ALL - Twelve

19.9K 548 158
                                    

It was a normal day for me. A normal boring day.

Eh nakaka-bv naman kasi, 'yung dalawa kong kaibigan nag-Ilocos at ako lang ang nag-Baguio sa'ming tatlo. I really appreciate their support. Maski si Phillip wala dito ewan ko ba do'n, hindi nag-iisip, bakit pa siya nag-Ilocos eh mapapadalas na rin naman kami do'n dahil sa ipapatayong rest house. Hay nako talaga mga tao ngayon gustong-gusto na iniiwan ako.

Pero siyempre joke lang, may hindi nangiiwan sa akin, si Indi, hindi niya ako tatantanan.

Nakaupo ako sa isa mga bench habang naghihintay sa bus na sasakyan namin at nakita ko naman siya nang bumaba sa kotse at inihatid ng driver niya. Sa lahat naman ng section na makakasama namin bakit sila pa. Wala na bang ibang klase diyan? Palipat na lang kaya ako sa Ilocos.

Ayan kasi, sa pag-iwas ko kay Dada mga napapala ko. Una, loner ako. Tapos ngayon, andito ang bruhang 'to.

Ano pa bang exciting sa field trip na 'to?

Dahil wala ng bakante sa ibang bench ay no choice siya kundi tumabi sa akin pero bago siya umupo ay isinagawa pa niya ang kaartehang ritual niya. Nilabas niya ang alcohol niya at in-spray sa upuan at pinunasan. Bwisit na 'to, may germs ba ako? Duh! Ang linis ko kayang tao.

I rolled my eyes. "Ang arte."

"I thought sa Ilocos ka with your friends? Kaya pa naman ako nag-Baguio." So she assumed na nag-Ilocos ako because of my friends. Nakakairita siya, ganitong madaling araw at naiinis ako sa mga pangyayari ha, tigilan niya ako.

"Well, surprise. I'm here." I said with the most trying hard excitement tone I can ever give.

"Ha-ha. Fck you." Naglabas siya ng gadget at sinalpak sa tenga ang earphones.

Pasalamat na lang ako at hindi kami magkasama sa bus. Pagkasakay ko, doon ako umupo sa malapit sa unahan at katabi ng bintana. Walang tumatabi sa akin dahil may kaniya-kaniya silang tropa. I really feel so alone. I hate it.

I texted my friends.

To: Zoe; Tanya
I SO HATE YOU!!!!!!!

Kagabi kasi ang alis nila at kami naman ay ngayong madaling araw. Badtrip talaga ang mga 'yon. Pinagpilitang sa Ilocos sila kasi nagba-Baguio naman daw sila 'pag may family bonding. Family bonding their ass.

Tumabi sa akin ang isang classmate ko na madaldal, barkada sila at siya ang nahiwalay sa kanila so tumabi na lang siya sa'kin, hindi naman totally nahiwalay kasi nasa likod lang namin friends niya at ang iba ay nasa kabilang side.

We prayed for our trip and the moderator reminded us some guidelines.

Habang nasa daan ay nag-iingay ang mga kaklase ko at nagre-request kung pwede bang manuod ng movie. Pumayag naman ang moderator kaso hindi siya prepared sa movie, wala siyang file sa flash drive niya. Kaya naman mas lalong nag-ingay ang mga kaklase ko, may ibang nagsa-suggest ng mga Pinoy RomCom movies, merong Avengers, at may nagsabi pa ngang porn eh, natawa na lang ang moderator sa pag-aakalang nagloloko lang sila pero knowing them, I doubt if it's really a joke or not.

Bandang huli hindi rin kami nanuod at natulog na lang. Gustuhin ko man ng payapang biyahe pero imposible dahil ang likot ng kaklase ko. Saktan ko 'to eh, just kidding.

Nang makarating kami sa tutuluyan namin ay pinagpahinga na muna kami. If my friends were here hindi kami magpapahinga nung mga 'yon baka kung ano-ano pa ang ginagawa namin. Isinama naman ako nung isang group of friends sa room nila, gusto rin naman nilang kasama ako eh. Ganda ko kasi.

Pagkapasok namin sa room lahat sila bagsak sa kama, 'yung iba sa kutson at ako, nanatiling nakatayo dahil hindi ko alam kung saan ako.

Uhm, mag-avail na lang kaya ako ng sarili kong room? I am not being maarte pero kasi ayoko sa lapag, eh kung sa kama naman ako, occupied na nila lahat.

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now