A day passed without Dos. It hurts. Masakit pero kailangan niyang pigilan. He's not good for her. Dos is still not a man. He needs to learn.
When tommorow comes her brows furrowed when she received a missed call and a text from Dos.
'I'm giving you one last chance, bawiin mo ang sinabi mo. Meet me at Rad Cuisine.'
Napailing siya sa nabasa. Parang gusto niya tuloy sumbatan ang binata na ganyan pala kababaw ang tingin nito sa kanya. Na kaya lang niya sinabi iyon dahil nah-iinarte lang siya.
Sino pa ba ang sisisihin niya bukod sa sarili? Kaya nagkaganyan si Dos dahil na rin sa kanya. Kung hindi lang niya itinapon ang dihnidad at katawan niyabsa binata hindi ito aastang ganoon.
She sighed and get up. Kailangan niyang paglutuan ang taong kumupkop matapos siyang maglayas.
Pero ng pumasok siya sa kusina ay laking gulat niya dahil handa na ang pagkain.
"Hi, good morning! I cooked breakfast for us." Nakangiting bungad ni Coleen.
"H-hi, ako na lang sana ang nagluto."
"Ano ba, huwag ka ng mahiya saakin. Pambawi ko na rin ito dahil ikaw ang nagbabantay sa baby ko."
"Welcome but it's not big deal really, I enjoy taking care of him."
"Well, cooking breakfast is not big deal, too so huwag ka ng mahiya. You're a family."
Kumain na sila ng agahan ng muling tumunog ang cellphone niya.
It's Dos again.
"Ignore it." Coleen said to her. "Huwag kang marupok, gurl. Try to give yourself love and respect first. Huwag mong ubusin ang sarili mo para sa ibang tao."
She stared at Coleen.
"Your indeed strong, Coleen."
The girl giggled. "Slight lang!"
Her phone rang again. It's Dos. Sa inis niya ay pinatay niya ang phone niya. Napatingin si Coleen doon.
"Well, I have some schoolworks to do since I'm onlined. I don't need disturbance." Sabi niya sa dalaga.
Coleen giggled on that.
"HOW'S my apo?" Ace Benjamin asked on the other line. After she submitted the requirements ay tumawag ang ama ng binata.
"Okay lang naman, Tito. Unti-unti nab ring lumaki ang umbok. Mukhang bumabawi." She chuckled while saying that.
His father knew, Ace Benjamin knew what was happening to his sons, but he didn't say it to his son. For what reason? She asked a favour at Ace Benjamin that she wanted Dos to learn and be a man. Of course, as a father, he agreed. Basta raw bago niya isilang ang anak nila ni Dos ay alam na ito ng binata. She agreed on that, thinking that maybe it's better that Dos will know sooner.
WEEKS passed so fast. Mag-aanim na buwan na ang tiyan niya at tama nga ang sabi ng doktor, na lalaki talaga ang tiyan niya.
About Dos, she didn't received any update about him since she change her number. Hindi rin siya lumalabas ng condo kaya hindi talaga magtatagpo ang landas nila ng binata.
"I'm home! May dala akong apple at saka ketchup." Nakangiting bungad sa kanya ni Coleen.
Ng tingnan niya ang kabuunan ni Coleen ay naalala niya ang dating siya. She used to he like that. That fancy dress, high heels on and make up. That was her life but she choose to live simply.
"Na-conscious ako sa titig mo, ha. Gandang-ganda ka sa 'kin, Sige ka, ako ang magiging kamukha ng baby mo." Pagbibiro sa kanya ni Coleen. Napangiti na lang siya.
"Nah. I just saw my old self in you. But look at me now---"
"Still beautiful and slaying in her own simple way. Tumpak!" Pagtatapos ni Coleen.
Napailing na lang siya at napangiti rito.
"By the way, thanks for looking after my baby."
"Salamat rin sa pagpapatira sa akin dito."
Mahinang hinampas siya nito sa balikat. "You keep on saying that for almost 56 times na."
"Well, I can't help it. Without you and Keil, hindi ko na alam ang kahahantungan ng buhay ko. Maybe---"
"Maybe, you're married with Keil already. Yiee." Coleen teased her. Napailing na lang siya at napangiti.
Inaasar talaga sila ni Coleen lalo pa't supposed to be engaged na dapat sila. Pero alam niyang gusto ni Coleen si Kisses para kay Kiel.
"Sira ka talaga."
And after many weeks, her feelings for Dos slowly fades...
"DOS, wake up." Cinco slightly kick his legs but he can feel no pain. His body is numb due to alcohol.
"We can't send you home this state, Dos. Mapapatay na kami ni Tita Cheska nito." Sais grunted.
Hindi niya alam kung anong nangyayari sa paligid. Bagsak na siya sa sofa at umiikot na ang paligid niya. He can't even open his eyes.
Kailan ba siya huling nalasing ng sobra? He's drunk, too drunk.
"Corrine..." He murmured. Tumahimik bigla ang paligid niya
."Corrine..." He called her. But Corrine didn't respond. Napatawa siya ng mapakla. Oo nga pala. They're officially over.
"The fuck?" Cinco.
"We just misheard it." Sais.
"Right. It's impossible he's mentioning a girl's name." Quatro.
Dumilat siya. Agad na sumalubong sa kanya anf umiikot na paligid.
"W-where's my brothers?" Tanong niya.
"Gago, wala sila dito. May kanya-kanya silang hinabol na babae. Ikaw, single ka naman---"
"Where's Corrine? She should be here!" He shouted. Natigilan ang tatlo sa sigaw niya.
"May kilala kayong Corrine, pre?" Sais.
"Baka Celine, ata? Fake girlfriend niya iyon, 'di ba?" Quatro.
"Baka 'yun yung pangalan ng dream girl niya?" Cinco.
He groaned on what he heard. Bakit nga ba itong tatlo ang kasama niya?
Sinubukan niyang tumayo ng bigla siyang natumba sa carpeted floor.
His phone rang on his pocket. Agad niyang kinuha iyon pero natagalan dahil nga lasing siya at halos hindi na niya mabuhat ang kamay niya.
"Fuck it! Get my phone from my pocket now." Inis na sabi niya. Hindi niya alam kung sino sa tatlo ang kumuha 'nun. Basta inabot nito sa kanya.
Agad na sinagot niya ang tawag.
"C-corrine? Is that you? Babawiin mo ang sinabi mo, 'di ba? T-tayo pa naman, 'di ba? Corrine..." Lasing na sabi niya sa kabilang linya.
"Dos baby, si Mommy mo 'to. Do you wanna go home and talk about it?" Marahang tanong sa kanya ng Mommy niya sa kabilang linya.
Bigla tuloy nawala ang kalasingan niya.
"M-mom!" Damn it! Nakakahiya! He almost sound begging.
"Dos, before I will get mas that you're drunk, umuwi ka na at pag-usapan naton so Corrine."
Umiling siya kahit hindi naman kita ng Mommy niya.
"Mom, pagod na siya sa 'kin..."
"Dos anak..."
"Mom, sabihin mo kay Corrine na kami ulit. That I regret how I badly treat her." He begged.
Halos lumuwa na ang mata ng tatlo sa narinig. And Quatro is really intelligent. He did be able to take a video.
"Mom...help me find her."
أنت تقرأ
Dos' Sexual Fantasies (4th Gen #5)
عاطفيةI'm willing to fulfilled your sexual fantasy. But promise me, make me your reality when you are ready. -Corrine. R18- General Fiction @PinkyTsarmi Book cover by: @aiarts If you want book cover don't hesitate to reach her on wattpad! : D I love her...