Harmony 3- Zeus

1K 64 17
                                    

Pabalik na sana si Zeus sa bahay, ngunit tumigil siya sa paglalakad dahil hindi maalis sa isip niya ang batang babae.

"Kuya,"

Napabaling siya sa batang lalakeng kumalabit sa kanya.

"Kita mo ba, ate ko?"

Marahil ang tinutukoy nito ay ang batang babae. Zeus nodded.

"Galit nanay, kapag alis kami."

Bumuntong hininga si Zeus at ipinasyang habulin ang batang babae. "Stay here, I'll go get your sister."

Kumunot ang noo ng batang lalake, "po?"

"Hahapin ko ang ate mo." Pagu-ulit ni Zeus.

"Nak," Lumapit ang isang babae sa kanila, kung hindi nagkakamali si Zeus ay nasa early 40's ito.

Tumakbo ang batang lalake at sinalubong ito. "Nay, alis ate."

Bumadha ang pag-alala sa mukha ng ginang. "Saan nagpunta?"

"Tumakbo ho, natakot ko ata." Pag-amin ni Zeus sa ginang.

"Ikaw pala yan, sir Zeus. Ako ho si Helen, taga luto sa bahay niyo. Pagpasensiyahan mo na ang anak kong si Harmony. Hindi maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw.

Zeus, nodded.

Maglalakad sana ang ginang patungo sa tinakbuhan ng batang babae ng napatampal ito sa noo. "Naku, yung niluluto ko." Tila nalilito na ang ginang kung ano ang uunahin.

"Susundan ko nalang ho."

Nabawasan ng isang linya ang gatla sa noo ng ginang. "Hindi ba makakaabala sa iyo, sir?"

Umiling si Zeus, "Hindi ho, at kasalanan ko ho, kung bakit siya tumakbo palayo."

"Maraming salamat, sir."

"Hindi niyo ho, kailangang magpasalamat. It's my fault anyway."

Inilabas ni Zeus ang isang kabayo mula sa kwadra. Nang makasampa ay bahagya niyang sinipa ang kabayo.

Hinawakan niya ang tali at iniharap ang kabayo sa direksiyon kung saan tumakbo ang batang babae.

"Hiyah!" Sigaw niya, at mabilis na pinaktakbo ito.

Halos dumugo ang kamay ni Zeus sa mahigpit na pagkakahawak sa tali ng kabayo ng makita niya ang isang lalaking nakahawak sa pupulsuhan ng batang babae.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Zeus face turned dark ng makita niya ang takot at mga luha sa pisngi ng bata.

"Wala kang pakialam dito bata, tinuturuan ko lang ng leksiyon ang kapatid ko." Humigpit ang hawak ng lalake sa braso ni Harmony at akmang hihilain siya palayo.

Nagkaroon ng kaunting tapang ang pagkatao ni Harmony ng marinig ang boses ng batang lalake.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Tama na!" Isinigaw niya lahat ng sakit at takot na naramdaman. "Nasa-saktan ako." Sunod-sunod na bumagsak ang kanyang mga luha.

"Tahimik!" Sigaw ng lalake kay Harmony bago tumingin kay Zeus. "Ikaw bata, tumigil ka sa pakikialam kung ayaw mong masaktan.

Zeus chuckled sarcastically, maybe the man thought he can scare him. But no, mas lalo lang siyang nagngitngit sa galit.

Zeus just turned thirteen last week, but he was already trained how to fight not just him but also his cousins and little sister. He got his black belt in Judo, Karate and Aikido, last year.

Walang bakas ng takot sa mukha na bumaba si Zeus sa kabayo. Itinali ito at marahang naglakad palapit sa lalake at sa batang babae.

"Ang kulit mong bata ka, naghahanap ka ata ng sakit ng katawan." Bwisit na pabalyang binitawan ng lalaki si Harmony.

Zeus Sarmiento: Harmony in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon