Chapter 5

1.2K 19 0
                                    

《CHAPTER 5》

~Flashback continues~

-K I E R A-

I started to wonder kung may pumapasok nga ba sa kwarto ko ng di ko nalalaman, nagsagawa ako ng imbestigasyun, and my first step is to know who the person was and what was his/her motive.

Morning faded to night and as usual wala na naman ang mga tauhan ni lord Ace dahil napakatahimik ng buong lugar tanging mga dahon lang ng mga puno ang maririnig sa tuwing lumalakas ang hangin, nahiga na ako sa aking kama at pinatay na ang lamp para magmukhang tulog nga ako.

Lumipas ang ilang minuto.......

Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari, nagsimula na ring tumama ang aking antok kaya medyo pumipikit-pikit na ang aking mata.

Dumampi sa aking mukha ang mainit na sinag ng araw....

"Sh*t!" bumangon ako at napamura nang maramdaman na naman ang kirot sa ibabang parte ng aking katawan.

Tumayo ako at nagtungo sa banyo para pakalmahin muna ang mga ugat ko.

Nagmumog ako at sinabuyan ng maligamgam na tubig ang aking mukha.

I looked myself in the mirror and notice a red spot in my neck.

"a hickey?" takang tanong ko sa sarili ko.

Paanong??? lumabas ako ng banyo at nagtungo sa kwarto ni Nay Sabel.

"Nay...Nay?" kumatok ako at di nagtagal ay bumukas na ang kaniyang pintuan.

Agad akong napayakap kay Nay Sabel at dun binuhos ang aking luha't hinanakit.

"Jusko...bakit ka umiiyak hija?" nag-aalalang tanong ni Nay Sabel sa akin habang pinupunasan ng kaniyang daliri ang aking luha.

"Nay...may mali eh huhu" hagulgol ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Nay Sabel.

"Nagigising na lamang akong mahapdi ang nasa...nasa...ibabang parte ko, hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin alam kung paano ako nagkakaganito? at nakakita pa ako ng syringe sa trash bin ko e wala naman akong matandaan na gumamit ako ng syringe" iyak ko.

Muli akong niyakap ni Nay Sabel at pinatahan.

"Jusko...ano ba ang nangyayari sa'yo nak" pagpapatahan sa akin ni Nay.

"Nay...may ku-kutob akong may kinalaman si Lord Ace dito" sabi ko.

"Naku nak wag na wag mong basta bastang pinagbibintangan si Lord Ace, napakadelikado niyang tao nak at baka mapahamak pa tayo kapag malaman niyang oinagbibintangan natin siya" suway saakin ni Nay Sabel.

Kumalas ako sa yakap ni Nay Sabel at matalim siyang tinitigan.

"Nay...may nalalaman ka ba tungkul kay Lord Ace???" tanong ko na nakapagestatwa kay Nay Sabel.

"N-Nak mas mabuti pang wag na nating pag-usapan si Lord Ace...ang mabuti pa'y dito ka na lang sa aking kwarto matulog para mabantayan kita" sabi ni Nay.

"Pero...."

"Shhhhh...wag ka ng magsalita tungkol kay Lord Ace Nak maliwanag"

Tumango na lamang ako, mukhang mahihirapan akong malaman kung ano bang misteryo ang bumabalot sa lalaking yun kung ang sarili kong kababayan ay di ako matulungan, marahil ay makapangyarihan talaga si Lord Ace upang patahimikin ang aking Nay Sabel.

A/N: Follow and vote

Mine - Zafiro Morelli Where stories live. Discover now