Chapter 11

4.7K 102 0
                                    


HINDI KO ALAM anong pumasok sa utak ko at naisipan ko pang hintayin si Devoungh, na late lang ako sa trabaho dahil hindi siya nakarating.  Iyong sakit na naramdaman ko kagabi ay mas lalong nadagdagan dahil sa sinabi ni Clarrise saakin.

Nakita niya ang lalaki kasama ang fiancé nito, mag kasama na naman sila. Panay tanong saakin si Clarrise kung sino iyon since hindi ko pa siya na sabihan, si Era lang. Dahil pagod akong mag kwento ay sinabi kong ka business partner niya lang dahil alam kong madaldal itong bruha at maraming katanungan, she even asked me if alam ko bang magkasama sila na ganu'n kaaga. I just nodded, ayukong mag mukhang tanga, dahil ang totoo hindi ko talaga alam.

Wala ako sa sarili buong araw na mag trabaho. Naisipan kong puntahan si Devoungh sa bahay niya at baka nandu'n. Gusto kong kumpirmahin ang mga nakita ko kahapon, ayuko siyang pangunahan kaya need ko siyang maka usap. Baka na over react lang ako.

Binati ko yung kasambahay na nag bukas ng pinto para saakin. Inilapag ko sa lamesa 'yong niluto kong pagkain para kay Devoungh.

"Si Devoungh po?" Tanong ko sa kasambahay, nakita ko ang pag iwas nito ng tingin.

"N-Na sa kwarto po si sir..." Nakita ko ang pag aanlinlangan sa mukha nito. I just smiled at her at nagpaalam para puntahan ito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, hindi na ako nag abalang kumatok dahil gusto ko itong surpresahin.

"Devo---" hindi ko na tuloy ang pag tawag ko sa kaniya.

My eyes widen. The thing is... I was supposed to surprise him but the table turn, ako iyong na surpresa niya.

Kasama na naman niya ang babae but this time it's more painful. They are kissing, nakahawak ang mga kamay ng babae sa pisnge ni Devoungh, the worst is, nakapatong sa kaniya ang babae. Ilang segundo lang akong nakatayo doon, tumakbo kaagad ako paalis bago pa nila ako mapansin.

Mabilis ang takbo ko, narinig ko pa ang pag tawag saakin ng kasambahay pero hindi na ako nag abalang lingunin ito.

Ang akala kong mabubura niya ngayon ang sakit na naramdaman ko kahapon ay dinagdagan niya.

Hindi ko namalayang dahil sa pagtakbo ay nakarating ako sa isang parke. Walang tao, tahimik at malakas ang hangin.

Napahampas ako sa aking dibdib, ilang beses ko itong ginawa dahil baka kapag ginawa ko ito ay mawawala ang sakit ng puso ko. I tried my best na i focus ang sakit sa paghampas sa dibdib pero mas nanaig ang sakit na binigay saakin ni Devoungh.

If I knew this shit would happen. Sana hindi na lamang ako naging marupok noon, sana hinayaan kong manalo ang isip kong huwag ng ipagpatuloy ang saamin, but I don't want to hurt my heart kaya naging marupok ako.

Subrang sakit at nagpakatanga ulit ako. Am I really this stupid? Do I look like that kaya parang ang bilis niya lang gawin akong ganito?

"Calista?" napahinto ako sa mga iniisip nu'ng may humawak sa balikat ko, I was about to slap that person pero kaagad niyang nahawakan ang kamay ko.

"Woah, woah..."

"Quackin!" I said when I realize who it was, akala ko kasi si... "A-Anong ginagawa mo rito?" gusto kong maging proud sa sarili dahil kung dati para akong hihimlay sa kilig kapag nakita siya ngunit ngayon ay wala na, I felt like he's just a stranger.

Ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko

"Nice to see you again, ilang months lang tayong 'di nag kita sadista ka pa rin." Nakuha pa talaga nitong mag biro, "Napadaan lang ako, pauwi na sana kaso nakita kita dito."

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon