Chapter 5

6.7K 135 2
                                    

NAGISING AKO dahil sa pag ring ng alarm ko. Nakunot ang nuo ko ng na sa kama ako. Wait... Sa pagkakatanda na sa sahig ako ah?

I sighed, hindi ko nalang 'yon pinagkatuonan ng pansin at naligo nalang, pagkalabas ko ay naabutan ko si Trade na nagluluto, when our eyes met my heart beat like crazy.

"Good morning," he greeted.

Mukhang wala ata siyang alam sa nangyari kanina, dahil napaka inosente ng mukha at obvious naman na clueless. Napansin ko ang pasa mukha niya, malamang dahil sa suntok ko iyon kanina.

Pero 'di man lang niya ba napansin?

"Here, have a seat." Pinagsilbihan ako nito, grabe nag mumukha akong princess dahil halos lahat ay siya lang ang gumawa, pati pagsandok ng kanin. Ito ata ang sinasabi nilang princess treatment.

Marami siyang nilutong pagkain kaya ang ending ay halos hindi na ako makatayo dahil sa subrang busog. "Here, tubig ka muna." Akmang papainumin pa sana ako nito ngunit kinuha ko na, kanina pa 'to nag sisilbi saakin, ni hindi pa nga siya nangangalahati sa kanin niya.

"Ako na, kumain ka na ulit d'yan."

Tumango ito at ngumiti, ano ba 'to! Napaka good mood niya, lahat tuloy ng mga pag iiwas ko sa kaniya ay nawala sa utak ko, he's a good boy.

Nang makitang tapos na siya ay tumayo ako para sana ako na ang mag huhugas pero as expected, inagawan ako nito ng huhugasin.

"Ako na,"

"No, ako na." Sinimulan niyang hugasan ang mga pinagkainan namin. I sighed, grabe naman ata ang swerte ko, may taga luto na nga ako may taga hugas pa, kulang nalang ay perfect na siya para maging isang katulong.

"You don't have to do this, you kno--"

"Nope, I do. Pasasalamat ko na rin ito sa pag papatira saakin dito." Nagulat ako when he suddenly winked.

Geez, subrang pogi! Pag 'di ako makapag timpi, pagsasamantalahan ko 'to dito!

"And," I watch him wash the dishes, "I am serious about what I said yesterday."

"R-Really... B-Bakit pala?" nakakahiya, namumula na ata ang mukha ko dahil humarap ito saakin at hinawakan pa ang dalawang balikat ko.

"What do you mean? You are likeable person. I am dead serious when I told you I want to court you." At pagkasabi nga niya nu'n ay alam kong seryuso nga talaga siya.

Late na akong nakapasok sa trabaho, sa huli ay pumayag na akong ligawan niya ako. It's my first time that's why I don't know what to react. Wala kasing ligawan na naganap saamin ni Quackin kaya hindi ako sanay. Trade is gentle, at iyon nga ang hanap ko sa isang lalaki.






IT'S BEEN 5 weeks. At tinutuo nga ni Trade ang panliligaw, nalaman kong pumasok daw siya sa isang trabaho. He's so freaking sweet, kahit minsan ay may nakikita akong red flag sa kaniya ay bet na bet ko talaga ang mga pinag gagawa niya.

"Ano bang nangyayari?" kinurot ako ni Clarrise habang nakatingin sa labas. It's 7pm na at umuulan. Kanina pa kami nakatayo sa labas ng building dahil nag aantay kami sa boyfriend ni Clarrise. Nakakahiya man ngunit sasabay na ako sakanila pauwi, nag insist na rin kasi itong bruha kahit sinabi kong mag tataxi ako, keso baka raw makidnap ako kapag nag taxi.

Nakita namin ang mga babaeng nag kukumpulan.

"Ewan ko, wala naman akong paki." Usal ko at tinignan ako cellphone. Nag text na ako kay Trade na medyo matatagalan ako sa pag uwi dahil sa ulan.

"Ay takte, pogi oh!" Tinuro ni Clarrise ang direksiyon kung saan maraming tao. 'Di pa sana ako lilingon ng marinig ang isang pamilyar na boses.

"Baby!" Nanlaki ang aking mata nu'ng makita si Trade. Putamother!

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Där berättelser lever. Upptäck nu