CHAPTER 42

67 2 0
                                    

Than Valdis Pascua

"I told you to fvking keep your eyes on her?!" Teivel strangled Asher in the neck. Hinayaan kami ng tatay ni Xeayah na bisitahin muli si Teivel. Ngayong araw ang unang hearing niya sa korte pero ang sabi ay abogado lang muna ng bawat panig ang kailangang pumunta. Naka tayo lang ako sa may pinto at nakikiramdam sa mga galaw nila. Walang imik na naka-yuko si Asher habang sakal sakal ni Teivel. 

"That's the simplest thing I've ever ordered you! Sa lahat ng inutos ko sa 'yong gago ka, bakit dito ka pa pumalpak?!" na-alerto ako ng makita kong namumula na ang mukha ni Asher pero hindi pa rin siya lumalaban.

"TH, that's enough." Malumanay kong sabi. Nag-tungo ako sa kanila at tinapik ko ang balikat niya dahil ayaw niya pa ring bitawan si Asher.

"I said that's enough!"sigaw ko sa kanya dahil para itong walang narinig. Nang hindi pa rin niya ako pinakinggan ay tinignan ko si Asher.

"Fight back, Ash." Saad ko na ikina-kunot ng noo niya.

"He's going to kill you. You need to fight back." Muli kong sabi. Rinig ko ang buntong hininga niya at naglabas siya agad ng baril. 

"Back off or I'll shoot you." Malumanay niyang sabi habang namumula pa rin.

"You know that I'm not afraid of guns." Ngising sabi ni Teivel. Bumuntong hininga ako. 

"Kapag pinutok niya 'yan sa 'yo, hinding hindi mo na makikita si Xeayah." Simple akong ngumiti ng lumuwag ang hawak niya sa leeg ni Asher. Works every time.

"Breathe." Baling ko kay Asher. 

"N-Namula lang ako pero hindi mariin ang hawak niya." Nilingon ko naman siya at tumaas ang kilay ko.

"Now you know that he still cares for you." Pang-aasar kong sabi. 

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Nilingon ko si Teivel. Naka-upo siya sa kama niya at naka-yuko.

Pinagmasdan ko ang buong selda niya. Ngayon pa lang ako naka-pasok sa selda niya. Mabuti at mabilis nilang naayos ang seldang 'to. Hindi gusto ni Teivel na kinakaawaan siya pero bilang kambal niya sobra akong nasasaktan at naaawa.

Tumira ang kambal ko rito ng halos walong taon, habang ako... nakarita ako sa malaking bahay. 

"Teivel..." sambit ko. Hindi siya tumingin sa akin pero alam kong pinapakinggan niya ako.

  "Magpalit na tayo." Sabay silang lumingon sa akin.

  "What the fvk are you saying?" halos bulong na tanong ni Asher. Hindi ko sila tinignan. Nag-lakad ako papunta sa may kama ni Teivel. "Magpalit na tayo." 

"Fuck off. I don't know you." Inis na sabi ni Teivel.

Mahinang natawa naman ako. "I'm serious."

"Who are you?" seryoso niyang tanong. Tinignan ko naman siya at mapait na ngumiti. 

"I'm sorry, ngayon lang ako makikipagpalit na dapat una pa lang. I'm a coward, you know."

"What the fuvk are you talking about? Hindi ako makikipagpalit." Inis niyang sabi. Tinignan naman niya si Asher. "Anong balita sa pamilya ni Dexter?" tanong ni Teivel na parang hindi niya sinakal si Asher kanina.

"They're fine." Maikling sagot niya.

"Explain." Bumuntong hininga siya. 

"Hinahanap na sila ni Dexter. Sinabihan ko na siya na magpakita bago ko bawian ng buhay ang mga anak niya."

"Anong sagot niya?" tanong ko.

"Wala. Wala akong natanggap na sagot at napupuno na ako kakaantay. Akala niya siguro hindi ko kayang tapusin ang buhay ng mga anak niya." Ngising sabi niya.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon