CHAPTER 9

131 43 4
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming libutin ang buong lugar, hapon na din kasi kaming nakatapos dahil puro kami bangayan sa loob ng restaurant.

Buti nga hindi kami binabawal dahil sa ingay namin sa loob at ang malalakas naming pag tawa.

Now, we're walking, sa tabi ng dalampasigan. Nag palit narin ako ng damit. Isang maong short and spagetti shirt. May suot rin akong top para kahit papaano ay hindi ako makitaan at para may takip din ang katawan ko.

Nakapaa lang kaming naglalakad sa tabi ng dagat. Huminto siya at kumapit ang braso niya sa katawan ko. Niyakap niya ako patalikod at hinalikan ang aking buhok.

Parang nagiging sweet ata siya masiyado ngayon.

"Masiyado ka atang naapektuhan ng salad mo kaya naging matamis ka ngayon saakin." Pahayag ko at natawa ng bahagya.

"Hmm.. i just want to hug you behind. Ang sarap pala na yakapin ka sa ganitong posisyon at sa ganitong lugar." Mahina niyang bulong sa tenga ko at hinalikan ako sa buhok.

"But you know your limitation isn't it. We're just friends and you cant do the other part. Yun lang at yun lang." Saad ko at tinanggal ang kamay niya na nakapulupot sa katawan ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga at kalaunan ay ngumiti ng malungkot.

"Edi payagan mo akong manligaw sayo." He said kaya ay napalaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya.

"EIDREN!!" I said at tinignan ko siya sa mga mata niya but the only thing that i see is sencirity. I sighed and look at the sea.

"Im not ready Eidren. You know what i mean. Hanggang hindi ko pa nakikita at nalalaman ang kasagutan ay hindi ko bibigyan ng chance ang puso ko na magmahal. Kahit na kaibigan kita ay hindi ganon kadaling palitan yon." Mahabang sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko at may kung anong isinuot dun.

"But please tanggapin mo ito as a sign that you want me to be part of your life. Kahit matagal at kahit walang kaayusan ang lahat. Tanggapin mo ito bilang isang pangako na gusto mo rin ako." Nakangiti niyang sabi at hinalikan ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na isinuot niya saakin.

"Eidren.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero ayaw ko naman na madisapoint siya kaya ay tumango na lang ako at ngumiti.

"Please, pumayag ka na sa gusto ko. Wala akong ibang babaeng titignan maliban sa mukha mo. Wala rin akong ibang babaeng bibigyan ng atensyon maliban sayo Romelyn.." malambing niya sabi tsaka ako niyakap ulit at hinalikan sa buhok. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at mahigpit na niyakap.

Niyakap ko na lang rin siya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga kasabay non ang malayang pag lubog ng araw sa malawak na karagatan.

"I wish na sana isa na lang akong araw na malayang gawin ang mga gusto ko. Pero Eidren alam mo ba na kahit maayos pa sa ngayon ang buhay ko ay punong puno parin ng espasyo ang puso ko." pag kukwento ko sa kaniya at sinusuklay ang medyo mahaba niyang buhok.

"Kaya kong gawin kang araw. Sa mundo ko pwede kang maging malaya hanggat gusto mo basta kasama ako sa bawat palubog at pag sikat mo."

Napangiti naman ako dahil sa bawat salita na binibigkas niya. Eidren is not a romantic man pero pag ako ang kasama niya ay para akong isang magandang princesa na may isang prinsipe na katulad niya.

"Halika na sa room natin. Medyo madilim na. Gusto ko ng magpahinga." Kumalas ako sa yakap niya at ngumiti ng magtapat ang mga mata namin. Tumango na lang siya kaya ay hinatak ko na siya palayo at pumunta na sa kwarto naming dalawa.

Pagkapunta sa loob ng kwarto ay umupo naman siya sa sala at ako naman ay pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. umiinom ako ng bigla nanamang may yumakap sa likuran ko kaya ay muntik na akong mabulunan.

"Ano ba Eidren. Wag ka namang nangyayakap ng bigla bigla. Nakakagulat ka eh." Bulyaw ko sa kaniya at humarap.

"Sorry.. haha ang sarap kasi sa pakiramdam ng kayakap ka palagi." Natatawang sabi niya kaya ay napailing nalang ako sa kaniya.

"Hindi purkit pinayagan kita ay dadalas dalasan mo ng gawin yon. Sinasabi ko sayo, malilintikan ka talaga saakin." Umirap na sabi ko at lumayo sa kaniya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya napatingin ako sakaniya.

"May inaasahan ka bang bisita?" Nagtataka kong tanong sakaniya pero nag kibit balikat lang siya saakin.

"Sige sandali lang. Titignan ko lang kung sino yung kumakatok." Sabi ko at tumango lang siya. Pumunta naman na ako sa pinto at hindi ko na tinignan sa pole kung sino ang nasa labas.

Binuksan ko na ang pinto at gulat tsaka pagkabigla ang naramdaman ko ng bumungad saakin ang Dela Virgo brotherhood. With The girls?

Tinignan ko silang lahat at napaatras ng sinalubong nila ako ng isang yakap.

"RROMEEE!!!" Sigaw nila at niyakap ako. Natumba kami at tumama sa sahig ang likod ko.

"Ackkk." Sigaw ko pero wala silang ginawa at mas dumagan pa.

Napahiga na lang kami sa sahig at tawa sila ng tawa. "Aray!! Shit Eidren help me!" Sigaw ko kay Eidren dahil natabunan na ako nitong mga lalaking ito.

"Why!? The he*k? Hoy hoy si Romelyn natabunan na. THE HELL I SAID NATABUNAN SI ROMELYN!" Napatigil naman itong mga nakatabon saakin ng narinig nila na ang sigaw ni Eidren. Nag sipag tayuan naman sila at natira ako don sa sahig na nakahiga at napit pit ng todo.

Dinaluhan naman ako ni Eidren at marahang itinayo. Medyo napitpit talaga ako ng todo don dahil pano ba naman dagnan ka kaya ng ilang tao ng ganon at biglaan pa.

"Look what you've done! Romelyn are you okay? Idala na kaya kita sa Hospital?" Tanong niya saakin at tinignan ang bawat parte ng katawan ko, ng matignan na lahat tsaka siya tumingin sa mga taong nasa harap namin.

"Oo okay lang ako. Wag masiyadong Oa grabe ." Sabi ko at pinagpag ang damit ko. Tumingin naman siya sa harap kalaunan.

"Haist nako! Bat kasi nandito kayo ah?!" Inis na inis niyang tanong at sinamaan ang tingin sila Brook.

"Eh kasi kuya sabi ni mama na nandito kayo kaya hindi naman makukumpleto ang clan pag wala kayong dalawa. Diba ate Romelyn." Tumango na lang ako sa paliwanag ni Ryle.

"Eh bat kasama ang sadist?" Tanong niya. Sadist kasi ang tawag niya sa mga pinsan nilang babae dahil mga mapanakit ito.

"Hoy Eidren. Aba't ayaw mo ba kaming makita. Tagal na rin ng huli tayong magkasama sama ah!" Para namang dinik- dik na luya itong si Eidren ng biglang nag salita si Ate Chandra.

"Im just asking ate." Sabi na lang niya na tinawanan ng iba pa nilang pinsan.

"What ever. Hey Romelyn lika gusto kong kumain. Meron ba dito?" Tanong ni Ate Chandra na tinawanan ko naman at umiling iling.

Paniguradong magigig disaster ang pag stay namin dito dahil sa mga pinsan ni Eidren na manggugulo sa pananahimik namin dito.

***

ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now