Chapter #23

76 4 1
                                        

" A person can change, at the moment when the person wishes to change. "

--- Fujioka Haruhi [ Ouran High School Host Club]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit ka andito?" Naniningkit ang mata ko habang nakatingin kay Luhan. Napatingin ito sa akin tapos kay tsaka sa Dark Lord. Tapos bumalik ang tingin niya sa akin.

"Ano na ba ang dapat kong itawag sayo, dark lord pa rin ba? Oh, andyan ka pala Emilia?Kamusta ka na? Masarap bang mabuhay sa mundo ng mga tao?"

"Lu-luhan?!" Ako

"Teka,magkakampi na ba kayo ngayon?" Luhan

Ngumiti ito. Malademonyong ngiti, tumingin ito sa dark lord. T-teka, papano siya nakapunta sa mundo ng mga tao? Ang natatandaan ko, pinatay ko na siya. Impossible. Hindi kaya--

"Papanong buhay ka pa? Ang pagkakaalala ko, binaon ko sayo ang sacred swoedko at wala ka nang buhay!"

"Magandang tanong, Paano ako nabubuhay pa ngayon? Dahil lang na--"

"Dahil ba sa kasama mo ngayon? Kaya buhay ka pa?" Nagulat ako sa sinabi ng dark lord? Kasama? Lumabas sa likod niya si Orba Meyer, isa siya sa anim na may pinakamataas na pwesto sa simbahan namin, Pero papano? Tinatraydor niya lang ang bayan namin? Tinatraydor niya ako?

"Sinundan mo si Emilia nung pumasok siya sa portal, tama ba ako?" Dark lord.

"Mukhang wala na akong magagawa." Tumingin ito sa akin. "Kamusta Emilia? Mukhang maayos ka na." I was stunned. Hindi, hindi totoo to. Bakita nagawa niya ang ganitong bagay? Isa siya pinagkatiwalaan namin. Hindi maaari.

"Orba..Hindi, bakit mo nagawa sa akin to?Pano mo nagawa na magtaksil?Bakit?Pinagkatiwalaan kita, namin."

"Talagang gusto mong malaman?" aniya. " Kung ganun sasabihin ko sayo para matahimik k--"

DevAngel ~~ [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora