CHAPTER 14

104 29 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

NAGISING ako ng may matigas na nakadagan saakin. Naramdaman ko rin na may mahigpit na naka yakap sa bewang ko. Nilingon ko ang katabi ko at nakita ko ang maamong mukha ni Eidren.

Mahimbing padin siyang natutulog habiang malaya siyang kayakap ang katawan ko.

Tumagilid ako para mas mapagmasdan ko ang mukha niya. Itinaas ko ang kamay ko at hinipo ko ang nuo niya na natatabingan ng mga buhok.

Ipinababa ko ang daliri ko sa iling niya hanggang sa mapunta iyon sa labi niya. Ang lambot parang ang sarap halikan. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pa dapat. Tingin lang at yakap ang pwede naming gawin dahil wala namang namamagitan saaming dalawa.

"Dont do that Romelyn. Tinutukso mo akong gawin ang hindi dapat." Napabawi ako agad sa kamay ko ng marinig ko ang husky voice niya. Ang ganda pala ng boses niya pag umaga.

"Akala ko naman tulog kapa. Eh bat gising kana ngayon huh?" Tanong ko sa kaniya at pinisil ang ilong niya. Nag bukas naman siya ng mga mata at namumungay na tinignan ako.

"Ayoko pa kasi umalis sa pagkakayakap ko sayo." Malambing niyang sabi tsaka niyakap ako. Isiniksik naman niya ang mukha niya sa leeg ko.

"E-Eidren.. nakikiliti ako ano ba." Mahinang daing ko at pinipilit na inilalayo ang mukha ko.

"Your smell taste good." He husky said at bite my neck.

"Ahh. Shit!" Sigaw ko ng maramdaman na kinagat niya ang leeg ko. Napabangon ako kaagad at pinag papalo siya.

"Gago ka ahh! Bakit mo kinagat yung leeg ko? Bampira kaba?!" Inis na sabi ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Hinawakan ko naman ang leeg na kinagat niya. Tinatawanan lang ako ng bugok. Kaya sa inis ko ay naitulak ko siya kaya ay nahulog siya sa lapag.

"Ackkk!" Sigaw niya ng bumagsak na siya.

Tinignan ko naman siya sa baba at laking gulat ko ng hatakin niya din ako pababa.

"Ano ba! Kainis ka ahh hahahaha" sabi ko at nauwi sa tawa dahil kinikiliti na niya.

"A-ahhh E-Eidr.. hahahhaha Ren... hahahaha ano ba hahahah!" Tawa ako ng tawa dahil sa ginagawa niya.

"Ano gusto mo pa ha?"

"H-hindi na hahaha. Ayo- ayoko na hahaha!!" Kinakapos nako ng hininga kaya ay sa wakaa ay natapos na din ang pag kikiliti niya saakin.

"U-huh h-huh!" Pag bawi ko sa hangin na muntik ng mawala saakin.

"Ayos ka lang ba?" Tinignan ko siya ng marinig ko ang boses niya. Sinipa ko naman ang mukha niya para makagante.

"Eh kita mo ng nag kukuha pa ako ng hangin tsaka mo ako tatanungin sa ginawa mo kung okay pa ako!" Inis na sabi ko at ikinulong ko sa dalawang binti ko ang ulo niya.

"Ackkk! O-oo na O-oo na h-hindi na. ACKK!" sigaw niya at kinakalampag na ang sahig kaya ay pinakawalan ko na siya. At pagkatapos ay gulat ako ng hatakin niya ang binti ko at kinubabawan ako.

"Loko ka ah!" Sabi ko sakaniya at sinabunutan siya.


"Aray masakit!" Sigaw din niya at mas lalong dumagan saakin.

"Shit mabigat ka. Wag kang dumagan ano ba!" balik na sigaw ko at pilit na itinataas ang katawan niya.

"Bitawan mo kasi yung buhok ko! Aray!" nasasaktan sabi niya kaya ay binitawan ko naman iyon. Sinalat niya ang buhok na nasaktan at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi mo ba alam na masakit iyon. Kung gawin ko kaya yon sayo ha!" Inis na bulyaw niya saakin.

"Edi gawin mo. Kaya mo ba ha! Ha?!" Nakipag paligsahan ako ng tingin sa kaniya pero sa huli ay natalo lang siya saakin. Pero bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi at agad na tumayo tsaka mabilis na lumabas ng kwarto ko.

"Gago kang Eidren ka. Ah!! Kainis! First kiss ko yun sa pisngi bat kinuha mo ha!!?" Gigil na akong nagwawala sa loob ng kwarto ko at sinasabunutan ang buhok ko sa sobramg frustration sa ginawa niyang paghalik saakin.

Naririnig ko pa hanggang ngayon ang halakhak niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

"Humanda ka saking lalaki ka. Pag ako nakaganti sayo baka sa labi na. CHAROT!" bulong ko sa sarili ko at nailing iling nalang at binura yon sa utak ko.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka ako pumasok sa loob ng banyo para makapaligo.

Hinubad ko na lahat ng damit ko at nagsimulang sabunin ang katawan ko. Ibinukas ko anh shower at nag shampoo na rin.

Pinaka shampoo ko ang buhok ko at pinakasabon ko ang katawan ko pati narin ang pinaka kasingit singitan ay sinabon ko para bumango ang buong katawan ko.

Hindi pa ako nasiyahan ay inulit ko ulit. Halos maubos ang sabon na ginamit ko sa ginawa kong pag sabon sa katawan ko.

Nag shower na ako at hinayaan kong bumaba amg tubig at bumagsak sa lapag. Bigla na lang na sumagi sa isip ko at ngisi at ang mabilis na pag halik ni Eidren sa pisngi ko.

Haist bakit kasi hindi pa sa labi. Charot again. Pero at the same time i like it. Dahil kahit papaano ay siya ang nakakuha at hindi ang kung sino sinong lalaki jan sa tabi tabi. Binilisan ko na ang pagliligo ko at kinuha ang towel tsaka ko binalot ang katawan ko.

Lumabas na ako sa banyo at kumuha ng magandang damit. Gown charing. Kumuha lang ako sa gamit ko ng isang maong black short at isang red crop top.

Ginawa ko munang wig ang twalya para hindi tumulo ang ibang tubig . Humarap ako sa salamin sa side table at nag lip tint lang ng bahagya. Yucks! Ayoko naman ng makapal no. Baka maging ligaw na clown ako sa kapatagan.

Tinanggal ko na ang twalya sa buhok ko at inilagay ulit yon sa banyo. Bumalik ako sa harap ng salamin at sinuklay ko ang mahabang buhok ko.

"Ang ganda ko talaga." Papuri ko sa sarili ko at naiiling na lang ako na ipagpatuloy ang pag susuklay sa buhok ko.

Ng makita ko naman na okay na ang itsura ko at pwede na ulit ipagmalaki hindi na katulad kanina na mukhang labandera ay lumabas na ako at dumaretsyo sa kusina.

"Ano ang atin jan?" Tanong ko sa kanila ng pumasok na ako sa kusina. Tumingin naman sila saakin at ngumiti.

Nakakagutom, ano ba yan. Umupo na ako sa isa sa mga upuan don at dumulog sa kanilang lahat.

***
ALL RIGHT RESERVED

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now