Jealousy 7

6K 106 12
                                    

Rica's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone. Tinignan ko ang reminder at napangiti ako sa nakasulat.

October 5! 1 year and 11 months with Marco. <3

Mas lumaki pa ang ngiti ko nang mabasa ang text message mula kay Marco.

Marco: Good morning, babe. Happy monthsary. Will fetch you later. I love you.

I typed my reply.

Me: I love you, too. Thank you for all. Excited to see you. xoxo

Pagkatapos kong mag-reply ay bumangon na ako at nagsimulang maghanda. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. I wore a simple orange dress and paired it with white flat shoes. Naglagay ako ng kunting eyeliner at mascara para medyo lumaki ang singkit kong mga mata at lip balm sa labi ko. I curled my hair to make it look wavy then put a hair band. Inayos ko ang bangs ko na pina-trim ko kahapon at ngumiti na sa salamin. Voila! I'm done. I wore my accessories pagkatapos ay kinuha ko na ang white sling bag ko at bumaba.

"Wow! Blooming ah!"

Bati ni ate Gina nang madatnan ko siya sa sala. Ngumiti ako.

"Do I look okay, ate?"

Tanong ko sa kaniya at umikot ikot pa sa harapan niya. Sa kanila kasi ako ni mommy nagpapatulong minsan kung ano ang isusuot ko o di kaya ay sila ang taga-comment sa outfit ko.

"Kailan ba naman hindi?"

"Binobola mo naman ako ate e!"

I said and we both laughed.

"Bagay sa 'yo 'yang bangs mo. Mas lalo kang naging cute at bumata. Naku! Baka mas lalo na namang ma-inlove sa'yo si Marco."

Aniya pa at sinundot sundot ako sa tagiliran. Kinilig na naman ako ng maalala ko siya. I hope he'll like my new look, too.

"Thanks, ate! 'Nga pala, sina daddy?"

Tanong ko.

"Nagsimba sila. 2nd mass. Tapos mamamalengke daw sila pagkatapos. Sinama nila si nanay."

She answered referring to yaya Susan. 6:30 hanggang 7:30 am ang 2nd mass sa church namin. Aattend kami ni Marco sa pangatlong misa which will start at 8:30. Alas otso na at siguro ay nandiyan na rin siya maya maya lang.

"Tara, samahan na kita sa labas para hintayin ang boyfriend mo."

Alok niya kaya lumabas na kami pareho. Sakto namang paglabas namin ay nakita ko na ang sasakyan ni Marco.

"Nandiyan na pala si Prince Charming mo."

She uttered. I looked at him as he went out from his car. He's wearing a white V-necked shirt and the navy blue blazers I gave him last Christmas with the sleeves rolled until his elbow. Naka-brown chino pants siya at nakasapatos ng loafers. On his neck is a silver necklace with a cross pendant, a blue watch on his left wrist at siyempre hindi mawawala ang hikaw niyang kulay itim. Medyo nakataas din ang kaniyang buhok. He looks like a bad boy but at the same time a good boy because of his soft features. Nagko-complement ang dalawa sa kaniya which makes him more handsome and hotter.

Pagkalapit niya ay yinakap niya ako at dinampian ng halik sa labi.

"Happy monthsary."

I greeted, smiling. Narinig ko ang pagtikhim ni ate.

"Umalis na nga kayong mga bata kayo! Nangangati na ang katawan ko dito sa dami ng langgam."

Aniya at umakto pang nagkakamot ng braso. Natawa naman kaming dalawa at nagpa-alam na rin para maabutan ang simula ang misa.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon