Jealousy 9

4.9K 108 18
                                    

Rica's POV

Mabigat at pakiramdam ko ng pumasok sa school. Medyo masakit ang ulo ko at may sipon din ako. Marahil ay dahil sa pagbababad namin sa ulan kahapon. Masama na ang pakiramdam ko kanina pero feeling ko naman ay kakayanin ko kaya uminom na lang ako ng gamot at nagpasyang pumasok pa rin.

"Are you alright Miss Dosono? It's seems like you're not feeling well. Kanina ko pa napapansing matamlay ka."

Our teacher suddenly said during our discussion. I smiled.

"I'm fine, ma'am."

Sagot ko pero umiling siya.

"No, you're not. Go to the clinic. I'll excuse you today. Bring one of your classmates to accompany you."

Sabi nito kaya wala na akong nagawa kundi sundin siya at pumunta sa clinic kasama si Shiela. Habang naglalakad kami papunta sa clinic ng school dahil medyo malayo iyon sa building namin ay tinatanong nito kung ano daw ba ang ginawa ko at bakit ako nagkasakit. Kinuwento ko naman sa kaniya at tumawa lang siya. Masyado daw yata kasi akong nag-enjoy sa pinaggagawa namin ni Marco kaya nagkaganito ako. Minsan ang sarap din batukan ng kaibigan ko dahil sa sobrang concern na ipinapakita nya.

"She has sipon and headache po."

Shiela stated as soon as we reached the clinic. The nurse guided me inside. Sumama pa rin sa loob si Shiela.

"Parang may lagnat ka rin. Paki-lagay na lang ito sa kili-kili mo. Babalik din ako, kukuha lang ako ng mga gamot."

Sabi ng nurse na sa palagay ko ay bago lang kasi ngayon ko lang siya nakita. Mukhang fresh graduate pa lang ito at ilang taon lang ang tanda niya sa amin. Inabot ko ang thermometer at akmang ilalagay ko na ito sa kili-kili ko ng biglang may pumasok sa clinic. Sina Marco at Vance. Mukhang nagulat din sila ng makita kami ni Shiela doon.

"Uy! May sakit ka rin?"

Tanong agad ni Vance sa akin at lumapit kay Shiela. Tumango ako at tumingin kay Marco na kasalukuyang mapupungay ang mata at parang matamlay din. Nakasuot silang dalawa ni Vance ng jersey dahil sa pagkakaalam ko ay may practice sila ng basketball ngayon. Pawis na pawis pa ang mga ito.

"I'm not feeling well."

Sabi ni Marco at tumabi sa akin.

"Habang nagpa-practice kami kanina e hindi siya masyadong nakakapag-focus. Ang bilis din niyang matumba kaya pinilit na siya ni coach na pumunta dito. Sinamahan ko siya pero aalis din ako kasi may practice pa."

Kwento ni Vance at inakbayan si Shiela. Tinapik naman agad nito ang kamay niya.

"Get off me. You're pawis."

Maarteng saad ni Shiela pero hindi pa rin tinanggal ni Vance ang kamay niya sa balikat nito. Hindi naman na umangal ulit si Shiela. Naninibago pa rin ako sa kanila. Oo, hindi natanggal ang bangayan nila minsan pero may halong sweetness na.

Bumaling si Shiela sa akin.

"I need to go back to our class also. Remember, ikaw lang ang excused."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Hanep! Pati pagkakasakit, magkasabay kayo? Baka naman mag-syota rin mga virus na tumama sa inyo?"

Vance laughed.

"Ulol."

Tipid namang sagot ni Marco pero medyo napangiti rin.

"O sige! Alis na kami ni Shielabs ko. Kaya nyo na 'yang dalawa. Get well soon."

He said then looked at Shiela.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon