CHAPTER 29

89 15 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

LEANDRO is here in my house. Kakauwi ko lang kasi at nakita ko si Leandro sa harapan ng bahay namin. Hinatid ako ni Eidren, gusto pa sana niya na makasama ako pero nag text sa kaniya sila Tita na uuwi ang mga ito kaya nag pumilit ako na umuwi.

Ayoko muna silang makaharap, kasi pag nakaharap ko na sila tsaka pa lang magiging official ni Eidren. Pero sa ngayon ay tatapusin ko na muna ang mga kailangan kong tapusin bago ko sabihin sa kanila na kami na ni Eidren.

Bumaling naman ako kay Leandro na nasa harap at nakatingin saakin.

"Can we talk?" He ask kaya tumango ako pero hinila ko siya paalis sa lugar na yon at ipinunta ko siya sa kanto kung saan medyo onti lang ang taong dumadaan. Umupo ako sa mahabang kahoy na upuan don at tumabi naman siya saakin pero may sapat na distansya sa pagitan namin.

"You need yo sign this papers. Ito ang magpapatunay na isa kang Santivañez at ikaw lang ang tunay na anak ni Sir, Nicholai. At bukas na bukas ay pupunta ka na sa hacienda Santivañez at dun mo na pababagsakin sila Madam Kelly. Here's the evidence na nilalason nila ang papa mo. Wag na wag kang magkakamali sa lahat ng bagay na napag usapan natin dahil masisira lang non ang mga araw na ipinaliwanag at plinano natin. You need to be careful with this evidence. Nakapaloob din diyan na ninanakaw ng pamilya nila ang lahat ng mana na naka pangalan sa papa mo. Pinagkakatiwalaan kita Romelyn at nasa kamay mo ang alas para mapabagsak na ng tuluyan ang pamilya nila." Mahabang litaniya ni Leandro saakin. Tumango naman ako at naiintindihan lahat at bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

Ibinigay niya saakin ang isang brown enveloped at isang tranparent plastic bag.

Binuksan ko naman ang brown envelop at naka saad dun ang bawat detalye na ako na ang magiging biological na tagapag mana ni papa.

Naka saad din don na mapapawalang bisa ang mga ibinigay na pamana ni papa kila Kelly Aloña Rodrigo. Agad ko iyong pinirmahan lahat pag kabasa ko 'non.

Ibinalik ko sa kaniya ang brown enveloped at sinunod ko namang tinignan ang transparent na plastic at inilabas lahat ng pictures na nasa loob 'non.

May mga kuha sa kwarto. Sa sala, sa kotse, sa pool at kung saan-saang parte ng bahay. Nakita ko rin ang mukha ng Kelly, maganda, balinkinitan ang katawan at may maipagmamalaking angking karisma sa katawan pero makikita mo rin dito na masyadong matapang ang aura ng mukha niya at parang hindi magpapatalo.

Nakuhaan din ng litrato ang pakikipag halikan nito sa isang lalaki na sinabi ni Leandro na isang Gov. Sa lugar nila. Medyo nakakatakot pero alam kong saakin naka salalay ang kaligtasan ni papa at saakin nag titiwala si Leandro pati na rin si Eidren. Tumingin naman ako kay Leandro na nag aantay lang sa mga sasabihin ko.

"Tapos naman na lahat ng paliwanag at alam ko na rin lahat ng gagawin ko. Mag papanggap ako dung katulong dahil pinaalis ang katulong na nangielam sa gusto ni Kelly. Magiging amo ko ang pamilya nila at sa sa araw na sinabi mo na ilalabas ko lahat ng baho nila ay dapat nakuha ko na lahat ng tiwala pati na rin ang bawat detalye na pwede kong gamitin sa kanila. Matalino si Kelly pero alam ko naman na mas maagap ako sa kaniya. Kaya ko 'to Leandro. Trust me." Sabi ko kaya napa ngiti siya. Nagpatuloy naman ulit ako sa pagsasalita.

" Akina na ang ticket papuntang Hacienda Santivañez." tumango naman na siya at ibinigay ang isang ticket sakin.

"Aalis na ako. Kailangan ko pang kausapin si mama bago ako tuluyang pumunta sa Hacienda nila. " tumayo na ako.

"Hindi nila Hacienda yon Romelyn. From now on sayo na yon dahil naka pangalan rin 'yon sayo at dahil na pirmahan mona ang Willing Testament niya ay mapupunta na sayo lahat ng bagay na nararapat naman talaga para sayo. Good luck. Mauna na rin ako." Saad niya at tinapik ako sa balikat ng bahagya kasunod non ang tuluyan niyang pag talikod saakin. Tinanaw ko nalang siya ng mga mata ko at umalis na rin sa lugar na iyon. Itinago ko naman ang mga ebidensya sa bag ko at umuwi na ng bahay para mag kausap kami ni mama ng masinsinan.

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon