Eighteen

318 17 2
                                    

Hanggang makauwi ako ay dala-dala ko pa rin ang nakalap na impormasyon. Kasabay non ang sakit na nararamdaman ko para kay Rina. So it means, she got betrayed? By who?

Of course it's from her dearest ones. After all betrayal can only occur when you trusted someone.

First day ng sembreak ay sinundo ako ni Addi. Pupunta kami sa bahay nila. His mom wants to see me. Medyo kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano bang dapat kong isuot. I don't want to be overdress so I chose the simplest clothes I have. A plain pink V-neck shirt with a small brand logo on the upper left and a pair of black jeans.

"What is your Mom like, Addi?" Nagpahatid kami sa family driver namin since wala naman sila Mommy na hinahatid niya.

Pakiramdam ko ay nanliliit ako habang papalapit kami ng papalapit sa kanila. Natatanaw ko na ang gate nila at gusto ko nalang mag-back out.

Hindi sumagot ang kasama ko at ramdam kong natutuwa siya na kinakabahan ako. Siniko ko siya at nagkunwari siyang nasaktan kahit mahina lang naman. And then the next thing I knew, we're now in front of their gate. Shit!

"What if hindi niya ako magustuhan?" Kinakabahang tanong ko. I want an assurance from him at least that his Mom will like me. Pero ang siraulo nang-asar pa lalo.

"Oo nga. Baka nga."

Sa halip na kabahan ay napalitan ng inis ang nararamdaman ko. Isn't he suppose to comfort me at least? Palibhasa kasi ay makapal ang mukha niya at medyo close siya sa parents ko. Where did he even got the guts?

Sumalubong sa amin ang Mommy niya. Mommy ba tawag niya? Ewan ko. I know it's his mom because they look-a-like. Ang ganda pala ni Addi kapag naging babae. Medyo nabawasan ang kaba ko sa ganda ng pagkakangiti niya sa amin. She hurriedly hugged me and didn't mind her own son.

"Ikaw si Chariessa, 'di ba?" Aniya nang maghiwalay sa pagkakayakap. "Akala ko exaggerate lang magkwento si Addison, totoo pala. Mukha kang anghel..."

Tila nalulusaw ang puso ko sa mga sinasabi niya. I wonder if what else did Addi told his mom.

"Mukha lang mabait diyan," kontra ng napakagaling kong boyfriend. See? Tinignan ko siya ng masama at nagpigil na awayin siya sa harap ng ina.

I'm glad his mom did a favor for me. Siya na ang namalo sa anak niya. "Buti nga pinatulan ka ng ganito kaganda."

"Ma!" Angal naman ng isa. "Sa gwapo kong ito, bagay naman kami, ah?"

Tumawa ako at pinanood silang mag-ina na magtalo. Komportableng-komportable sila sa isa't isa. Para lang silang magka-edad kung mag-asaran. His mom disagrees and the fight goes on and on. Natigil lang sila nang maisipan ng Mommy niya na kumain na kami at baka raw hindi na mainit ang mga ulam na niluto niya.

Ako dapat ang nagpapabango ng pangalan dito pero grabe yung asikaso ng Mom ni Addi sa akin. I realized now why he didn't comforted me earlier. Kasi alam niya mismo na hindi naman nakakatakot o nakaka-intimidate ang nanay niya.

"May ikukwento ako, Ma." Abala si Tita- yes, tita nalang dahil napapagod na ako kakasabi na Mommy ni Addison, abala si Tita sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa at kami ni Addi ay nakaupo na.

Tumulong din naman ako maglagay ng mga pinggan, kutsara, at baso sa mesa kahit paano. Their house isn't that big but I do think it's just enough to cater four persons. Apat sila rito, his younger brother and his parents. Wala nga lang ang kapatid niya, kasama daw ng tatay nila. Hindi ko na tinanong pa kung saan nagpunta.

"Ano?" I can't help but to giggle with Tita's tone of voice. Parang hindi naman kasi siya interesado sa iku-kwento ng anak.

"Someone asked if what my mom is like."

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now