CHAPTER 15

122 30 0
                                    

ROMELYN'S POINT OF VIEW
***

BUMATI naman sila saakin ng makaupo na ako sa upuan.

"Good morning Romelyn." Bati ni Ate Eunice saakin na nginitian ko naman.

"Morning din Ate. Asan yung iba?" Tanong ko sa kanila. Kasi si Ryle, Brook, Ate Eunice and Ate Bianca lang ang nasa dining.

"Hmm si Hanz nasa labas baka kausap yung jowa niya. And si Chandra, natutulog pa siguro." Sabi naman saakin ni Ate Bianca habang nilalantakan ang cookies na hawak.

"San galing yan?" Tanong ko sa kaniya at kumuha ng isa.

"Ah itong cookies ba? Dala ni Chandra, kinuha ko sa bag niya. Panigurado pag gumaising yon at nakitang wala ng laman ang box ay magagalit iyon." Natatawa niyang sabi kaya ay tumawa kami.

"By the way asan si Eidren?" Tanong ko at kumagat sa cookies.

"Grabe ka naman, mag kasama na nga kayo buong magdamag at pati kaninang umaga na naghaharutan kayo, miss mo na siya kaagad." Tukso ni Ate Eunice saakin kaya pinamulahan ako ng pisngi.

"Grabe ka saakin ate ah. Hindi niyo naman kasi nasabi kung nasan si Eidren. Si Ate Chandra at Hanz lang ang sinabi niyo." Pangangatuwiran ko.

"Ay 'sus. Palu-palusot. Nasa kwarto niya. Maliligo daw." Natatawang sabi ni Ate Bianca.

Naiiling nalang ako sa mga panunukso niya na kahit papaano ay natutuwa rin ako, dahil nafefeel ko na gusto talaga nila ako para sa pinsan nila. Napangiti nalang ako at tinapos kainin ang cookies na hawak ko.

"By the way." Napatingin naman kami kay Ryle ng nagsalita siya.

"Oh?" Tanong ni Ate Eunice at humarap kay Ryle.

"Bakit?" Tanong ko naman nung hindi kumibo si Ryle. Ngumiti naman ang huli tsaka nagsalita.

"Naisip ko kasi na since nasa resort na lang rin naman tayo bakit hindi natin gawing memorable ang one week natin dito." Nakangiti nitong sabi at itinaas taas pa ang kilay at inilabas ang malalim nitong dimple.

"Eh tapos?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ate Bianca. Napabagsak naman ang dalawang balikat ni Ryle at inis itong tinitigan.

"Seriously Ate? Edi malamang mag eenjoy tayo. Posible naman na itambak namin ang sarili natin dito hanggang matapos ang buong linggo. Pinapaalala ko lang sayo huh, na pagbalik sa manila ay sasabak na tayo sa company ng mga tatay natin kaya mag eenjoy na muna ako." Mahaba niyang litanya at may nakasilay na ngisi sa kaniyang labi.

"Indeed. But what i mean is, ano ang gagawin natin para mag enjoy." Nakairap na sabi ulit ni ate Eunice.

"Hmm.. ano nga ba ang maganda." Nagiisip na sabi nito at inilagay ang daliri sa baba at tumingin sa taas na akala mo matinong nag iisip.

"May bundok sa malapit sa batanggas. Pwede tayong mag hiking bukas. Hindi na rin ako nakakapag hike simula nung grumaduate ako ng college." Suhestyon ni Ate Bianca na ikinatingin sa kaniya ni Ryle.

"Hmm nife idea. Pero ang tanong, papayagan kaya ni Eidren si Romelyn." Napatingin naman silang lahat saakin kaya nagtaka ako.

"Eh bakit naman ako nasama jan?" Gulat na turo ko sa sarili ko.

Crazy in Love 1✔(UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now