Gumising na naman akong wala pa ring nagpapakitang nanay saamin. Tatlong araw na simula noong nakita namin siya na kasama si Thomas. Hindi pa rin siya umuuwi at hindi rin niya sinasagot ang tawag nila daddy at Zia. Hindi ko siya tinatawagan dahil alam kong hindi din naman niya ako sasagutin. Useless lang din.
Nakatingin ako sa kisame ko habang nakahiga. May pasok ako ngayon pero masaydong napaaga ang gising ko. Madaling araw pa lang at alam kong hindi na ako makakabalik sa pag tulog. Medyo maaga rin akong natulog kanina kaya siguro maaga ako nagising.
Tumatak sa isip ko ang napag-usapan namin ni Teivel. Ilang araw na rin namin pinaguusapan ang tungkol doon kaya nalinawan ako kung paano niya nalaman na ginahasa ni TOP si Emilie.
Sinabi niyang narinig niya na nag-aaway si Thomas at si TOP dahil kay Emilie. Sumisigaw daw si Thomas na 'ginalaw mo ang asawa ko!' doon niya nalaman na ginahasa ni TOP si Emilie. Pero hindi niya narinig mismo sa bibig ni Emilie na ginahasa siya ni TOP.
Pero hindi ko alam kung bakit.. hindi ko maramdaman na kayang gawin i TOP 'yon. Isang beses pa lang kami nag kita pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang mabuti naman siyang tao at parang mapagkakatiwalaan. Pero alam ko na hindi porket pakiramdam ko na mapagkakatiwalaan siya ay totoong mapagkakatiwalaan siya. Minsan kasi ay ginugulo lang ng damdamin natin ang utak natin.
Naikwento niya pa sakin na gustong mapalapit ni TOP sa kanila dati pero hindi daw siya hinahayaan ni Thomas. Ilang beses daw nag tangka na kausapin ni TOP silang kambal pero lagi daw itong nakikita ni Thomas o kaya naman ng mga tauhan ni Thomas.
Casual naman daw sila dati. Nag bago lang nang marinig ni Teivel na pinagbibintangan ni Thomas si TOP na ginahasa niya si Emilie.
Maliban sa narinig ni Teivel ay wala na siyang ibang ebidensya na ginahasa ni TOP si Emilie kaya hindi ako masyadong kumbinsido.
Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Bumangon ako at naligo. Nag bihis na rin ako pero hindi pa ng uniform ko dahil baka madumihan. Pagtapos kong gawin ang mga dapat gawin ay bumaba na ako at patay pa halos lahat ng ilaw namin dahil masyado pang maaga para gumising.
Nag tungo ako sa kusina namin para mag timpla ng kape ang gumawa ng sandwich. Nag tungo ako sa garden namin at doon sinimulang kainin ang gawa kong sandwhich. Malamig ang simoy ng hangin at masarap sa pakiramdam.
This is what I want. No drama, no fighting.. Ganito ang gusto kong buhay--payapa.
Habang umiinom ng kape ay nabigla ako ng may naglalakad na lalaki sa harapan ko. Galing siyang gate at walang lakas lang siyang tumalon sa may gate namin.
Nakaramdam ako ng kaba at agad ako tumayo at umatras.
"Who are you?!"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay umupo siya sa upuan habang nakatalikod sakin at laking gulat ko ng inubos niya ang kape na tinimpla ko para sa sarili ko at ang sandwhich ay kinain niya rin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ang inaasahan ko ay may gagawin siyang masama sakin.
Matapos niyang maubos ang pagkain ko ay sumenyas siyang umupo ako sa tabing upuan niya. Nagdadalawang isip man ay sumunod ako dahil baka kung anong gawin niya sakin.
"Who are you and what do you want?" muli kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot kaya nag karoon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya.
Wala kang makikitang puti sa kanya maliban sa mata niya. Purong itim ang suot niya at may sumbrero din siya.
Sa tingin ko ay kasing edad niya lang si daddy. Mukhang malungkot ang mukha niya at parang pagod na pagod siya.
YOU ARE READING
MY MAN IS A CRIMINAL
Teen FictionNo laws, just love. Date started: August 3, 2020 Date finished: August 16, 2021 Cover credits to: Cantaloupe_Aji