Epilogue

13.8K 494 91
                                    

I was a cheater and a sinner.

It's unacceptable to our society. For some, a cheater deserves to be gone. A cheater is an immoral. Most especially if you're a woman.

And there's a story behind every sin.

Yes, I believe that there is no valid reason why I did that. Hindi ko naman maitatanggi na nagkamali talaga ako. At hindi ko rin itatanggi na nagmahal lang ako.

I came to the point where akala ko si Gavin talaga ang mahal ko na higit pa bilang isang kaibigan at isang idol ang pagmamahal na iyon pero nagkamali ako. The moment I met Deign, he got into my nerves so bad.

He's somehow nice that he became so annoying. We don't like each other at first. He got this "responsable ako at matapobre ka"-aura sa paningin ko noong una kaming magkasama sa Ilocos. Pero kahit arogante siya ay 'di naman kaila sa akin na gusto siya ng mga tao roon. Matulungin, magalang sa nakatatanda, mahilig sa bata at masaya sa simpleng buhay. Kailanman ay 'di ko nakita na ipinagmalaki niyang isa siyang Hidalgo at Sison.

Akala ko 'yung pagmamahal na mayroon ako para kay Gavin ay sobra-sobra na pero hindi pala. Mas mamahalin ko pala si Deign na kahit umabot ako sa puntong sinasaktan ko na ang itinuring kong first love ko ay hindi ko na ininda dahil ang mahalaga sa akin ay mahal ko si Deign.

I was guilty. No...I'm still guilty. Tipong 'pag nakikita ko si Gavin naaalala ko ang ginawa ko sa kaniya. Kung paano ko siya niloko. Kung paano ko siya nasaktan.

Kaya nga kung minsan para iwas sa pagiging masokista, hindi ako nanonood ng TV o nakikinig ng radyo. Pero 'di ko naman maiwasan mag-online kaya ayon, balewala rin.

A lot of people told me how bad I was for committing such an act. But, there are still people na imbes ipamukha sa akin ang nagawa ko ay dinamayan na lamang ako.

Tama naman ang bashers, masama akong babae kasi nangaliwa ako. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay 'di ko na kayang magbago o itama man lang ang nagawa ko. Sorry, hindi ako perfect, nagkakamali rin ako. I know, it doesn't take one to be perfect to be a good person. But it takes courage to admit my mistakes and make it up.

May pagkakataon na gusto ko ng sumabog sa galit at inis dahil sa 'di matigilang pangungutya nila pero hindi na lang ako nagsalita dahil wala naman silang sasabihin na ganoon kung wala akong ginawang masama. But that still doesn't give them the right to reprimand me and to say harsh words to me.

But enough of me and the bashers. I kind of miss Gavin. Not in the same way na baliw na baliw ako sa kaniya. Pero namimiss ko siya bilang kaibigan. Sabi nga niya, he can't promise na maging friends ulit kami agad-agad. I completely understand that's why I accepted his decision. Sino ba naman ako para makipagtalo pa sa kaniya eh ako na nga itong nanakit sa kaniya.

I do sometimes get an update about him through social media. One time, there's a fan na nagpost ng picture namin ni Deign na malamang eh nakuha niya sa IG mismo ng boyfriend ko at minention si Gavin saying na ang kapal-kapal daw ng mukha kong lokohin ang idol niya, pinapangarap daw ng marami, binasura ko lang. Minura pa niya ako. At doon nagalit si Gavin. Hindi ko naisip na magagawa niyang magalit sa isang fan. I mean, Gav is Gav. Hindi siya mapagpatol. Nireplyan niya ang babae na iyon saying, "We're in good terms. Pls stop bugging her". At imbis na magtampo ang babae ay kinilig pa dahil napansin siya ni Gavin. Ka-stress!

And I realized na kahit ano pa at kahit ilan pang mali ang gawin ko sa buhay ko, nandiyan ang pamilya ko para damayan ako sa pagtama ng mga mali ko at ipagtanggol ako sa iba.

Madalas ko mang maramdaman na si Phillip ang paborito ni Mama, naramdaman ko namang mahal na mahal niya ako noong mga panahong kinagalitan ako ni Papa. Noong akala ko si Papa ang magiging kakampi ko, nagkamali ako, si Mama pala.

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now