CHAPTER 24

62 4 5
                                    

Matapos kong mag paalam kay Teivel ay magkasabay kaming apat nila Zind, Zia, Kian at ako na umuwi ng bahay. Naunang umuwi ang pamilya ko at sumunod lang ako. Humingi ako ng tawad kay Teivel at nangakong babalitaan na lang siya.

Hinalikan niya lang ako at sinabing naiintindihan niya. Gusto ko pa sanang magpaiwan pero alam kong hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman kung bakit ganun na lang ang galit nila.

"Alam ko ng galit si mommy sa pamilya ni Teivel pero hindi ko alam na pati sila tita at tito. Pati nga rin sila ate Feya!" Frustrated kong sabi.

Nagmamaneho ngayon si Zia at nasa unahan lang namin si Kian at Zind. Pauwi na kami ngayon sa bahay.

Nakukunsensya ako dahil birthday ni lola ngayon tapos ganito pa nangyare.

"Calm down, Xea." Mahinang sabi ni Zia.

Ilang tao na ang nagsasabi sa'kin niyan pero hindi ako kumakalma! I need Teivel. I need my baby!

Nakarating kami sa bahay at nakita ko ang lahat ng kotse nilang naka-park.

Sabay kaming bumabang apat at nakatinginan. Lumapit sa kanila at huminto sa tapat ng pinto.

Papasok na sana kami pero pinigilan kami ni Kian. "He is not just your client." Hindi tanong..

Kunot-noo naman siyang tinitignan nila Zind. "Not now, Kian." Seryosong sabi ni Zind.

"How can I protect you kung hindi ko alam kung anong relasyon mo sa lalakeng 'yon?" Seryoso at inis niyang tanong.

Bumuntong hininga ako. "He's my client and my.. boyfriend." Mahinang sabi ko.

Hindi ko na nakita ang gulat sa mata niya na para bang alam niya na ang sasabihin ko. "Okay, I wanna talk to him soon." Hindi ko alam pero natawa kaming tatlo sa kanya.

Tinalikuran niya kami at nauna na siyang pumasok. Sumunod naman kami agad at seryoso ang tingin.

Naabutan naming nasa kusina ang lahat. Ang ibang mga tita namin ay nagsisimula na ulit na magluto para sa birthday party ni lola mamaya.

Lahat sila ay tumingin sa gawi namin. Malumanay kaming umupo sa harapan nila.

"Family talk." Panimula ni Zind. Bumuntong hininga naman ang iba.

"Anong nangyare kanina?" Seryosong tanong ko. Umiwas sila ng tingin kaya lalo akong nainis.

"Talk.." muli kong sabi. Huminga ako ng malalim.

"Mommy, what happened?" Malumanay na tanong ni Zia.

"K-kalimutan niyo na 'yon." Inis kong binalingan si mommy.

"Galit na galit kayo kanina tapos ngayon sasabihin mong kalimutan na lang?!" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.

Hinawakan naman ako ni Zind sa balikat. Tinabig ko lang dito dahil sa inis.

"Tita? Tito? Ate Feya? Ano na? Magsalita kayo! Binastos niyo si Than kanina dahil lang sa isa siyang Pascua. I can't believe it!" Napasabunot ako sa buhok ko.

Tinignan ko si lola. "Lola.. bakit galit kayo kay Thomas Pascua?" Malamig kong tanong.

Bumuntong hininga naman siya. "Pwede 'bang tapusin muna natin ang birthday 'ko bago kayo mag-away away?" Tumulo ang luha ko at agad ako tumayo at lumapit kay lola.

Niyakap ko siya at tuluyan ng lumakas ang hikbi ko. "I'm sorry, lola. It's your birthday, you must enjoy." Niyakap ako pabalik ni lola at hinalikan sa buhok.

"Umakyat ka muna sa kwarto at mag pahinga, apo." Tumango ako at kumalas sa yakap niya.

Hinarap ko silang lahat. "Gandahan niyo ang rason na ibibigay niyo sa'kin kung bakit kailangan niyong mag-sikreto tungkol sa tatay ni Than." At tinalikura ko na sila.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon