Chapter 15

4.9K 104 0
                                    


GABI NA NU'NG matapos ko ang files na ginagawa. Sinave ko kaagad ito bago nag inat ng katawan, tinignan ko ang cellphone ko, as expected may ilang missed call ako galing sa nagbabantay kay Cevon. Buong oras kasi ay computer at folders ang kaharap ko kaya hindi ko na napapansing tumutunog na pala ang telepono.


Nag message lang ako dito na pauwi na ako bago tinignan si Jackie.


"Done ka na?" He asked when he noticed me.


"Yup, ikaw?"


"Kanina, pa. Tara na?" Inantay lang pala ako nitong matapos. Mabilis akong tumango bago inayos ang sarili. Habang nililigpit ang mga gamit ay napalingon ako kay Jackie nu'ng dumaing ito.


"Gagi... Saglit lang." Nakunot ang nuo ko habang tinitignan itong nakahawak sa t'yan.


"Restroom lang ako saglit," hindi na ako inantay nitong tumugon at kumaripas na nga ng takbo patungong cr. Natatawang napailing na lamang ako, kahit kailan talaga, may pag ka little rin ang isang iyon.



Dahil dala naman ata niya ang cellphone ay minissage ko na lamang itong sa parking lot na lamang ako mag aantay sa kaniya.


While I was waiting for Jackie ay nakaramdam ako nang may nagmamasid saakin, inilibot ko ang tingin sa parking lot. Wala namang ka tao tao, in fact I am the only person standing here, hindi ko naman mabuksan ang sasakyan ni Jackie dahil na sa kaniya ang susi.



"Hey," mabilis kong nilingon ang nagsalita. My eyes widen when I saw Era, she's walking towards me.


"Era? Anong ginagawa mo rito?" bungad ko rito.



"Sinadya ko talagang pumunta rito para makausap ka. Can I have your new number? Napag utusan lang ako ng mga bruha." Bahagya pa siyang umirap, hindi ko magawang matawa dahil nahihiya pa rin ako sa kaniya, sa kanila. It's uncomfy knowing that they are deep inside mad at me.



Pagkatapos nitong kunin ang number ko ay nagulat ako sa biglaan nitong pagyakap saakin. "Please, talk to us. We are willing to listen, we're friends, right?" Humiwalay siya saakin kaya mabilis akong tumango.



I bite my lower lips para pigilan ang mga luhang pumatak. God! What did I do to deserve them? They are too kind for me.



"Sige na, alis na ako. Dumaan lang talaga ako," niyakap ako nito uli bago tumalikod.



Ni walang salitang lumabas sa bibig ko. Nu'ng makitang naka alis na ito ay saka pa nagsipatakan ang mga luha ko. They are really my friends, my bestfriends. Kahit red flag man sila ay hindi toxic ang pag kakaibigan namin, they are always there for me, yet I still left them behind. Hinayaan ko ang sariling kainin sa galit, I was so furious to Devoungh na hindi ko namalayan na nadadamay na pala ang mga taong nakapaligid saakin.



Panay tanong saakin si Jackie nu'ng makarating kami sa bahay. He just saw me crying earlier, nakakahiya.



"Later, i'll tell you everything, kaya shut down ka muna d'yan." Tinarayan ko ito, pabirong sumaludo naman siya saakin.



"Copy, ma'am." Nag lakad ito na parang sundalo, sira ulo talaga kahit kailan.



I am glad he's here, pangalawa siya kay Cevon na nakakapag pasaya saakin, maybe if ever this two man never came in my life, parang patay na siguro ako. They can make me laugh without even trying hard.




Walang alam si Jackie sa nangyari saakin, all he knows that I just got pregnant by my ex and dumped me. Ni pangalan nito ay hindi niya alam kaya clueless siya na iyong boss na pala namin ang sinasabi kong iyon.



 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Where stories live. Discover now