ALL - Twenty

21.2K 588 221
                                    

I consider myself a lucky girl because I have an almost perfect life with my family, friends, and special someone.

Ang sarap lang mabuhay lalo na kapag may pamilya kang suportado ka sa lahat, may masasayang kasamang kaibigan, at may mapagmahal na boyfriend.

This is the life I've dreamed of. Sana mag tuloy-tuloy lang ang ganito.

I was singing while going down the staircase when my twin interrupted my almost good morning.

"Aga-aga, ang ingay mo."

"Wala kang pake."

"Maayos ang gising ko, 'wag mo sirain."

"Mas maganda ang gising ko at lalong mas maganda ako. Ikaw kaya 'tong naninira ng umaga!"

Mahina niyang tinulak ang balikat ko, buti na lamang nakahawak ako sa hawakan.

"How dare you?" I glared in which he answered back with his glaring eyes and evil grin. "Kuya!" Sometimes, all you have to do is to call a hero.

Hinintay kami ni Kuya, na naka-cross arms, na makababa. "Ano nanamang problema niyong dalawa?"

Phillip brushed it off. "Kuya, hindi ka pa ba sanay sa kaartehan nitong babaeng 'to?"

"Kuya, hindi ka pa ba sanay sa ka-epal-an ng isang 'to?"

"Kuya, hindi ka pa ba sanay sa ingay niya?"

"Kuya, hindi ka pa ba sanay sa pagiging panira niya?"

"Kuya, hindi ka pa ba sanay sa pagiging sumbungera niya?"

"Kuya, hi-..." My older brother cut in my sentence.

Napapikit siya sa inis sabay sigaw, "Punyeta! Ang aga-aga, puro kayo Kuya!"

Mukhang manenermon pa sana siya pero may sumulpot sa gilid niya at hinila-hila ang laylayan ng tshirt niya sabay tanong ng, "Dad what's punyeta?"

Nanlaki ang mata ni Kuya at binuhat si Ace. "Kayong dalawa, kumain na nga kayo."

"De, sagutin mo muna anak mo Kuya." Phillip laughed.

"What does that even mean?"

"Google mo later Ace," I kidded while taking my seat.

"Tumigil kayong kambal kayo kundi malilintikan kayo sa'kin."

Pinapakain ni Ate Alex ang bunso nila. "O ano nanaman bang ganap at nagsisigawan nanaman kayong magkakapatid?"

"Siya eh, maarte eh." Sabay turo sa'kin ng kakambal ko.

"What? No! Ikaw kaya diyan, epal!"

"Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa?" banta ni Kuya Casimir.

Natawa na lang si Ate Alex pero natigilan din siya nang magtanong ang panganay niyang anak. "Mom, what's punyeta?"

She gasped. Tinakpan niya ang bibig ng bata. "Anak, sa'n mo natutunan 'yan? 'Wag mo na sasabihin ulit 'yan!"

Inalis ng bata ang pagkakatakip ng nanay niya sa bibig niya. "Kay Dad! I heard him say that."

Sinamaan ni Ate ng tingin ang asawa ngunit nag-iwas lang ng tingin si Kuya sabay diretso kain.

“Ikaw Casimir mga tinuturo mo sa anak natin ha!”

“Tss.”

Ang cute naman talaga nilang tignan oh. Nadagdagan nanaman ang wishlist ko, na sana maging masaya, makulit, at maayos ang magiging buhay pamilya ko. Shet, ang bata ko pa ata para isipin ‘yon pero kasi naman itong sila Kuya eh, ang cute-cute.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon