"Classification of fantasy and reality is itself a fantasy that humans created... Life begins when you make a distinction between yourself and others. From that moment on, the world becomes a stage for the story in which you are the main character. All humans live in a fantasy in which they are the main character. But the world doesn't recognize you as the main character at all. What nonsense. Everyone lives their entire life tormented by this confusion. There's only one way out of this hell. To place yourself in a position that is neither the main character nor a supporting role. In other words, the author."
-- The Author
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Matapos ang nangyari kay Emi, nawalan ulit ito ng malay.
"Xiumin, kamusta ang sugat mo?" Kinapa ko ang sugat ko sa leeg. Medyo masakit ito.
"Medyo masakit pa."
"Patawad Xiumin."
"Patawad para saan?"
"Kung maaga sana akong nakabalik hindi mangyayari ito. Tsaka naging kampante ako na hindi na siya magigising." Tapos yumuko ito.
"Huwag mo nang isipin yun. Alam naman natin sa una pa lang na hindi sapat ang singsing at ang sacred sword para matago ang katotohanan."
"Pero Xiumin, alam mong nanganganib na ang buhay niya. Ano na ang gagawin mo?" Natahimik ako. Alam kong mangyayari ito pero hindi ko naihanda ang sarili ko. Napahawak ako sa buhok ko.
"Isa lang ang natitirang paraan para mailigtas si Emi, dapat mahanap na siya at mapatay sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat." Tinignan ko si Emilia. Ayaw kong mapunta sa wala ang mga ginawa ko. Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang."
Pagkalabas ko nang kwarto dumiretso ako sa kabilang kwarto na katabi lang ng kwarto ni Emi. Hinubad ko ang pang itaas na damit ko at humarap sa salamin.
Hinawakan ko ang marka na nasa kaliwang dibdib ko. Unti unti na itong nabubura.
"Tss. Konti na lang ang natitirang oras ko. Kailangan ko nang magmadali."
Habang sinuot ko ulit ang damit ko may kumatok sa pintuan.
"Sino yan?"
"Ako po ito panginoon." Pumasok si Chen at tinignan ako nito. Nakita kong bahagyang lumaki ang mata niya nang makita ang marka sa dibdib ko.
"Panginoon, ang contract seal."
"Alam ko." Nahalata ni Chen na lumungkot ang mukha ko kaya lumapit ito sa akin.
"Huwag kayong mag alala panginoon. Mahahanap natin siya bago siya magising."
Emilia 's PoV
Napabalikwas ako sa kama. Umaga na pala, ilang oras ba akong natulog?
"Emi, bumalik ka na." Tapos niyakap ako ng Dark Lord.
"Xiumin..."
Panaginip lang pala ang lahat. Napailing ako. Ano ba klaseng panaginip yun?
Tumayo na ako nakita ko si Lay na natutulog pa. Nakita ko din ang Dark Lord na nakasandal sa upuan at nakapikit ang mata, natutulog ito. Lumapit ako dito. Para siyang anghel kapag natutulog. Kung hindi ka lang sana naging-- umiling ako. Ano ba itong naiisip ko?
YOU ARE READING
DevAngel ~~ [ON-HOLD]
FantasyA story of a devil and an angel. Posibleng bang mawala ang galit nila sa isa't isa at mainlove? o Habang buhay na silang magiging magka-away? and What if ang word na "FATE" ay may ibang plano sa kanila? Makakayanan ba nila ang mga mangyayari? Well t...
![DevAngel ~~ [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/15324520-64-k64678.jpg)