Lumipas ang ilang linggo at walang Xeayah na dumating. Walang ni-isang lead na nakuha ang mga pulis. Sila-sila pa rin ang nakaka-alam pati na si TOP. Nakikibalita lamang si TOP kay Xiander dahil ayaw niya munang magpakita kay Than.
Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng kape si Xiander nang sumulpot si TOP. "Kumusta?" tanong ni TOP.
"Mababaliw na ako, Oxffer." Alam ni TOP kung anong nararamdaman ni Xiander ngayon dahil usapang anak ito.
"Magaling ang kumuha kay Xeayah. Kahit ako na may karanasan ay hindi ko mahanap kung sino ang kumuha sa kanya."
"S-Sigurado ka bang hindi si Thomas ang kumuha kay Xeayah?" umaasang tanong ni Xiander dahil alam niyang mas mapapadali ang paghanap kay Xeayah kung nasa paligid lang nila ang kumuha—lalo na kay Thomas.
Umiling naman si TOP. "Sigurado akong hindi siya."
"Kung hindi siya, sino?" napasabunot si Xiander sa buhok niya.
"Ilang linggo na ang dumaan, wala pa rin ang bunso ko. Mababaliw na ako.."
Katahimikan ang bumalot sa kanila. "Kumusta ang panganay mo?" tanong niya.
"Halos napabayaan ko na ang panganay ko kakahanap sa bunso ko. Mabuti't naiintindihan niya. Hindi ko na kakayanin kapag pati ang panganay ko ay nawala pa."
Hindi alam ni TOP ang gagawin para pagaanin ang nararamdaman ni Xiander dahil kahit siya ay ganyan din noong hindi niya nakasama ang kambal.
"K-Kumusta ang kambal ko?" tanong niya kay Xiander.
"Tapos na ang unang hearing sa korte. Bukas na ang pangalawang hearing."
"Ang sabi mo ay Abogado ni Thomas ang humarap para sa korte.. ibig sabihin no'n alam niya nang kumikilos na tayo?"
Tumango naman siya. "Panigurado. Pero, nakakapagtaka. Wala siyang ginagawang hakbang. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari."
"Busy ata sa darating na kasal nila ng asawa mo."
Bumuntong hininga naman siya. "Hindi ko alam kung paano niya nagawang peke-in ang kasal namin. Buong pamilya ko at pamilya niya ay nandoon."
"Minsan ka na nga lang ikasal, peke pa." at itinawa na lang nila ang nararamdaman nila.
SA KABILANG BANDA, nakaharap si Xeayah sa malaking salamin habang naka upo. Dito siya dinala ng lalaking pamilyar ang boses sa kanya. Walang imik na nag aantay ng may mag sasalita si Xeayah. Iniisip niya pa rin kung saan niya narinig ang boses ng lalaki.
"Simulan mo na." saad ng babae sa lalaki. Nakatingin ang dalawa sa malaking salamin. Hindi sila kita ni Xeayah pero sila ay kitang kita si Xeayah.
Tumango at humugot ng hininga ang lalaki. Pinindot niya ang pulang bagay umang marinig siya ni Xeayah sa kabilang salamin. "Xeayah Martin."
Zind Martin
Muli kaming nag tipon sa bahay nila tito Xiander. Ngayong araw ang pangalawang hearing sa korte para sa kaso ni Than. Tulad ng napagusapan namin ay hindi kami pwedeng magpakita sa korte dahil ipapalabas na si Asher ang nagpabukas ng kaso ni Than.
"Ano na ang balita?" tanong ni atty. kay Asher.
Iling lang ang naging sagot ni Asher kaya halos lahat kami ay bumagsak ang balikat. "We need him as soon as possible, Asher." Seryosong sabi ni Atty.
"Leave him to me."
"Don't hurt his family." Singit ni Tito Xiander.
Pasimpleng ngumisi naman si Asher kaya siniko siya ni Than. Sinamaan niya naman ito ng tingin. "Parehas kayo ng kambal mo, mapanaket!" bulong niya pero rinig namin.
BINABASA MO ANG
MY MAN IS A CRIMINAL
Teen FictionNo laws, just love. Date started: August 3, 2020 Date finished: August 16, 2021 Cover credits to: Cantaloupe_Aji