Chapter 6

1.1K 20 0
                                    

《CHAPTER 6》

~Flashback continues~

-K I E R A-

It was three in the afternoon when I felt like eating something nice, binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain, I saw a tub of ice cream kaya nilantakan ko.

I grabbed a spoon and started eating it, sumandal ako sa counter at kinain ang ice cream, I savor every bits of it and honestly ngayun lang ako nakaramdam ng kaginhawaan kumbaga parang comfort food tong ice cream na ito napapikit pa nga ako sa sobrang sarap.

"I never thought that eating ice cream will make you feel at peace"

Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Lord Ace.

Sh*t he was staring at me.

I nodded at him at agad kong nilapag ang ice cream sa table at aalis na sana nang biglang magsalita siya.

"Did I say something wrong?" he asked.

"Uhm no...my Lord...I'll go ahead" nang masabi ko yun ay tumakbo na ako papasok sa kwarto ko.

Before I reached my door, I heard a noise na para bang may hinampas na mesa.

Napasandal ako sa likod ng pintuan ko at huminga ng malalim kase palagay ko kinakapus na ako ng hininga sa paraan ng pagtitig sa akin ni Lord Ace.

Nakakapagtaka lang bakit Lord Ace ang pangalan niya? I'm sure he has a real name pero bakit hindi sinasabi sa akin ni Nay Sabel kung sino ba talaga siya? ganun ba talaga siya kadelikado?

~~~~~

It was dinner time and I went out of my room with my fingers-crossed hoping that I won't meet Lord Ace, nakaka-kaba kasi ang mga titig niya e para bang aisshh basta di ko ma-explain.

Tinulungan ko si Nay sabel sa pagluluto at nang matapos na ay ako na ang naghanda ng mesa.

Hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga tauhan ni Lord Ace pero hindi naman sila marami e yung mga mahahalaga lang na tauhan niya...

  Kami na ang nag-adjust ni Nay Sabel at kumain na lang sa loob ng kusina, hindi kasi open area so separated yung dinning and kitchen.

Naghatak kami ng upuan ni Nay sabel at kumain na, habang kumakain ay di ko maiwasang itanong kay Nay Sabel ang tungkol kay Lord Ace.

"Nay...bakit ba napakapribado ng buhay ni Lord Ace? and please answer me this time Nay Sabel...hindi na po ako nakakatulog dahil sa dami ng katanungan sa isipan ko na gusto kong itanong sa'yo" I pleaded.

"Nak kasi...kasi...jusmiyo *sigh* pero nak satin-satin lang to ah" Nay Sabel wispered.

Tumango na lamang ako desperada na kasi akong malaman kong sino ba siya.

Huminga ng malalim si Nay Sabel bago magsalita.

"His complete name is Zaffiro Sevinn Morelli Baltimore...Lord Ace was his code name, ayaw niyang tawagin siya sa kaniyang pangalan dahil delikado, Kiera...Lord Ace is a mafia lord, marami siyang mga business na illegal tulad ng mga drugs, casino, clubs mga fighting arena, delikado siya Nak kaya nung makita kong buhat-buhat ka niya noon papunta sa kwarto mo ay kinabahan ako, bakit ba kasi napunta ka sa kamay ng lalaking yun?" Nay sabel explained.

Ipinaliwanag ko rin kay Nay Sabel ang mga nangyari sa akin, tungkol sa trabaho ko sa isang resto, gung supervisor kong masungit and my unborn baby, matapos kong isalaysay kay Nay Sabel ang lahat ay naramdaman ko ang pagkalinga at pagmamahal ni Nay Sabel, she stood and walked towards me, niyakao ako ng mahigpit ni Nay Sabel habang kinocomfort ako.

"Naku Nak...lubhang napakadilim ng pinagdaanan mo...jusko...kawawang bata, nawa'y makahanap ka ng kaligayahan jan sa puso mo at sana makalimutan mo na ang mga trahedyang dinanas mo" Nay sabel said.

"Ngayong alam mo na ang totoo tungkol kay Lord Ace, anong plano mo?"

"Iiwasan ko ho siya hangga't maaari, magtatrabaho ako nang sa gayun makapag-ipon ako at makaalis na sa bansang ito, hayaan niyo Nay Sabel hindi ako papayag na hindi kayo makasama" I said while I gripped her hands.

"Naku Nak, mukhang mahihirapan ka sa plano mong yan, mahirap takasan ang buhay na ito pero di bale na, tutulunga kitang makatakas dito, hayaan mo may naitabi akong pera para makaalis ka ng bansa----"

"Nay! anong pinagsasabi mo? isasama kita sa ayaw at sa gusto mo, ngayong nalaman ko na ang sobrang peligrong dala ng lalaking yun" kinakabahan kong tugon kay Nay Sabel.

"Nak...sanay na ako sa buhay kong to, isa pa hindi ako pinag-iinitan ng boss e kaya ok lang" Nay Sabel said.

Medyo nalilinawan na ako sa pagkatao ni Lord Ace dahilan upang ako'y kabahan ng todo, as usual nilolock ko ang pintuan ko sa tuwing pumapasok ako at ngayung matutulog ako'y nilock ko ito.

~~~~~

Kinabukasan ay wala akong naramdamang sakit o hapdi sa ibabang bahagi ng katawan ko and there is no sign of a syringe in the room kaya panatag akong walang pumasok sa kwarto ko.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap ang taong gusto kong nakikita sa tuwing umaga, hinanap ko si Nay Sabel sa kusina ngunit wala siya, hinalugad ko ang buong bahay ngunit wala talaga si Nay Sabel, nagsimula nang manubig ang aking mata nang hindi ko mahanap si Nay Sabel.

Posible bang may ginawa si Lord Ace sa aking Nanay?

A/N: Follow and vote

Mine - Zafiro Morelli Where stories live. Discover now