Jealousy 20

3.6K 80 13
                                    

Rica's POV

He's been acting so weird since yesterday. Hindi ko alam kung may problema ba siya o ano. Hindi niya ako masyadong tinetext o tinatawagan at parang nasa ibang lugar ang utak niya kapag magkasama kami. Ni hindi niya ako sinundo kaninang umaga dahil late na daw siyang nagising at kaninang pagkahatid niya sa akin dito sa bahay galing sa school ay parang nagmamadali siyang umalis.

Iniisip ko na lang sobrang busy niya lang talaga sa school works niya dahil nga sa graduating siya. Ayoko din naman siyang tanungin kung ano ang problema niya. Natatakot kasi ako na baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya.

Paano kung sabihin niyang ayaw na niya sa akin? Na sawa na siya sa ugali ko? What if he found someone better than me? Mas maganda, mas matalino, hindi selosa, at mas mabait? What if nauntog siya at biglang napagtanto niyang hindi na niya pala ako mahal kaya ganun na ang inaakto niya? Na hindi niya lang masabi sa akin dahil naaawa siya?

"Why are you so insecure, Rica Angela? Where's your confidence?"

Sita ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ko at nakatitig sa puting kisame.

Alam kong hindi dapat ako nag-iisip ng ganun, pero I know the fact that I'm not a perfect girlfriend. Madami akong kapintasan, aminin ko man o hindi. Maarte ako, palagi ko siyang inaaway, moody, I have myriad flaws.

Naiisip ko tuloy kung mas mabuting medyo bawas bawasan ko ang pagiging possessive ko sa kaniya. Medyo, kasi alam kung mahirap. Nasanay akong nasa akin ang lahat pagkabata ko. Yes, I was sharing my toys with my playmates and cousins, but my parents' attention and love were all poured on me. I also grew up witnessing my mom and dad's fairy tale at gusto ko, maging ganun din kami ni Marco. And I believe, other girls are those witches trying to destroy our happy ending, that's why I can't help acting like a real bitch towards them.

Mahirap pero susubukan kong maging maluwag para hindi siya masakal. Kasi baka kung mas lalo kong hinihigpitan, mas magsasawa siya at gugustuhin na lang niyang makawala.

Kinuha ko ang phone ko mula sa mesa sa tabi ng aking kama at idinial ang number ni Marco. Matapos ang apat na ring ay sinagot naman niya.

"Good evening, babe. Di 'ba birthday ng isang classmate mo ngayon?"

Agad na tanong ko.

"Yup. Why?"

"'Di ka ba pupunta? Pumunta ka kaya? Baka magtampo sa 'yo si Nico!"

I said referring to his classmate. Ilang saglit bago siya sumagot. Nagulat yata sa sinabi ko.

"I'm a li'l bit tired. Binati ko naman siya kaninang umaga at sinabihan ko na ring hindi ako makakapunta."

Aniya.

"Ganun ba. Sige, magpahinga na kung pagod ka."

Hindi ko alam kung alam pero may parte pa rin talaga sa akin ang natutuwa dahil hindi siya pupunta sa party.

"Sige. Matulog ka na rin. I love you."

Para sasabog ang puso ko sa galak sa huli niyang sinabi.

"I love you, too. Good night."

I cheerfully said before I cut the line.

Tumalon talon ako sa aking kama sa sobrang saya. Parang nabunot lahat ng tinik nakatusok sa utak at puso ko dahil lang sa simpleng 'I love you' niya.

Nakahinga ako nang maluwag at bago ako natulog ay tinignan ko pa ulit ang isang pares ng kulay pulang sapatos na Jordan na pinabili ko sa pinsan kong nag-Singapore last month. Marco loves collecting shoes at sana ay matuwa siya sa regalo ko sa kaniya sa 2nd anniversary namin bukas.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon