ALL - Twenty Five

19.7K 576 172
                                    

Andito ako sa ospital ngayon para samahan si Deign bantayan ang Lola niya, nakiusap kasi siya para raw hindi siya ma-bore. So I'm a source of entertainment now?

"Aray naman!" reklamo ko.

"Aww kawawa naman ang baby," he teased then pinched my left cheek.

"Heh!" Gumanti ako at pinalo rin ng malakas ang likod ng palad niya.

Natawa siya at tila balewala sa kaniya ang ginawa ko. "Ano ba yan, nangungurot ka ba Gia?" I glared at him.

"Oo na sige na. Your turn."

Ako naman ang pinalo niya ng malakas. Napapikit ako sa lakas ng palo niya. Naggantihan lang kami hanggang sa sumuko ako sa pagkapula ng kamay ko.

"Ano ba 'yang ginagawa niyong dalawa?" Napatingin kami bigla sa Lola niyang kagigising lang.

"Ah ketchup po Lola, naglalaro lang." Nakangiting sagot ni Deign sabay lapit sa kama ng Lola niya.

Natawa naman ito at nang-asar. "Ang sabihin mo, gusto mo lang hawakan ang kamay ni Gia, apo."

Bahagya kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. "Galing mo do'n 'La ah?"

Tumayo ako at kumuha na lang ng saging para kumain. Nakinig ako sa pagke-kwentuhan nila hanggang sa umabot sa childhood ni Deign ang usapan.

Kung gaano raw ito ka-bibbo at kalikot noon. Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa ang pagkain ko nang ikwento ng Lola niya ang pagkakasakit ni Deign noon ng LBM.

Nakakatuwa tignan silang dalawa, parang ang close-close kasi nila sa isa't isa eh.

"Lola tanda mo pa 'yung nadulas ka no'n sa palayan? Nakakatawa talaga eh."

Hinampas siya ng matanda. "Loko kang bata ka, ang sakit-sakit ng balakang ko no'n!"

"Eh 'yung nahulog si Ren sa kalesa?" At humagalpak naman ang isang 'to sa kakatawa. Badtrip, 'di ko nage-gets 'yung pinagtatawanan nila pero natatawa ako dahil sa tawa niya. "Magkadugo talaga kayo no'n 'La eh."

"'Wag mo naman pagtawanan pinsan mo Dada." Pero maski naman ang Lola niya tumatawa? Weird kaya natawa na rin ako.

Hanggang sa napunta ang usapan tungkol sa'min ni Dada.

"Hija, ito bang apo ko eh may pag-asa sa'yo?"

Natigilan ako ng ilang minuto bago nakasagot. "Huh? Eh hindi naman po…ano, hindi po siya nanliligaw."

Tumawa bigla si Dada. "Sabi sa'yo Lola eh, in denial 'yan lagi eh."

Napanguso ako at inirapan siya. "'Wag ka nga diyan! Kung ano-ano sinasabi mo sa lola mo!"

"Totoo naman ah!" Binaling niyang muli ang tingin sa matanda. "Manhid kasi 'yan 'La eh."

Kaya buong araw lang kaming magkasamang tatlo. Nang dumating na ang isa sa mga Tito niya ay umalis na rin kami.

Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay nagtalo pa kami kung saan niya ako ihahatid dahil ayaw ko pa ngang umuwi pero gusto na niya akong pauwiin.

So in the end, isasama nanaman niya ako sa kung saan siya pupunta. Ang cute niya lang.

At huminto ang kotse niya sa tapat ng school gym. Okay, so anong ganap? Sasama ako sa training? But that's...that's boring.

"May training ka? Isasama mo 'ko diyan?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Eh ayaw mo umuwi 'di ba? O edi ayan, manuod ka ng training." Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

Bumaba na rin ako at sinimangutan siya. "Ba't naman diyan? I'm not into sports, you know?"

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now