Harmony 4 - Sarmiento's

795 57 19
                                    

"Huwag kang mag-alala, Helen. Tutulungan ka namin." Saad ng isang malamyos na tinig.

"F*ck, that bastard!" Madiin ang mga salita at umaapaw ang galit mula sa isang baritonong tinig.

"Your mouth, Zion. The kids are here." Ang malamyos na tinig ay naging malamig.

"Sorry, love." Naging maamo ang baritonong boses.

Marahang nagmulat si Harmony. Bumungad sa kanya ang kanyang ina na nakaupo sa silya malapit sa kanyang hinihigaan habang nakatakip ang mga palad sa mukha.

Sa tabi ng kanyang nanay Helen ay may isang napakagandang babae na nakatayo at masuyong humahagod sa likod nito.

At isang lalake na madilim ang mukha at salubong ang makakapal na kilay na nakaakbay sa magandang babae.

Sa patuloy na paglalakbay ng kanyang mga mata ay nakasalubong niya ang isang matiim na titig. Blangko ang ekpresyon ng mga mata nito.

Naputol ang kanilang titigan ng may humarang na isang batang babaeng kasing-edad niya na kamukha ng ginang sa tabi ng kanyang nanay Helen.

Humakbang ang batang babae palapit sa kanya at umupo sa kamang kinahihigaan niya. "Are you okay?"

Napitlag siya ng walang pasintabing hinawakan nito ang kanyang braso.

"Aphrodite, don't startle her."

Saway ng isa pang batang babae.

Aphrodite pouted, "I am not, Jenna."

"Nasaan ba sila ng nanay niya? Anong ginagawa nila di-?" Nanginig si Harmony dahil sa takot nang bumalik sa kanya ang mga nangyari.

Naagaw naman ng dalawang batang babaae ang atensiyon ng mga nakakatanda.

Maagap na lumapit si Helen sa nanginginig na anak. At niyakap ng mahigpit si Harmony. "Nandito na si nanay, anak."

Kinagat ni Helen ng mariin ang labi para pigilan ang impit na hikbing nais na makaalpas.

"Patawarin mo si nanay, anak. Hindi kita nabantayan." Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ni Helen ay gusto na niyang pumatay. Hindi rin niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari sa anak, dahil sa kapabayaan niya.

Humagulgol si Harmony at mahigpit na nangunyapit sa ina.

Kung maari lang akuin ni Helen ang bangungot na dinanas ng anak ay gagawin niya. "Tahan na, anak ko. Nandito lang si Nanay."

Hindi na napansin ng mag-inang si Helen at Harmony ang pagsenyas ni Thea kina Zeus, Aphrodite at Myrtle na lumabas. At iniwan nila ang mga ito sa loob ng silid.

Makalipas ang halos tatlumpung minutong iyakan at paghingi ng kapatawaran ay tanging hikbi nalang ng mag-ina ang namayani sa loob ng silid.

Marahang hinahaplos ni Helen ang likod ng anak. Paulit-ulit na sinasabing nandito lang siya para sa anak.

Alam ni Helen na kahit anong gawin niya ay hindi na niya maibabalik ang panahon para baguhin ang masamang pangyayari sa buhay ng kanyang anak. "Hindi ka pababayaan ni nanay, anak."

Kung kailangan niyang gumapang ay gagawin niya, para lang mabigyan ng magandang buhay sina Harmony at Ric sa hinaharap. Ang kanyang asawang si Ador ay hindi na niya maaring asahan. Ang huling balita niya ay may kinakasama na ito sa bayan.

Ang anak naman niyang panganay na si Julius ay lalagay na sa tahimik. Dahil nabuntis na nito ang kanyang nobya.

"Nay, yu—ng mo-nster."

Maingat niyang iniangat ang mukha ni Harmony. Kahi tila may dumakot sa kanyang dibdib ng makita ang takot sa mga mata ng anak ay pinilit niyang ngumiti.

Zeus Sarmiento: Harmony in MeWhere stories live. Discover now