Harmony - 1

1.2K 57 13
                                    

"Huwag pooooo! Maawa ka kuya."

"Harmony, wake up!" Ilang beses ng niyugyog ni Aprodite ang kaibigan ngunit hindi parin ito magising.

"Huwaaaaaaaag!" Humahangos na bumangaon si Harmony. Naghalo na ang pawis at mga luha niya.

"You are having a nightmare again, sissy." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Ap. Mabuti nalang at lagi siyang ginising ni Aphrodite o ni Jenna sa tuwing binabangungot siya.

Harmony forced a smile at pinitik ang noo ng kaibigan. "Wipe that worry, nakakapangit."

Aphrodite smiled, ngunit nanatiling nakatingin sa kanya ng may pag-aalala.

Muling nginitian ni Harmony ang kabigan.

"Masamang panaginip lang, sissy. Let's sleep, maaga pa ang pasok natin bukas."

Aphrodite nodded at lumabas na sa kanyang kuwarto.
on
Nabura ang ngiti niya ng sumara ang pinto, napapakit siya ng mariin.

That was 8 years ago, but until today it hunts her. Almost every night she has a nightmare. Muling tumulo ang mainit na likido sa kanyang mga mata.

Kinagat ni Harmony ang kanyang pang-ibabang labi, to suppressed herself from sobbing. May luha sa mga matang pinilit niya ang sariling matulog. Nagdadasal na sana ay hindi na siya dalawin muli ng masamang panaginip.

Scholar siya ng pamilya nila Aphrodite. Ngayon ay parehong nasa 2nd year college na sila. Kahit ayaw ni Aphrpdite at mga magulang nito, ay tumutulong parin siya sa mga gawaing bahay kapag nasa mansion sila.

Dahil kay sa kakulitan ni Aphrodite ay natuto siyang muling makisalamuha sa mga tao. Naging kaibigan din niya ang pinsan nitong si Jenna Storm at mga kaibigan ng mga itong si Rj at Mrtle.

Kahit may kaya ang mga kabigan, ay hindi niya naramdamang galing siya sa mahirap na pamilya. They are considerate and kind, maging ang mag-asawang Zion at Althea Sarmiento.

"Guys, punta tayong Khu'm later?" Tukoy ni Ap sa paborito nilang kainang korean restaurant.

Tumango si Jenna Storm.

"Nice idea, I'm famished."

Si Harmony ay nanatiling walang imik. Kinu-kwenta niya sa isip kung magkano ang magagastos nila. Baka mapasobra siya ng gastos ngayon, ay wala na siyang budget nextweek. Napabuntong hininga siya. "Umm, pwede bang next time na lang ako? Baka gabihin tayo, kailangan kong mag-live ng mga paninda mamaya. Para may extra budget ako next week." Dahil nahihiya siyang umasa lagi sa mga Sarmiento, dumidiskarte siya ng paraan para magkaroon ng ekstra na kita. Ang natira sa allowance niya last month, ay pinambili niya ng mga paninda online.

Hindi siya nahihiyang aminin sa mga kaibigan ang problema dahil kailanman ay hindi siya hinusgahan ng mga ito sa pagiging dukha niya. Sa katunayan ay sa condo siya nina Jenna at Aphrodite tumitira. Umuuwi sila sa mansion tuwing sabado at linggo.

Kahit anong tanggi niya ay wala siyang nagawa sa pagpipilit ng mga ito, pati na sina tito Zion at tita Thea.

Tito at tita, kasi ayaw magpatawag ng mga ito sa sir at ma'am. Nahihiya man si Harmony noong una, hindi nagtagal ay nasanay na din siya.

Kaya pumayag siya sa kondisyon na magbibgay siya ng bayad every end of the month. Mabilis na sumangayon ang mga ito.

"Parang may nakita pala ako sa labasan kanina na nagtitinda ng kwek-kwek. Kay manong na nagtitinda ng kwek-kwek nalang tayo kumain." Bawi ni Ap sa naunang sinabi na sa Khu'm sila kakain.

Namilog ang mga mata ni Jenna, "tara, narinig ko masarap din ang samalamig nila."

"Okay, deal! See ya later, may klase pa ako." Ani Rj at umalis na.

Zeus Sarmiento: Harmony in MeWhere stories live. Discover now