Three

651 34 2
                                    

The next morning he sent me again flowers. Hindi ko nalang siya pinansin at dumukdok nalang sa mesa hanggang sa makaalis siya. Hindi ko rin siya nakita hanggang pag-uwi kaya payapa akong nakapag-taxi ng walang nanggugulo. That's better.

"Oh? Nandiyan ka na pala," sinalubong ako ni Mommy sa may pintuan. "Kanina ka pa hinihintay ni Addison, hindi ka raw niya mahanap kaninang uwian."

Bahagyang umawang ang labi ko sa tinuran niya. At ano namang ginagawa ng Addison na iyan sa pamamahay ko?

"Hi."

Tuluyang nalaglag ang panga ko nang makita siyang prenteng nakaupo sa mahabang sofa namin sa sala. May meryenda pa sa center table na alam kong kanya.

"What is that guy doing here, Mom?" naiinis na baling ko kay Mommy.

"Don't be rude. He's here to spend some time with you. Hindi ba kayo magkaibigan?"

Bumuntong-hininga ako at umiling kay Mommy. Tatlong araw palang mula ng dumating sa mundo ko ang lalaking iyan at tatlong araw na rin akong gumigising at natutulog na wala sa mood dahil sa kanya.

Why he is too annoying?

"Maiwan ko muna kayo. May aayusin lang ako sa kwarto," paalam ni Mommy.

Dad's not yet around. Baka gagabihin iyon ngayon dahil may meeting kasama ang mga investors.

Ibinaba ko ang Chanel sling bag ko sa sofa at nakatayong humalukipkip sa harap niya. An amused smiled crept from his lips. Para itong tuwang-tuwa na naiinis ako sa presensya niya. For real? What the heck did I do to him?

"What now?"

Humigop siya ng juice at tinapik ang space sa tabi niya. Tumaas ang kilay ko roon at hindi napigilan ang pag-irap. And here I thought I'll be able to sleep in peace today. Ang kapal niyang pumarito sa bahay namin, huh.

"Anong ginagawa mo dito?" mariing bulong ko, takot marinig ng mga katulong at baka makarating pa kila Mommy.

I don't wanna be rude. Hindi ko ugali iyon pero something's off with him that I easily get annoyed with.

"Binibisita ka," muli niyang tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. "Maupo ka na. Mangangawit ka riyan."

My eyebrows furrowed. Hindi pa ba siya aalis?

"I'm busy. I have no time for," tinaasan ko siya ng kilay, "someone like you."

Pero sa halip na mainsulto ay ngumiti pa ito.

"Bakit? Ano ba pinagkakabusy-han mo?"

"I have a lot of requirements, may research project din kami, mayroong quiz sa accounting subject, at may tinatapos akong business plan. See? I'm super busy."

He chuckled. "Well, ako hindi. Maybe I can help you with your works?"

Aish! Hindi niya ba naiintindihan? I'm actually trying to get him out of here without being rude- kung hindi pa ba rude ang ginagawa ko sa kanya ngayon.

"Just leave," anas ko.

Ngumiti siya at tumayo na. Bahagya siyang humakbang palapit sa akin kaya agad akong natigilan.

"Sungit mo ngayon, ah?"

Inirapan ko siya. "Close tayo?"

He smirked. "Hindi pa."

"Pa?"

"Bakit? Gusto mo close na tayo ngayon? Pwede rin--"

"Shut up! Umalis ka na," nanggigil na sambit ko.

Love Trap (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ