CHAPTER 7

148 48 6
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

NAGISING ako nasa kama na ako. Napabangon ako kaagad ng maalala ko na nasa sala nga pala kami kanina ni Eidren at hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako.

Pero sino naman kaya ang nag dala saakin dito? Kaya ay dali dali akong tumayonat lumabas ng kwarto ng makita ko si Eidren na topless and the water still dripping on his body.

Napatakip na lang ako bigla ng mga mata ko at mabilis napa talikod.

"Ano ba Eidren. Meron namang c.r sa kwarto mo bakit kailangan mo pang ibalandara dito ang katawan mo. Mahiya ka naman sa pagkabirhen ng mga mata ko."

Para akong bata na nag papapadyak duon at ng wala man lang akong narinig na kung anong ingay ay napatigil ako at unti unti kong inialis ang takip sa mata ko at dahan dahan na humarap.

Nabigla ako ng sobra ng hindi man lang siya kumilos o gumawa ng isang hakbang, sa halip ay hawak niya parin sa isang kamay ang isang twalya at nakakunot ang nuo na nakatitig saakin.

"Seriously?" Napatanga naman ako sa sinabi niya.

"H-huh?" Tanong ko ng hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Are you out of your mind Rome? Dimo ba nakikita na nasa isang resort tayo and beach ang nasa harapan natin. Pusible namang mag barong at americana ako sa gitna ng dagat." Take the sarscam on his tone.

Napairap nalang ako ng marealized ang bawat salita na binitawan niya.

'Oo nga naman kasi. San ka ba kasi nakakita na nasa isang beach resort pero naka barong o americana ang swim suit attaire." Bulong ng utak ko kaya ay napaismid na lang ako.

"Sorry naman, nadala ako sa pag katopless mo eh." Saad ko at umirap sa kaniya. Ibinaba niya ang twalya na hawak niya at humakbang palapit saakin kaya ay napaatras naman ako at napalunok ng sobrang tindi.

Nagsisimula ng kumabog ang dibdib ko at pinagpapawisan na rin ang sintido ko.dahil sa ginawa niyang paglapit sakin.

"Bakit? Anong akala mo nung makita mo ako, isang gwapo at hot na lalaki." Nakangisi niyang sabi at sa sobrang nyerbyos ay napalunok nalang ako at napasandal nalang sa pader at nacorner na ng isang kamay niya.

"E-Eidren." Utal kong tawag sa pangalan niya. Nakaplaster padin sa kaniya ang ngisi ng malademonyo at lumapit ng lumapit saakin at malapit na niya akong mahalikan ayan na malapit----

"Romelyn! Down on Earth Romelyn! HEY!"

"AY PUSANG KINALBO NG TATLONG PALAKA!" Napatili ako sa sobrang gulat ng biglang may sumigaw sa tenga ko at malaman laman kong si Eidren pala iyon.

"Gag* ka bat kaba sumisigaw ng ganon kalakas?! Para ng natanggal ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigaw mo!" Inis na sabi ko sa kaniya. Pero nakangiti lang siya sa harap ko at biglang umupo sa tabi ko at tinusok tusok ang pisngi ko.

"Eh kasi naman ilang beses mong tinawag ang pangalan ko kaya tinatawag ko din ang pangalan mo. Malay ko ba kasing natutulog ka pala." Pagpapaliwanag niya kaya ay napatampal na lang ako sa katangahan na ginawa nanaman nitong lalaking to.

"Ay lutang na sabog talaga. Susko po, kulang ka lang sa tulog Eidren." Inis na sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Anong kulang eh ang sarap nga nh tulog ko. Eh ano nga yung panaginip mo? Bilis sabihin mo na." Nakangiti niyang sabi na para bang kinikilig at inaalog ang kamay ko.

"Tse! Manahimik kana nga Eidren. Kalalaki mong tao napaka chismoso mo! San kaba nagmana ng pagiging chismoso huh?" Inis na tanong ko at kinuha ang kamay ko.

"Amm sa pag kakaalam ko na chismoso eh yung yaya namin. Hindi naman kasi chismosa si mom and dad eh. Sa tingin mo ampon kaya ako?" Gulat naman akong napabaling sa kaniya at nasapok siya ng wala sa oras.

"Aaaaarayy!" Sigaw niya ng sinapok ko siya. Hinimas- himas naman niya ang parte na sinapok ko at inis naman akong nagsalita.

"Hoi Eidren! Ang tanda mo ng nabubuhay sa mundo ngayon mo pa natanong kung ampon ka! Ang bobo mo talaga." Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya at nag pout naman siya.

"Eh tinatanong mo kasi kung saan ako nag mana ng pagiging chismoso eh. Eh wala naman talagang chismoso sa pamilya Dela Virgo. Ay alam kona." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Ano?" Maikli kong tanong sa kaniya at umayos ng upo para makarap siya lalo.

"Baka anak ako ni Mom sa labas. Ano sa tingin mo?" Napabagsak bigla ang mga balikay ko at unti unti ko ng pinapatay to sa utak ko.

'Kung hindi lang talaga ako nasa tamang pag iisip ay sinaksak ko na ng ballpen ang ulo nito. Jusko po nakulangan nanaman ng turnilyo ang utak ni Eidren.' Bulong ng utak ko at naiinis na talaga ako dahil sa kung ano anong pumapasok sa utak ng tao nato.

"Alam mo Eidren! Hindi na dapat kita pinatulog dito sa labas. Napasama pa at napasukan ng masamang hangin yang utak mo!" Saad ko at napabuntong hininga na lang.

"Huh? Panong masamang hangin? May mabait ba na hangin. Pwede ko ba siyang maging kaibigan? Para papalitan na kita? Ang harsh mo kasi sakin eh." Wala na talaga sa katinuan ang Eidren nato.

Wala na talaga akong magagawa kundi ang samaan lang siya ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ko ay siguro pinag lalamayan na 'tong lalaking to sa harapan ko.

"Ang bobo mo ngayon Eidren!! Nakakainis kana. Ilan bang catol ang nahithit mo at ganiyan ka high ang utak mo huh?!" Nanggigil na talaga ako lalaking to. Diko na alam kung matino pa ba ang utak niya o wala na talaga

"Catol? Sa tingin ko wala namang catol sa mansion eh. Baka yung utot mo yung nahithit ko kanina. Ilang beses ka kasing umutot eh. Ang baho kaya pwede ng pamatay ng insekto. Hahahaha." napalaki ang mga mata ko at malakas kong pinalo ang balikat niya na ikinatawa naman niyang malakas .

"Hoi! grabe ka sakin Eidren. Kala mo naman hindi mabaho ang utot mo. Para nga din yang patay na daga eh." Balik na tukso ko sa kaniya.

"Ayaw mo non our Utot is mutual." Sabi niya at kumindat pa. At pinarisan ng ngisi.

Nailing na lang ako at napatawa nalang din dahil sa kagaguhan niya.

Nakakagutom naman ako ba yan.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now