Chapter #10

142 8 1
                                        

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Emilia? Parang tinraydor mo na rin ang sarili mo."

 

 

 

"Alam ko,pero hindi sapat ang kapangyarihan ko para makabalik." Tumalikod ito sa akin.

"Pag iisipan ko. Alam mo naman na hindi ako basta basta magtitiwala sa mga katulad niyo. Lalo na sau."

 

 

"Alam ko. kung ayaw mo, sige aalis na ako."

Hindi siya nagsalita.

Tumalikod nadin ako sa kanya at lumabas na ng bahay. Nadatnan ko si chen na ganun pa rin ang ginagawa. Tiningnan lang niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Tama ba ang ginawa ko? Nakikipagtulungan ba ako sa demonyo? Sa isang dark lord? Pero wala na akong choice, kelangan ko muna siya para makabalik sa mundo ko.

"Ate skyla!"

Nakita ko sa di kalayuan si chiho na palapit sa akin.

"Ate san ka galing?"

 

 

 

"Ha?wala nagpahangin lang. Ikaw ba san ka pupunta?"

"Pupunta ko si umin. Ichecheck ko kung okay na siya."

Umiwas ito ng tingin sa akin at namula.

"May gusto ka ba kay xiumin?"

Parang nagulat ito sa tanong ko.

"Ha?wala po. Alam ko naman po na ikaw ang gusto niya tas gusto mo rin siya."

This time ako naman ang nagulat.

"Ano?!wala akong gusto dun tsaka higit sa lahat hinding hindi magkakagusto sa akin yun."

DevAngel ~~ [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora