Jealousy 23

3.5K 73 4
                                    

Rica's POV

This night is going to be a great night! Mamaya na ang aming Christmas ball at hindi ko na mapigilan ang sarili kong ma-excite para dito. Excited na akong isuot ang cream na cocktail dress na binili namin ni mommy at siyempre ang makita ang boyfriend kong nakasuot ng suit at tie. Sigurado akong ang gwapo gwapo na naman niya.


"Paki-abot 'yang nude lipstick, Gina."

Pakiusap ni mommy kay ate Gina na kasama niya ngayong nag-aayos sa akin. Si mommy ang naglalagay ng kolorete sa mukha ko samantalang si ate ang nag-aayos sa aking buhok.


"Ito po, tita."

Inabot ni ate ang lipstick kay mommy. Tita ang tawag niya sa nanay ko.


"Mamaya ay dalhin mo ito pati na rin ang press powder para may pang-retouch ka sa mukha mo."

Mom reminded me while doing my lips. Tumango ako sa kaniya.


"Ano bang gusto mo sa buhok mo Rics? Nakalugay o nakataas?"

Tanong naman sa akin ni ate Gina habang sinusuklay ang aking buhok.


"Kahit ano po ang tingin niyong babagay sa damit ko at sa akin ate."


"Sige, akong bahala."

Sagot niya at nginitian ako sa salamin.


Pagkatapos ang isang oras ay natapos din sila sa pag-aayos sa akin. They helped me in putting my dress so that my hair will not be ruined. Matapos kong isuot ang brown kong pumps ay hinila na naman nila ako paharap sa salamin.


"Gandiz!"

Ate Gina playfully pinched my waist. Ngumiti ako sa kaniya at tinitigan din ang kabuuan ko sa salamin. Itinaas ni ate ang buhok ko at inayos ang aking bangs kanina. I'm wearing a light make up, bumagay sa kulay ng damit ko at sa aking balat.

Abala ako sa pagtitig sa salamin nang biglang may inilalagay nang kwintas si mommy sa aking leeg. Nginitian niya ako sa salamin.


"This is the first gift that I received from your dad years ago. I think bagay sa ayos mo ngayon."

Aniya pagkatapos ilagay ang silver necklace na may hugis pusong diamond na pendant. Nagpasalamat ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

They were both making sure that I am all done when dad suddenly knocked on the door.


"Hon, is your daughter ready? Nasa baba na ang sundo niya."

Sabi nito.


"Oo, bababa na kami, hon."

Sagot ni mommy at inabot sa akin ang pouch ko.


"Here. Nandiyan na sa loob ang lahat ng kailangan mo. Nasa baba na raw si Marco."

Sabi niya ang nginitian ako.


"Naku, excited na akong makita ang reaksyon ni Prince Charming kapag nakita ka niya!"

Kinikilig na niyugyog ako ni ate Gina. Tumawa silang pareho ni mommy. Magkasundo talaga silang dalawa pagdating sa bagay na ganito.


My hands were pulled by each of them and we left my room. Nang unang step pa lang pababa ng hagdan ay bumilis na bigla ang tibok ng puso. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil baka hindi magustuhan ni Marco ang ayos ko at excitement dahil masisilayan ko na naman ang kaguwapuhan niya.


Nasa huling baitang na ako nang hagdan nang makita kong ang naka-suit ng itim na boyfriend ko. Nakatalikod siya sa amin habang kinakausap ni daddy. Habang nagsasalita ang tatay ko ay biglang nalipat ang tingin niya sa akin, dahilan kung bakit lumingon na rin si Marco dito.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon