, too, but the latter didn't accepted his apology. Pero wala naman na siyang sinabi o nireklamo pa kaya sa tingin ko ay ayos lang.

Sinermonan ni Kathy ng pagkahaba-habang mensahe si Addison at sa halip na maawa ay natatawa pa ako.

In short, everything goes back to normal again. Naging busy ulit kami sa kani-kaniyang mga projects. And since Addi and I are in different strands, magkaiba kami ng mga requirements na dapat tapusin. Halos sabado nalang talaga kami nagkakasama, sa school ay sobrang bihira nalang.

"Nagawa ko na yung almost half nung video for graduation," he informed me while we're sitting on the floor of our living room one time. "Hinihintay ko pa yung mga messages from each class."

Gusto ko mang panoorin iyon ay gusto ko ring maging surpresa para sa akin. Pero syempre tumutulong ako. Nagsu-suggest ako ng mga pwedeng gawin at idagdag at kapag may ginagawa siyang mga kung ano-anong bagay para roon ay tumutulong ako.

Ayoko lang talagang panoorin muna yung finished video.

"Sa graduation ko na rin papanoorin," sambit ko saka sinandal ang ulo sa kanyang balikat.

Bigla ko nalang naisip na, what if hindi ko siya nakilala? What if hindi niya ako kinulit? Ang lungkot siguro sa pakiramdam na wala man lang akong naging kaibigan bukod kila Kathy.

"Anong iniisip mo?" Malambing ang tono ng pakikipag-usap niya. Nagsumiksik pa ako lalo sa kanya habang nakapikit.

"I was just wondering about the 'what if's'."

"Like?"

"What if hindi tayo nagkakilala?" Umayos ako ng upo saka siya tinitigan. He smiled at me but I can feel that he's quite uncomfortable with the topic. "Ang lungkot ko siguro non."

"I know right," maarte at mayabang niyang sagot na ikinatawa ko. "At kung hindi mo ako nakilala, napariwara ka na."

Sinapak ko siya. "Ang kapal mo."

Nagtawanan kami saka nag-asaran hanggang sa muling mahulog sa seryosong usapan.

"Sa tingin mo tayo na rin kaya hanggang dulo?" May halong kaba sa dibdib ko at kahit hindi ko sabihin ay alam kong alam niya na natatakot ako sa mga posibleng mangyari lalo't siya ang una kong naka-relasyon.

"Hangga't lumalaban tayo pareho, tayo hanggang dulo."

"Paano kung mapagod ka? Mapagod ako?"

He gave me an assuring smile as he tries to hold my hand. Hinayaan ko siyang laruin ang mga daliri ko. Nakatingin siya sa akin habang ang mga mata ko ay nakatuon sa mga kamay naming magkahawak. We're not doing anything at all but this feels nice. I can stay here forever.

"Lahat naman tayo napapagod, Charies." I love how he talks so maturely. "Nasa atin iyon kung anong gagawin natin kapag napagod tayo. Tapusin o magpahinga. Pero hangga't mahal natin ang isa't isa at pareho tayong gusto pang iayos lahat, hindi tayo matatapos."

Hinawakan niya ang baba ko at pilit tinignan ang mga mata ko. My heart hammered inside my chest. Nagkukumahog lumabas at sa sobrang lakas ng tambol nito ay batid kong naririnig na iyon ni Addison.

Ngumiti ako at ganoon din siya. It was as if the world stops at that very moment. Hanggang sa matawa nalang kami pareho at muling bumalik sa ginagawa.

It's always like that. Kakaunti man yung oras naming magkasama dahil sa busy kami pareho, sobrang worth it naman nung mga minutong iyon. And now, I'm inside the cafeteria, waiting for my friends.

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now