One

2.2K 46 4
                                    

"Charies, may bago na namang bulaklak. May mga regalo rin."

Sumimangot ako at iginilid ang mga gamit na iyon. Ilang beses ko pa bang uulitin na ayokong makatanggap ng ganito? Una ay dahil ayaw kong magpaligaw, pangalawa ay hindi naman ako mahilig sa bulaklak o kung ano mang gamit na ibibigay nila dahil kaya ko namang bumili non, pangatlo ay ayaw ko ng gulo.

May mga pagkakataon kasing sinusugod ako ng ilang babae kesyo inagaw ko raw ang boyfriend nila na hindi ko naman kilala.

Tumabi sa akin si Kathy pagkaupo ko. Sinulyapan ko ang mga bulaklak kapagkuwan ay palihim na umirap, "Fucking flowers."

Tumawa ang katabi ko, "So hindi mo pa rin tatanggapin?"

I pouted. "Hindi ba't sinabi ko ng 'wag ka ng tatanggap ng mga ganyan?"

She grinned.

"Naabutan ko lang ang mga iyan dito sa desk mo, noh! Ganda mo kasi."

Tsk!

Napakagat ako sa aking ibabang labi ng makitang nakatingin ang halos lahat ng tao sa kwartong iyon sa amin. Ang ilang babae ay nakairap sa gawi ko. See? Inaano ko na naman ba sila?

Isang linggo pa lang ang lumilipas mula ng magpasukan. Grade 12 na kami ngayon. Sa ABM strand ako napunta, why? Because I'll study a business course for my college degree. I wanted to take a course about fashion design din but let's see...

Si Kathy ay ganoon din. Kathy's family business is salon. Kaya ganoon nalang din ang paiba-ibang kulay ng buhok nito buwan-buwan.

"You know Addison from STEM strand?"

Nilingon ko si Kathy. Who is that Addison? I have no kakilala naman na ganyan ang name.

Nagkibit ako ng balikat na ikinasimangot niya. "Gwapo iyon! Hindi mo kilala?"

"What's up with being gwapo ba? Do I have to know him because he is gwapo?"

"Ihh... Basta gwapo kasi iyon," giit niya.

Umiling ako at hindi nalang siya pinansin. I opened my notes although I can feel the death glares for me everywhere.

Napasinghap ako, mukhang hindi ako makaka-concentrate ng maayos sa pagbabasa dahil sa mga tingin nila.

"What did you do again? Bakit ganyan tingin nila sayo?" Halong pagtataka at pag-aalala na utas ni Kathy.

I shrugged. "Who knows? Kapapasok ko lang, right?"

"Kasarap tusukin ng mga mata nila. Tss."

Tumawa ako kapagkuwan ay sinita rin siya, "Hush. It's bad."

Hindi ko rin alam kung bakit nagagalit sila sa akin. Wala naman akong pinapapasok na lalaki sa buhay ko ah? If they're jealous, where the heck is my fault with that? Ginayuma ko ba ang mga lalaki nila?

Sa kabila non ay hindi ko maiwasang malungkot. This is my last year in this school pero mukhang ga-graduate akong marami ang galit sa akin. No matter how I tried to be friendly to everyone, wala pa ring silbi. They won't even give me a chance to prove myself.

"OMG!"

"Shit, si Addison?"

Impit na tilian ang sumunod naming narinig ni Kathy, ang mga babaeng kanina'y halos patayin ako sa titig ngayon nama'y parang bulate na binudburan ng asin. Napailing nalang ako, diyan sila masaya kaya hayaan na natin.

"Shet, si Addison..." bulong ni Kathy sa tabi ko habang ang ngiti'y hindi mapuknat sa sobrang laki ng ngisi niya.

I sighed. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ang atensyon sa mga notes ko, I need to graduate as dean's lister para payagan ako nila Mommy na mag-aral sa Ateneo. Doon kasi mag-aaral si Kathy kaya balak ko doon nalang din mag-kolehiyo.

Love Trap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon