CHAPTER 33

62 4 3
                                    

"All you need to do now is to act normal." Sabi ni Atty. Martin. Half-brother siya ng tatay nila Kian. Hindi kami ganun ka-close pero he is nice.

"Mahahalata ako ni papa kapag hindi na ako kumikilos." Seryosong sabi ni Than.

Magkasama kami ni Than, Asher, daddy at ni Atty. Si Atty. ang hahawak ng kaso ni Teivel at si Asher naman ang magre-request para mabuskan muli ang kaso ni Teivel.

Hindi pwedeng ako ang mag bukas ng kaso ni Teivel dahil mahahalata kami at ayoko ring mapahamak si daddy. Titestigo si daddy sa korte laban ang hawak niyang ibedensya at kung sakaling questionin siya kung bakit hindi niya nilahad ang ibedensya niya dati, ang isasagot niya ay hindi na maaaring ilaban ang ibedensya niya dahil, una, hindi alam kung sino ang bumaril. Huli, ay inamin ni Teivel na siya ang may gawa kaya naman ay bali-wala na ang mga ibedensya na mayroon siya.

"I don't think na mahahalata ka pa niya. No offence, but, his all attention is on Sandra." Atty. said

Tumango naman si Than.

"Any update sa mansion niyo?" tanong ni Atty.

Nakikinig lang kaming tatlo ni daddy at Asher sa kanilang dalawa.

"Nasa bahay pa rin silang dalawa." Pasimple naming tumingin sakin si Than.

Ilang araw na ang lumipas pero ni anino ni mommy ay hindi namin nakita. Hindi ko na rin makuhang mag-alala dahil alam kong kasama niya sa bahay si Than.

"Does she talks to you?"

"She tried talking to me. It feels like, she is trying to get close to me—like a mother." May halong inis sa boses ni Than.

Kumuyom naman ang kamao ko at napansin 'yon ni daddy. "What did you do?"

"Nothing. Iniiwasan ko siya. No offense, I don't like her to become my mom. No one can replace my mother."

"I need you to do me a favor, Than." Sabat ni Atty. Alam ni Atty. ang buong kwento. Alam niyang si Than ang dapat na makukulong at hindi si Teivel.

Pinagkatiwalaan namin siya dahil mas close sila ni daddy kesa sa tatay nila Kian at Jian kahit na half-brother lang siya.

"What is it?"

"Kuhain mo ang loob ni Sandra. Make her feel that you trust her and you are going to accept her as a mother—"

"What—no!" napatayo si Than.

"Let me finish first!"

"No! I cannot do that!"

"Calm down and let me talk first!"

Padabog siyang umupo ulit. Nang mapansin ni Atty. na kumalma na si Than ay nag patuloy siya sa kanyang sinasabi.

"As what I've said. Kunin mo ang loob niya."

"Why?" tanong ni Than habang pinipilit na pakalmahin ang sarili niya.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil kahit ako ay hindi ko tatanggapin si Thomas para maging tatay. Hindi ko balak palitan si daddy bilang ama ko at ganun din ang nararamdaman ni Than. Kahit na patay ang mama niya ay hindi niya kakayanin na may pumalit sa pwesto ni Emilie bilang nanay nila ni Teivel.

"Naniniwala akong hindi iisang tao si Thomas at TOP. Kung kayat kailangan mong kuhain ang loob ni Sandra para malaman kung anong koneksyon ni Thomas kay TOP."

Kunot-noo namang tumingin si Than sa kanya. "W-what do you mean? Hindi naman talaga iisang taong si papa at si TOP."

"P-pero sabi ni Xeayah.." napatingin si Atty. sakin at bumaling na rin ang tingin nila sakin.

MY MAN IS A CRIMINALOù les histoires vivent. Découvrez maintenant