Harmony 2 - Eight Years Ago

899 41 13
                                    

Eight years ago.

Limang araw ng tulala ang sampung taong gulang na si Harmony. Takot na lumabas at laging nakaupo sa sulok ng kanilang bahay habang yakap ang mga tuhod.

"Anak, anong nangyayari sayo?"

Takot lang siyang tumingin sa kanya ang inang si Helen. Paulit-ulit na gumitaw sa kanyang isippin ang sinabi sa kanya.

"Subukan mong magsumbong, papatayin ko ang nanay at tatay mo. Pati na din ang mga kapatid mo."

Tumulo ang kanyang masaganang luha habang umiiling. Nanginginig ang katawang isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga tuhod.

Naawang pinagmasdan siya ng kanyang inang hindi na malaman ang gagawin.

"Ate, laro tayo."

Napapiksi siya sa hawak ni Ric, napaupo ang bata at gulat na napatitig sa nakatatandang kapatid. "Ate?"

Hindi nagtagal ay napaiyak ang bata. "Hindi mo na ba ako love?"

Kahit gustong-gusto na sagutin ni Harmony ang kapatid ngunit nangibabaw ang takot niya. Sumiksik siya sa sulok at muling umiyak.

Napaigtad siya ng may marinig na may nabasag na bagay. Sumunod ang sigaw ng nanay niya.

"Walang hiya kang lalaki, lumayas ka na dito! Namro-mroblema ako dito, dahil sa anak natin kung bakit nagkaganyan. Habang ikaw? Nagpapakasaya ka diyan sa babae mo? Tapos uuwi ka dito na lasing? Ang iaabot mo limang daan? Tama na Ador, hindi ko na kaya." Napahagulgol si Helen.

"Akala mo ba hindi ko malalaman? P*t*ng ina! Lumayas ka!"

"T*ng na, Helen! Kapag umuuwi ako ganyan ka lagi." Kagaya ng dati ay puro tanggi parin ang tatay ni Harmony.

"Kung yan ang gusto mo, aalis na ako sa bahay na ito. Huwag ka ng umasa na babalik pa ako!"

Lumakas ang pag-iyak ng kanyang inang si Helen.

Iyon na ang huling sandaling narinig ni Harmony ang boses ng ama. Tuluyan na nga itong lumayas.

"Aling Helen, tao po!"

Nanigas si Harmony ng marinig niya ang boses na iyon. Bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

"Mo--nst-er."

"Johnny, bakit?" Mula sa kusina ay lumabas ang kanyang ina na nagpupunas ng basang kamay sa damit nito.

Luminga-linga ang lalake na tila may hinahanap. "Pinapatignan po kayo sa akin ni Julius kung okay lang ho ba kayo?"

Ngumiti ang walang kamalay-malay na si Helen. "Pakisabi, kay Julius at mabuti naman kami."

"Si Harmony ho, kumusta?"

Nanginig ang buong katawan ni Harmony ng marinig na tinanong siya ng lalake.

"Hin-," naputol ang pgsasalita ni Helen ng marinig na sumigaw ang kanyang anak.

"Nay, monster!" Paulit-ulit na sigaw ni Harmony. "Monster!"

Kumabog ang dibdib ni Helen at napatingin kay Johnny. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng hinalang nabuo sa isipan ng ginang. "Pakisabi nalang kay Julius, okay lang kami."

Nabura ang ngisi sa labi ng binata. 'Sige ho, aling Helen, aalis na ako."

Nanghihinang napahawak sa hamba ng pinto ang ginang. "Diyos ko, huwag naman sana." Nagtaka si Helen ng maglaba siya. Napansin niyang may dugo ang panty ng kanyang anak. Noong una, akala ng ginang ay maaga lang itong dinatnan.

Ngunit ngayon niya naalala na wala siyang nakitang dugo ng maglaba siya kahapon.

"Nay, monster!"

Umiiyak na niyakap ni Helen ang kanyang nanginginig na anak. "Shhh, walang monster anak, nandito si nanay." Humagulgol na din ang ginang. "Panginoon ko, ano na naman po bang pagsubok ito?" Matapos siyang tuluyang layasan ng asawang si Ador, ay may nangyaring hind maganda sa anak.

Galit man at gusto niyang magsumbong sa barangay o sa pulis ay hindi nya magawa. Kailangan niyang protektahan si Harmony sa mga mapang-matang tao.

"Huwag kang mag-alala anak, lalayasan natin ang monster."

Kinabukasan ay isinama ni Helen ang mga anak na si Harmony at Rj. Sa mga bahay bakasyunan ng mga Sarmiento kung saan siya nagtratrabaho bilang tagaluto. Dumating kasi ang mga ito kaninang madaling araw.

Kahit mabigat ang dinadala niya sa kanyang dibdib ay kalangan niyang magtrabaho para sa mga anak.

"Harmony anak, dito lang kayo ha? Magtratrabaho lang si nanay, alagaan mo ang kapatid mo." Iniwan ng ginang ang kanyang mga anak sa kubo na malapit sa hardin. "Babalik ako mamaya para hatiran kayo ng pagkain." Kahit hindi sumasagot ang anak ay alam niyang nakiking ito.

Si Harmony ay nanatiling nakatalungko nang makaalis ang ina. Ng lumabas si Ric ng kubo, ay sinundan niya ito ng tingin.

Ng hindi na niya makita ang kapatid ay lumabas na din siya para tignan ito ng biglang may magsalita.

"Who are you? What are you doing here?"

Itinulos sa kinatatayuan si Harmony ng marinig niya ang nagbibinatang boses. Ng hindi siya gumalaw osumagot ay humakbang ang batang lalake papunta sa harap niya. Nakahalukipkip ito at mariin na.

"Are you mute or deaf?"

Nanlaki ang mga mata ni Harmony ng mapagmasdan ang mukha ng batang lalake.

Magkasalubong ang malagong kilay nito. Sa unang tingin ay itim ang mga mata nito. Ngunit kapag nasinagan ng araw ay lumalabas ang totoo nitong kulay at nagiging asul. Bumagay sa mestizo nitong balat. Matangos ang ilong at natural na mapula ang mga labi.

Malayo sa mga batang lalakeng nakakalaro niya na sunog ang balat sa pagbibilad sa araw. Nangimi si Harmony sa sarili.

Umangat ang isang kilay ng batang lalake.

Nahintatakutang napaatras si Harmony ng maglakad ito palapit sa kanya.

Sa takot na mapagalitan siya ay tumakbo siya palayo.

Habol niya ang hininga ng tumigil siya. At hindi na din niya alam kung gaano na kalayo ang tinakbo niya.

Nang tumigil na sa pagtaas-baba ang kanyang dibdib ay iniikot niya ang paningin. Saka lang niya napagtantong ang daang tinahak niya ay pauwi sa kanila.

Maglalakad na sana siya pabalik ng harangin siya.

"Kumusta, Harmony?"

Nangatal ang kanyang katawan ng makita kung sino ito.

"Hindi mo ba nami-miss si kuya?" Ngumisi ang lalake.

Napuno ng takot ang kanyang buong pagkatao. Lalo na ng hawakan ng lalake ang kanyang mga braso.

"Halika na, may cake ulit ako sa bahay."

Gusto niyang sumigaw at humingi ng saklolo, ngunit tila nanigas ang kanyang buong katawan. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig.

Namalisbis ang luha sa kanyang mga mata. Sa kabila ng panghihina ng tuhod ay nagpumilit siyang magpumiglas.

Nanlisik ang mga mata ng lalake. "Matigas na ngayon ang ulo mo? Hindi ka na marunong sumunod? Tuturuan kita ng leksiyon!" Gamit ang isang kamay ay tinanggal nito ang kanyang sinturon. Ibinaba nito ang zipper, ng may humahagibis na yabag ng kabayong parating.

Taimtimna nagdasal si Harmony na sana ay tulungan siya ng kung sino mang may sakay sa kabayo yon'.

Zeus Sarmiento: Harmony in Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن