Jealousy 30

1.9K 53 7
                                    

Hi, Pam! Belated happy birthday! Sorry sa late birthday gift, ading. Thanks for supporting my story. :)

Rica's POV
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang nakatayo sa likod ng malaking puting kurtina habang naririnig ang mga salita ng emcee para sa aking debut. Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay kong hawak niya ngayon.

"Your hand is cold. Calm down, beautiful."
Aniya at mas hinigpitan ang hawak doon.

Ilang Segundo na lang ay lalabas na kami ni Marco. Umangat ang tingin ko sa kaniya at sumalubong sa akin ang nakakatunaw niyang titig. Umangat ang gilid ng kaniyang mga labi na parang pinapahiwatig sa akin na wala akong dapat ikabahala. Makita pa lang siya at isiping siya ang escort ko ngayong gabi ay kumalma na aking sistema at tanging saya na lang ang natira sa aking puso.

Kasabay ng pagbanggit ng emcee sa aking pangalan ay bumukas na ang kurtina at bumungad sa akin ang mga flash na nanggaling sa mga camera at ang ingay ng palakpak ng mga bisita. Nakakapit na ako sa braso ni Marco habang pababa kami ng hagdn. I smiled widely as we went to our position for the cotillion.

Nang matapos ang sayaw kasama ang ilang kaibigan sa pinsan ko ay inihatid na ako ni Marco sa harap kung saan naroon ang aking upuan na may disenyong katulad ng trono na napapanood sa mga fairytale movies.

Ipinagpatuloy na ang programme at magkahalong emosyon ang nadama ko habang pinapanood ang mga inihanda sa akin ng aking mga kaibigan, kamag-anak at iba pang kakilala. My cousins and some friends did separated dance presentation. Sina Vance at Shiela ay nag-duet pa sa pagkanta. Si Marco ay hinarana rin ako sa harap ng mga bisita. May video greetings pa na fl-in-ash galing sa ilang hindi nakadalo ngayong gabi.

"...I never had a lot of friends but when I met you, kuntento na ako because you have all the things I was searching para sa isang friend. We have so many similarities and and at the same time differences which make us supplement and complement each other. For me, we are not just friends but sisters from different parents. I love you, Rics. Happy 18th birthday!"
Pagtatapos ni Shiela sa mahaba niyang speech para sa akin. Pinunasan ko ulit ang mga luhang umaagos galing sa aking mga mata habang naririnig ang mga mensahe ng ilang taong malapit sa buhay ko. Pagkatapos ng 18 candles ay sumunod naman ang mensahe ng aking mga magulang. Si daddy ang unang nagsalita.

"She is a gift given to me and my wife by God. Nang isinilang siya ng aking asawa ay wala nang mas papantay sa aming kasiyahan. We treasured her and gave her everything. In return, naging isang mabuti siyang anak. She was a sweet and caring kid. Tuwing galing ako sa trabaho noong bata pa siya ay sinasalubong niya ako at binibigyan ng mahigpit na yakap. She and my wife was my stress reliever. Kahit naman ngayon. She is a good daughter and the prettiest girl, of course next to my wife."
Bumaling siya kay mama ang ngumiti.Tumawa ako kasama ang mga bisita sa sinabi ng aking ama. Si daddy talaga.

"Seeing her today dressed like that reminds me of the times when we were still doing a role play inside our house and she's always telling me that she's a princess and I am his king. Pero naala ko ring mula sa araw na ito ay hindi na siya bata. May boyfriend na nga siya e."
He teased at humagalpak na naman kami. Pinunasan ko  ang aking luha at nakinig ulit sa kaniya.

"She is my princess but in the future, she will surely be somebody's queen. Pero sa ngayon ay hindi ko muna siya hahayaan umalis sa aking palasyo. Gusto kong kilatisin muna ng mabuti ang ipapalit niya sa akin bilang hari ng buhay niya."
Mula sa akin ay bumaling siya kay Marco at sumeryoso ang kaniyang mukha.

"I allowed my princess to be your princess, too. All I am asking right now is for you to take care of her and be not just her prince but also her knight. Sana ay protektahan mo siya palagi. Sana ay patuloy mo siyang intindihin at mahalin. The both of you are still so young and fragile but I trust you. Don't break my trust. Ang hinihiling ko lang naman sa inyong dalawa ay magtapos ng pag-aaral. After that, I will let you do whatever you want. Para sa inyo rin naman ang lahat. Sa kinabukasan niyo. Sa ngayon ay hindi ko muna hahayaang kunin mo siya sa amin. Kahit sabihin niyong nasa tamang edad na kayong dalawa."
Napatakip ako ng mukha gamit ang aking dalawang palad dahil sa pinagsasabi ni daddy. Okay lang sana kung kami lang ang nakakarinig pero sinasabi niya ang mga katagang iyon sa harap ng aming kamag-anak, aking mga kaibigan, mga magulang ni Marco, at pati na rin sa mga kaibigan nila ni mommy.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon