Harmony 5 - Zeus Sarmiento

1.6K 68 32
                                    

"Sa-an niyo ako, da-dalhin?" Kahit na naiilang ay hindi napigilang tanong ni Harmony kina Aphrodite at Jenna.

"Sa-gl-it." Protesta niya, ngunit tila walang narinig ang magpinsan. Sa halip ay humagumikgik pa ang mga ito.

"Te—ka." Bahagya siyang nagpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng dalawa.

Inilapat ni Aphrodite ang hintuturo sa labi. "Shhhh..."

Naitikom niya ang nakaawang na labi at wala sa sariling sinunod si Aphrodite.

Hinila siya ng dalawang magpinsan, pakubli sa magkadikit na lounge chair.

Mga halakhak and at pagtalsik ng mga tubig ang narinig niya. Mukhang nagkakasiyahan ang mga nasa swimming pool.

Dahan-dahang sumilip ang dalawa pagkatapos ay parehas na napahagikgik.

Napuno tuloy ng kuryusidad si Harmony, kaya nakigaya siya kina Aphrodite at Jenna.

"Bro, let's race!" Kung hindi siya nagkakamali ay Thor ang pangalan.

Nanlaki ang mga mata ni Harmony ng umahon mula sa tubig ang nakangising si Zeus.

"Game! Come on, Quen. Don't be boring."

Tumigil siya mula sa pagsilip at umayos ang pagkukubli sa lounge chairs.

Hindi alam ni Harmony kung bakit sa tuwing nakikita niya si Zeus ay tila bumibilis ang tahip ng kanyang dibdib.

"Faster, Ap." Dinig niyang bulong ni Jenna.

Napatingin siya sa mga ito.

Si Aphrodite ay maingat na inaabot ang mga tuwalya at tshirt. Pagkatapos ay ipinapasa nito kay Jenna.

Ang mga lalake ay walang kamalay-malay sa ginagawang kalokohan ng dalawa dahil patuloy na nagyayabangan ang mga ito sa pabilisang paglangoy.

"Harmony, take this."

Tila may sariling isip ang mga palad at sinalo ang mga damit na iniabot sa kanya ni Jenna.

Nang makuha lahat ni Aphrodite ang pakay ay ipinilig ni Jenna ang ulo. "Tara na."

Pumuwesto ang dalawa sa kanyang magkabilang braso. Kagaya kanina ay marahan siyang iginiyang maglakad paalis.

Nakakalahati na sila ng distansiya mula sa swimming pool patungong likod bahay ng mga ito ng biglang sumigaw ang tatlong mga lalaking nasa swimming pool.

"Aprodite!" Zeus

"Jenna!" Thor

"Give our shirt back!" Quen

Itinulos siya sa kinatatayuan, samantalang ang dalawa ay maagap na ipinasa sa kanya ang hawak ng mga ito at tumalilis.

Bago pa mawala sa pangingin niya sina Aphrodite at Jenna ay nag-peace sign ang mga ito at sabay na bumuka ang bibig.

"Sorry."

Dumagundong ang tibok kanyang puso sa kahihiyan ng nasa harap na niya ang tatlong lalake.

"Hi-ndi k-o, sinasadya." Sa kabila ng pagkautal ay nairaos niya ang mga salitang namutawi sa kanyang mga labi.

Ngumiti si Thor, "It's mine." Mula sa mga kamay niya ay kinuha nito ang isang asul na tshirt at tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat. Pagkaapos ay tila walang nangyaring naglakad ito palayo.

Pagkatapos makuha ni Quen ang pag-aari ay ganun din ang ginawa nito.

Si Zeus na lamang ang naiwan sa kanyang harapan.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 19, 2021 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Zeus Sarmiento: Harmony in MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin