Kabanata 4

3.1K 84 2
                                    

"We hate you Mayumi! Isa kang brat! Lahat na lang nakukuha mo! Siguro kaya lagi kang first honor ay dahil binabayaran ng Daddy mo ang school. Yuck! You're so desperate!" Malakas na sabi ni Barbie habang nasa gitna kami ng soccer field.




Inis na tiningnan ko ito ng matalim. "And so?! We have money. Kung gusto niyo ring manguna sa honor roll, bayaran niyo ang school." I choose to lie. Wala rin namang maniniwala kapag sinabi kong matalino talaga ako kaya lagi akong nangunguna. Kaakibat na yata ng pangalan ko ang mga panghuhusga ng mga ito. I'm the only child of Arnold Lazaro. My father's one of the richest businessmen in Asia. Nasa ika-apat na puwesto ito.







"You heard that?! Mandaraya ang babaeng ito! Malandi rin! Kahit si Sir Aki nilalandi!" Sabi pa ni Barbie.








Bigla'y parang gusto kong maiyak. I'm not seducing anyone. I admit I had a crush on Sir Aki. Pero hanggang doon lang iyon! He's a freaking professor! Nasa katinuan pa naman ako para gawin ang malalaswang paratang ng mga inggitera kong kaklase!






"Bakit hindi ka na lang bumalik sa Australia at doon mo pairalin iyang kalandian mo?! Tutal doon walang papansin sayo dahil pinalaki kang malandi ng Nanay mo! Oh maybe your Mom is a slut who seduced your rich father-."






Isang malakas na sampal ang ipinagkaloob ko kay Barbie. Napikon na ako nang tuluyan. Hindi ko na yata ma-mi-maintain ang pagiging mabuting estudyante. Tutal laking Australia ako at akala yata ng mga ito'y pinalaki akong liberated. Then, ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry. I'll show them my true colors. Hindi ko yata mapapalagpas ang paglapastangan niya sa namamahinga ko nang ina! "You bitch! Who the fucked do you think you are to bad-mouthed my Mom?"







"Excuse-."








"You filthy peasant! Kung ganoon ang Mommy ko, ano pa kaya ang Nanay mo? Desperadang pokpok na nagpapagamit sa kung sinu-sino? At least my Dad loved my Mom! Eh ang Nanay mong pinarausan ng iba't ibang foreigners? I wonder kung isa man sa kanila'y pagmamahal ang dahilan kung bakit sumiping sa Nanay mo. How many are you in the family again? Ten? Eleven? Oh, twelve. Yes, twelve, at lahat kayo iba-iba ang ama. Amazing right? Mabubuo na ang mapa ng mundo sa pamilya niyo pa lang."







Hagulgol na tumakbo palayo si Barbie kasama ang mga alipores nito. Wala naman talaga akong balak na sabihin ang mga nalalaman ko. Kaya lamang ay ito rin naman ang may kasalanan. Kung hindi nito pinagsalitaan ng ganoon si Mommy, hindi ko rin pagsasalitaan ng ganoon ang Nanay nito. Her mom's a good mother. And I am sorry for what I've said earlier. Gusto ko lang ipagtanggol si Mommy kaya nasabi ko iyon.







Anyway, kaya alam ko ang tungkol sa buhay ni Barbie ay dahil sa mga information na nakalagay sa folder na ibinigay sa akin ng bodyguard ko bago pa lang ako pumasok dito sa school. Utos daw iyon ni Dad para kilala ko raw kung sino ang dapat pagkatiwalaan at kaibiganin. Well, nabibilang lang sa kamay ang alam kong mapagkakatiwalaan. Obviously, hindi kasama roon si Barbie.







 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon