ALL - Forty Three

8.3K 369 61
                                    

MWF shit 7:30AM pasok ko tapos 4:30 uwi ko. Monday pa talaga, saklap naman oh. Then, TTH 3:00PM ang pasok tapos 8:00PM ang uwi.

"Shit lang talaga," I murmured.

I was examining my schedule for this semester while walking down the hallway when I bumped to someone.

"Sorry," I apologized but the person seemed to ignore me.

When I stepped right, he stepped on his left. When I stepped on my left, he did the opposite. Darn, mukha kaming nagpapatintero dito.

"I'm sorry, again?" I apologized for the second time.

I can't see his face because he's wearing a cap while looking down.

"Can I kidnap you?"

And the voice came familiar to me. I groaned. "It's a rule for kidnappers not to ask what you're scheming for, just do it."

"Woah. How'd you know? Are you one of us?"

"Ha-ha. Funny, tarana nga."

Agad ko siyang hinila sa parking dahil in-assume ko ng may dala siyang sasakyan pero napahinto ako nang makita ang sobrang pamilyar na Jeep Wrangler. Nagpalingon-lingon ako at umasang makita siya pero bigo ako.

"Uh, are you looking for my car?"

Tila bumalik ako sa realidad na may kasama pala akong iba. "Ah oo, saan ba?"

He laughed. "I only took a cab."

Kumunot ang noo ko. "Seriously? Eh paano kung may nakakilala sa'yo? Siraulo ka ba?"

Mas tumawa lang siya at hinila ako papunta sa isang streetfood vendor. Bumili siya ng kwek-kwek, fishball, at kikiam.

"Oh ano gusto mo?"

"Ay hindi pa ba ako kasama sa mga binili mong pagkain?" Eh kasi naman marami-rami na ang inorder niya.

"Hindi. Pili ka na dali!"

Napa-iling na lang ako sa kaniya at sinabi kay Manong ang order ko.

Umupo kami sa may gilid ng field at doon kumain. Masarap ang simoy ng hangin ngayon at payapa ang paligid. The usual, may Frisbee players, soccer players, at cheerleaders na nagpa-practice. Marami rin ang nagpapahangin sa gilid-gilid habang nagbabasa. May ilang grupo rin ng mga magkakaibigan na nagkakasiyahan.

"So tell me, bakit ka andito?"

"Masama ba? Bawal ba ako dito?"

I rolled my eyes. "Gavin, stop playing games with me. Sabihin mo na."

"Namiss kasi kita."

"Tse!"

He laughed. "Seryoso ako do'n! Tsaka naisip ko kasing gusto ko gawin kasama ka 'yung mga bagay na sana ginawa ko noong totoong tayo pa."

"Like what?"

"Doing ordinary things with you. I mean, I could've been a better boyfriend if I only have a normal life offcam."

I smiled. "Gavin, alam mo namang nung nalaman kong gusto mo rin ako eh heaven na eh. Patay na patay kaya ako sa'yo dati. I'm your number one fan pa nga 'di ba?"

"Tch. Spoiled fan kamo."

I punched his right arm. "How mean!"

He chuckled. "Gia, uunahan na kita ha."

"What?"

"We can never be friends again."

I pouted. "I know it's my fault. I'm sorry."

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now