CHAPTER 37

149 21 22
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

THREE Weeks after.

Everything is on the line, the wedding preparation is all done. The ninong and ninang the abay's , the brides maid and the grooms man.

The place kung saan gagawin ang kasal ay naipakita na saamin ni ms.Kristel, the reception, the wedding cake and the ring na gagamitin sa kasal.

And now, im here, sitting in the bench of veranda while looking at the whole place of hacienda. Eidren is not here, i dont know where he is.

Sabi niya kasi saakin kanina bago siya umalis ay may pupuntahan siya and hindi niya sinabi saakin kung nasaan siya, okay lang naman saakin yon dahil may kailangan rin naman akong kausapin ngayong araw.

Ibibigay ko kasi ang mga invitation kay Dianne and Ryle. Hindi kasi sila pumunta nung ibinigay namin ni Eidren ang wedding invitation namin kaya pupunta nalang ako sa bahay ni Ryle.

Tumunog na ang relos ko it means eleven in the morning na. I stand up at kinuha ko ang bag ko tsaka ako lumabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdanan. Nakasalubong ko naman sila mama at Dad.

"Hello 'Ma and dad. Punta lang ako kila Ryle. I will be back before dinner. Sige po bye." Mabilis kong sabi at nakipag beso sa kanilang dalawa. Hindi ko na hinintay ang sagot nila pero narinig ko naman ang sigaw ni mama bago ako makalabas ng bahay.

"MAG IINGAT KA ANAK HA!" Sigaw ni mama. Hindi na ako sumagot pabalik kaya tuluyan na akong lumabas sa bahay at tinungo ko ang garahe na medyo malayo sa bahay. Kinuha ko ang susi sa gilid ng pinto ng garahe at sunod ko namang tinungo ang sasakyan na nakaparada don. Isang simpleng red car lang ang gamit ko para hindi hectic sa oras at dahil coding din ay eto na lang ang pinili ko.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at minaobra para makaalis na ako. Tuluyan ko namn ng napaandar kaya lumarga na ako. After a minute ay binabagtas ko na ang kahabaan ng daan patungo sa rest house ni Ryle na medyo may kalayuan sa Hacienda.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na ako sa bahay niya. Medyo malaki rin ito at hindi na siya rest house sa pagkakaalam ko. Still renovating kasi ay may ipinapatayong pool sa gilid. Nakarating na ako dito pero nung hindi ko pa alam ang Hacienda namin.

Naipark ko na sa gilid ng kalsada ang kotse ko ng marating ko na ang bahay ni Ryle. Ibinukas ko na ang pinto at lumabas na ako. Tumungo naman ako sa gate niya at nag doorbell. After five bells ay wala pa din, itinulak ko naman ang gate na yon at sa pagtataka ko ay bigla nalang bumukas. Siguro ay hindi niya nailock.

Hindi ko na lang pinansin ang bukas na pinto kaya tuloy tuloy lang akong pumasok saloob ng kabahayan. Bukas rin ang pinto kaya tumungo na ako sa salas niya. I called his name.

"RYLE!" I called him pero wala pa ring lumalabas. Kaya tinawag ko ulit siya.

"Isa Ryle pag hindi ka lumabas ay susunugin ko ang bahay mo!" Sigaw ko na may pagbabanta.

May narinig naman akong nagsalita sa di kalayuan na para bang may kung anong nangyayari. Nagmadali naman akong sundan ang tunog at idinala ako ng mga paa ko sa mini bar niya. I saw him there, lango sa alak at naka higa sa sofa.

Napabuntong hininga naman ako, kaya pala bukas ang kabahayan ay dahil lasing ang may ari. I tsk-ed.

"Nawalan ka na ba ng utak at umiinom ka?" Inis na tanong ko sa kaniya at dinaluhan siyapara iayos.

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now