Prologue

4.2K 71 32
                                    

"Walang h*ya kang lalake ka, lumayas ka!"

Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng mga pinggang nababasag.
Kasabay nito ang nang-gagalaiting sigaw ng nanay niya.

"Misis, magpapaliwanag ako." Tatay niya.

"May gana ka pang mambabae! Akala ko nagbago ka na."

Hagulgol na ng nanay niya ang m
huli niyang narinig.

Sa murang edad na sampu ay hindi na bago kay Harmony ang eksenang ito. Sa nakababatang kapatid siya naawa.

"Ate, niaaway na naman sila?" Takot na sumiksik sa kanya ang anim na taong gulang na si Ric.

Tinakpan niya ang tenga ng kapatid, "nandito lang si ate." She started humming Twinkle-twinkle little star hanggang sa muling makatulog muli ang kapatid.

"Harmony, halika may cake ako dito."

Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Harmony. "Talaga po, kuya?"

Tumigil sa paglalaro ng chinese garter si Harmony at nagpaalam sa mga kalaro.

Mabait sa kanya ang lalake. Lagi siyang binibigyan ng lalake ng masasarap na pagkain. Kaibigan ito ng kanyang kuya Julius na ngayon ay nasa kabilang bayan at nagtra-trabaho bilang teacher.

Dahil sabik sa kapatid ay itinuring na din niya itong kuya.

Ang tatay niya ay Driver at laging wala sa bahay kaya tatlo lagi sila ng kanyang nanay kasama ang nakababata niyang kapatid na si Ric ang naiiwan.

"Kuya?" Tawag niya dito, ngunit wala doon ang lalake.

Maluwang ang ngiting lumapit siya sa cake sa mesa at nilagyan ang platitong nakahanda doon.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng lumabas itong wala ng damit.

"Harmony, masahe mo nga si kuya. Masakit ang likod ko."
Tumalima naman ang walang muwang na si Harmony. Alam niya ang salitang masahe dahil ito din ang ginagawa niya sa kanyang kuya. Inaapakan niya ito sa likod.
"Ku----"

Nagu-unahang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata habang may nakatakip na palad sa kanyang bibig. Hindi siya makasigaw para makahingi ng saklolo.
Wala siyang magawa kundi magdasal na sana ay matapos na ang bangungot na ito.

"Subukan mong magsumbong, papatayin ko ang nanay at kapatid mo."
Banta nito sa kanya.

Akala niya lahat ng monsters may sungay.

Pero mali siya.

A/N
Sobrang bigat sa dibdib habang sinusulat ko ang prologue na ito.

This is a work of fiction, kung may pagkaka-pareho sa ibang mga character ay hindi sinasadya ni Author.

But we need to open our eyes na may mga ganitong pangyayari.

I'm praying for those people who are hiding their pain at nakaranas ng abused.
Praying for your total healing.

You are love, and may God continue to pour blessing and healing upon your lives.

Kung may ma-offend man ako I'm sorry.

Don't want to stir another pain in your hearts.
Don't wan't this kind of story but I want to give justice to you and give eye opener to others.

Don't know where this story leads us. But I want you to be here with me through this journey.

Let's inspire each other.

-Shy Seven





Zeus Sarmiento: Harmony in MeWhere stories live. Discover now