CHAPTER 31

93 15 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

MALALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa sobrang init sa kinatitirikan ko. Hindi ako pwedeng magreklamo dahil ang role ko dito ay isang katulong and i dont have a choice.

Isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko ng makatapos ako sa ginagawa ko dito sa gitna ng Hacienda habang sinasangga ng katawan ko ang maiinit na sikat ng araw.

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa nuo ko tsaka ako nagdecide na pumunta sa lamig at dun muna pansamantalang magpahinga kahit saglit lang.

Bumuntong hininga ako at padaskol na naupo sa sahig habang pinupunasan ko ang tumatagaktak na pawis sa mukha ko.

Napatingin ako sa kanang bahagi ko ng umalingaw-ngaw nanama ang boses ni Veronica habang tinatawag ng matinis ang pangalan ko. Kahit na pagod at nanghihina pa ay agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Habol ko ang hininga ko ng makalapit ako sa direksyon ni Veronica habang naka pameywang saakin.

"Im calling you a lot of times but you didnt answer! Ano ba ang ginagawa mo bobita?!" Inis na singhal niya saakin at sinasamaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tinatapos ko ho ang inu--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya iyon sa nanggigigil na boses.

"Aba't sumasagot kapa! " galit na sabi niya at para na akong pinapatay ng mga tingin niya.

"Pasensya na ho Ma'am Veronica. Hindi na ho mauulit." Pahingi ko ng tawad at tumingin sa sahig. Kahit na nagngingit-ngit ang kalooban ko ay pilit ko pading maging mahinahon para magawa ko ng mabuti ang misyon ko.

"Tsk! Bobita ka talaga! Anyways, sumunod ka sakin at may ipapagawa ako sayo!" Yun lang ang sabi at tinalikuran na ako. Nginiwian ko naman siya tsaka ako tuluyang sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa kabahayan at pumunta kami sa kwarto niya. Binuksan niya ang kwarto at tumambad saakin ang madaming kalat at parang binagyo sa sobrang gulo ng kwarto.

'Todo pagod nanaman ang mangyayari saakin' naaawang sabi ko sa sarili ko.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kaniya at nagsalita. "A-Ano hong gagawin natin dito?"

"Linisin mo ang kwarto ko. Gusto ko pag balik ko ay maayos na at malinis na ang buong kwarto. Pag hindi mo nagawa im pretty sure, you can leave this house with the wide open gate outside." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Sige ho. Ako na hong bahala sa mga gamit niyo." Sagot ko naman at pumasok sa loob.

"Bilisan mo ang paglilinis. Ayoko sa lahat ay ang babagal bagal." Yun lang at iniwan na niya ako sa loob ng kwarto niya. Napaupo naman ako sa dulong bahagi ng kama at tinignan ang buong paligid.

Kulang ang salitang binagyo sa ayos na buong kwarto. Its really mess up. Magulo, nakakaĺat ng mg damit, hindi ayos ang aparador at nakakalat ang mga ibang papel sa sahig. Nag pakawala ulit ako ng buntong hininga tsaka ako tumayo at umpisahang linisin ang kwarto.

Inuna kong linisin ang kama. Pinagpag ko muna iyon at ng matapos ay sa mga naka kalat na papel naman ako nag focus. Sa bawat papel na hinahawakan ko ay binabasako muna para malaman ko kung mahalaga pa ba iyon o hindi na.

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon