Chapter 13

4.9K 102 1
                                    


"BABE, PAPASOK na ako sa trabaho."


"Kanina ka pa," puro tango ang ginawad ko rito.


"C'mon..." Lumapit pa ito saakin, bahagya akong natawa dahil mukha siyang batang inagawan ng candy.


"Sige na, alis na." I sighed, "Mag-iingat ka, huwag magpalipas ng gutom." Kaagad umaliwas ang mukha nito. He smiled and wave his hand before walking away. Napa iling iling na lamang ako, hindi talaga maipagkaila na magkapareho kami ng edad dahil minsan isip bata ito.


"Baby..." I called, naglakad ako patungog sala. And there he is, my sweet little boy.


"Cevon, it's time for your milk na." Tawag pansin ko rito, pero hindi man lang ito lumingon saakin, he just continue playing with his new roblox toy.


"Cevon," babalang tawag ko, saka pa niya ako nilingon.


"I don't want milk, Mommy. I am a big boy already," he pouted. Napailing iling na lamang ako bago ito nilapitan.


"You're still a baby, my baby." Pinugpog ko ito ng halik sa mukha dahilan para tumawa ito ng malakas. May kiliti ito sa mukha.


"Mommy! Stop po!" He laughed hard. Natatawang huminto ako at tinitigan ang mukha nito.


I can't believe this little man infront of me is my own son. Parang kailan lang ay inisip kong hindi magka anak but look now. He's already 3 years old, subrang bilis ng panahon.


"Play tayo roblox later, baby." Yaya ko sa kaniya, nakita ko naman ang pag kinang ng mata niya, "If, you drink your milk."


Mabilis itong tumango at siya na mismong tumakbo patungong kusina kung saan ko iniwan ang tinemplang gatas.


~*~

NAKATULUGAN NA ng anak ko ang paglalaro. Mabuti nalang at hindi spoiled si Cevon sa gadget, sinigurado ko talagang hindi ito ma a-adik dahil masisira lang ang mata nito. Minsan ko lang ito pinapagamit ng cellphone kapag na busy ako. Naghahanap na kasi ako ng trabaho.


Nahihiya na rin ako kay Jackie, iyong lalaking isip bata. Siya ang tumutulong saakin simula nu'ng malaman kong buntis ako. I almost lost Cevon that time when I almost got hit by a car. Laking pasalamat ko at dumating si Jackie, he's a total stranger but he help me a lot.


After many years, ngayon lang ako nakaisip na mag hanap ng trabaho, it was so difficult dahil sa oras na aalis ako para sana mag hanap ng trabaho ay umiiyak si Cevon, I am scared dahil kakaiba itong umiyak. Pinipigilan niya ang hininga niya hanggang sa mag kulay violet na siya, I don't know where did he learn that. I am scared.


Hindi naman pwedeng umasa na lamang ako kay Jackie lahat. Hahanap nalang ako ng trabaho na may oras pa para makapag bonding sa anak ko.


Ngayong tulog ito ay naisipan kong mag tingin tingin sa social media. Minsan kasi may ibang negosyong pinopost nila sa social media at iba may hiring kaya nag babakasakali lang akong makapasok.


Tago lang ang pagtira namin dito. We are still in manila, wala akong planong mag ibang bansa, bukod sa wala na nga akong pera, pupunta pa talaga ako ng ibang bansa para mag move on?


I hide from everyone including my friends. Walang nakaka alam kung nasaan ako, sana lang talaga at maintindihan ako nila Clarrise, they are my bestfriends.


"M-Mommy..." Kaagad akong napalingon kay Cevon nu'ng mag simula itong umiyak. Dali dali ko naman itong nilapitan.


"Hey, what's wrong?"


 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Where stories live. Discover now