Jealousy 15

4K 98 8
                                    

Rica's POV

Ginugol namin ang buong tanghali sa pagbabad sa dagat at pamamasyal sa buong resort. Nagkayayaan pa ang mga lalaki na mag-snorkeling samantalang kaming mga babae ay puros pagkuha ng litarato ang inatupag. Nakailang selfie at groufie din kami kaya todo upload kami sa facebook, twitter, at instagram. Bumili din kami ng souvenirs.

Pero wala yata ni isa sa amin ang nakaramdam ng pagod dahil nandito na naman kami sa pool area pagkatapos kumain ng dinner.

"Anong gusto niyong drinks?"

Tanong ni Vance na ngayon ay kausap ang sa tingin ko ay isang worker dito. Humingi ang mga lalaki ng Jack Daniels at ilan pang brand ng alak na hindi ko alam samantalang kaming mga girls ay juice lamang.

"I thought we're gonna swim? Maglalasing pala kayo?"

Tinaasan ko ng kilay si Marco na ngayon ay nakatayo sa tabi ko at nakaakbay sa akin. Umiling siya.

"Iinom lang kami ng kaunti at maliligo rin maya maya."

Aniya habang pinapanood namin ang dalawang waiter na inaayos ang mga inumin at ilang snacks sa bilog na mesa malapit sa pool.

"Aren't you going to swim, kuya?"

Tanong ni Leslie kay Allan at inabot ang pineapple juice sa table at uminom.

"Later, sis."

Sagot naman nito habang nagsasalin ng alak sa baso.

Sinuklay ni Leslie ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri at bumaling sa amin.

"Tara, girls. Hayaan muna natin ang mga unggoy na 'to na magsunog ng atay."

Aniya at una nang tumalon sa pool at sumunod naman sina Shiela at Roma

"I'll join them. Don't drink too much."

Paalala ko kay Marco at kinalas na ang kamay niya sa balikat ko. Tumango siya at ngumiti.

"Yes, boss. Take care, alright? I'll be watching you from here."

Aniya kaya pumunta na ako sa pool samantalang siya ay umupo na rin sa tabi ng mga kaibigan niyang nagsimula nang uminom.

Tatlo ang pool dito pero ipinagbawal na gamitin ang isang pool ng ibang tao ngayon para ma-solo namin. Medyo marami ang mga tao. Bukod kasi sa mas magandang maligo ngayong gabi dahil hindi maaraw ay ang ganda din ng paligid. Ang daming mga decorations at nagniningningang mga ilaw sa paligid. Pati ang swimming pool na parang may maliliit na alon ay nagiiba-iba ang kulay dahil sa light effects. May naka-play na kanta at may mga nagkakasiyahan ang nag-iinuman din sa ibang table. Parang may party tuloy ang dating.

Lumalangoy sina Roma habang ako ay tahimik na nagtatampisaw lang sa tubig. Hindi naman kasi ako marunong. Maya maya ay lumapit sila dito sa gawi ko.

"What's your plan for tomorrow, guys?"

Tanong ni Leslie habang pinaglalaruan ang basa niyang buhok. Nagkibit balikat kami ni Roma at si Shiela ang sumagot.

"I asked Vance if may net sila and meron daw. We're going to play beach volleyball."

Aniya habang inaayos ang strap ng kaniyang swimdress. Pumalakpak si Leslie.

"I like that! Namiss ko ang paglalaro ng volleyball!"

She said happily.

"And we are probably going to try those recreational activities na hindi natin nagawa today."

Shiela added and we nodded.

"Bonfire din tayo sa gabi."

I suggested.

"Tapos mag-grill tayo ng barbecue!"

Dagdag pa ni Roma at sumangayon naman ang lahat.

"I wanna go fishing, too. They get the fishes and seafoods they are cooking dito daw mismo so gusto kong sumama to try it. I think it's fun!"

Pahayag ulit ni Shiela.

"Hindi ba delikado kasi sa malalalim na part sila kumukuha? At baka bawal ding sumama."

Sabi ni Roma pero umiling si Leslie at pilyang ngumiti.

"Ano ka ba, girl. The owner of this resort is courting her. And not just that, patay na patay pa. I'm sure isang sabi lang ni Shiela ay parang asong susunod si Vance sa gusto niya."

Aniya at humagikgik pa kaya napatawa kami. Nagsimula na naman ang dalawa sa pang-iintriga nila kay Shiela.

Habang nakikinig sa kanila ay bumaling ako kina Marco ngayon ay abala sa pag-iinuman at pagkukwentuhan na siguradong tungkol na naman sa sports o di kaya ay sasakyan. Bigla siyang tumingin dito kaya nagtama ang aming mga mata. Ininom niya ang laman na alak ng hawak niyang baso saka kumindat sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Inirapan ko siya kahit na hindi ko napigilan ang ngiti sa aking mga labi dahil sa ginawa niya. Ang akala ko ay aalisin na niya ang tingin niya sa akin pagkatapos no'n pero nanatili ang nakakalipad ng kaluluwa niyang titig sa akin habang sa tingin ko ay kinakausap ang mga kaibigan niya. Tumawa pa siya ng suntukin siya ng mahina ni Jon sa braso nang mapansin sigurong nasa akin ang atensyon niya. Pagkatapos tumawa ay kumindat ulit siya sa akin.

Natawa na lang din ako sa kalokohan niya. Naalala ko tuloy na ganiyan din siya noong nililigawan pa ako.
Bago ko ibaling ang atensyon kina Leslie na ngayon ay nagtatalsikan na ng tubig ay liningon ko ulit siya ng isang beses at ganun pa rin, nakatitig pa rin siya. Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko na lang na nakakatig lang siya sa akin palagi at mangangatog ang binti at iinit ng todo ang pisngi ko kaysa hindi at mapapansin niya ang ibang babaeng nakabikini ngayon. Naiinip tuloy ako at gustong samahan na kami nina Marco dito. Hindi lang para hindi siya lapitan ng ibang babae kundi dahil gusto ko. I want him beside me. Always. Hindi magandang ugali pero talagang clingy ako. Hindi ko siguro kakayanin kung magka-LDR kaming dalawa dahil ang bilis ko siyang nami-miss. Kaya siguro iilan lang nagtatagal sa ganung set up ng ralationship.

"Let's play!"

Masayang sabi ni Shiela at itinaas ang hawak niyang pink na bola. Nahati kami sa dalawang grupo. Kasama ko si Roma dito sa kabilang bahagi ng pool at sina Leslie at Shiela naman sa kabila.

Nagkakatuwaan kami sa pagpapasahan ng bola nang biglang mapalakas ang palo ni Leslie sa bola kaya napunta ito sa kabilang pool sa likod namin.

"Ooops! Sorry."

Aniya at nag-peace sign. Tumawa ako nagprisintang ako na ang kukuha ng bola. Dahan dahan akong umahon mula sa tubig at pumunta sa kabilang pool. Nakita kong hawak na ngayon ang bola ng isang nakatalikod na lalaki. Hindi ako sigurado kung natamaan siya kanina dahil hindi ko nakita.

"Uhm. Natamaan po ba kayo? We were playing at napalakas ang palo ng kasama ko sa bola. I'm sorry."

Hingi ko na lang ng paumanhin para sure. Bumaling ang lalaki sa akin at napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar siya. Ganun din ang ginawa niya at biglang napangiti.

"Princess?"

Aniya na parang hindi sigurado. Bigla ko siyang naalala dahil sa itinawag niya sa akin.

"Prince Charming?"

Wika ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Ikaw nga!"

He immediately got off from the water at nilapitan ako.

"OMG!"

Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa tuwa. Pagkatapos ng ilang taon ay nagkita ulit kami. Niyakap niya ako saglit.

"How are you? You've change a lot! Is it really you?"

Aniya ng nakangiti pa at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang sinusuri ang mukha ko nang biglang may kamay na humapit sa baywang ko at alam na alam ko kung kanino.

"Hands off, dude."

Ani Marco na ngayon ay madilim ang mukha

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon