Jealousy 28

1.9K 62 5
                                    

Rica's POV
"I'm so tired."
Reklamo ko pagkaupo ko sa sofa sa aming bahay. Kagagaling namin sa boutique ng kaibigan ni mommy kung saan ako nagpagawa ng isusuot ko sa aking debut. I chose to have a princess-themed party at ang mangingibabaw na kulay ay pula at puti. My parents, Marco, and I went there to fit our clothes on my birthday. Malapit nang matapos ang akin at nakuha naman ng mananahi ang saktong kapit niya sa aking katawan. The color of my long gown is red with some details of white. Tube-type ito at magsusuot ako ng dalawang layer ng petticoat upang maganda ang pag-flow ng aking dress. Aside from the long gown, I'll also wear a white cocktail dress after it.

"Anong nakakapagod sa pagsusukat ng damit?"
Tumawa si Marco at umupo sa aking tabi. My parents went somewhere kaya kami lang muna ang umuwi dito sa bahay.

"I don't know. Basta napagod ako."
Inirapan ko siya saka kinuha ang aking phone para mag-facebook pero naisipan ko munang mag-upload ng picture kaya humilig ako kay Marco para kumuha ng litrato naming dalawa gamit ang front camera.

"Tingin ka rito."
Utos ko at nang tumingin nga siya ay cl-in-ick ko na agad kahit hindi pa siya handa.

"Done. I'll tag you."
I giggled when I looked at our picture. Nakadila ako samantalang siya ay halatang kalilingon lang. He's still handsome, though.

"Paano mo ako matatag kung naka-deactivate ang account ko?"
Aniya habang sersyosong naglalaro ng 2048 sa aking iPad. Hindi pa pala siya nagre-reactivate simula noong nag-away kami at dineactivate niya ang kaniyang facebook account.

"I'll reactivate it for you. It's been months naman na."
I uttered and he just nodded like it doesn't matter his account will be reactivated or not. Hindi niya ba namimiss mag-FB?

"Saan pwedeng gumala ngayon?"
Maya-maya ay tanong ko sa kaniya habang nagbabasa ng kung anu-ano sa aking newsfeed matapos i-upload ang picture namin. Bumaling siya sa akin at kumunot ang kaniyang noo.

"I thought you're tired?"
He asked and he put my iPad on the table.

"I'd rather be tired than bored."
Sagot ko sa kaniya at inilagay na rin sa aking sling bag ang aking phone. He showed me his keys.

"Wanna learn?"
Ngumisi siya at nagets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya napatayo agad ako dahil sa galak. Para akong batang binigyan ng madaming chocolates sa reaction ko.

"Kidding."
Dugtong niya at tamad na humilig ulit sa sofa. Pero dahil isa akong dakilang makulit, sinibukan ko siyang hilain patayo.

"Babe naman e! Wala nang bawian. Tara na!"
Reklamo ko dahil ayaw niya pa ring pahila at tumatawa pa.

"Ayoko."
Sabi niya at binelatan pa ako ng loko. Gusto lang niya yatang pag-trip'an ako e. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makumbinsi siya. I'm dying to learn how to drive a car!

"Sige na! Kiss kita kapag natuto ako."
Wika ko. I'm still trying to pull him out of our sofa. He shook his head.

"Ayaw."
Aniya ulit. Grabe lang hah!

"Pabebe ka pa, gusto mo rin naman. Halika na kasi!"
Pamimilit ko ulit at unti-unti naman siyang nagpahila palabas. Nang nasa may tapat na kami ng kaniyang sasakyan ay saka ko pa lamang siya binitawan.

"Stubborn girl."
Aniya at ginulo ang aking buhok. I fixed it back while smiling at him.

"Let's go!"
I uttered exictedly as he guided me inside his car.

Matagal na akong nagpapaturo sa kaniya ngunit palagi niya akong tinatanggihan. Aniya ay hindi ko naman daw kailangang matutong magmaneho dahil may driver naman kami at lalong lalo na siya. Baka raw kung ano pa ang mangyari sa akin. How sweet. But I really want to learn. Nakakainggit kaya 'yong mga babaeng may sarili nang sasakyan na minamaneho nila. For me, they're cool.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon