Kabanata 28

2.3K 91 14
                                    

Napansin ko ang marahang pag-iwas ni Akihiro ng tingin matapos kong itanong sa kaniya kung pumasok ba siya sa kuwarto habang naliligo ako. Wala pa man siyang sinasabi ay alam ko nang totoo nga na pumunta siya roon.







Malakas na tikhim ang pinakawalan ni Shane. "Why don't we eat dinner first? Napag-alaman ko mula kay Emily na ngayon ka na lang ulit makakatikim ng lutong pinoy? Tamang-tama masarap magluto si Aki—."









"Aren't we going to wake up Maki? Hindi pa siya kumakain." Sabi ko habang naglalakad palapit sa upuang nasa tabi ni Shane. Inilihis ko ang usapan. Mukha kasing hindi magiging maganda ang katatapusan ng pag-uusap namin kung si Akihiro at ako ang paksa. Hindi na lamang ulit ako magtatanong patungkol sa nangyari kanina habang naliligo ako. Siguro naman ay walang ginawa si Akihiro kanina na maaari kong ikagalit.










"Mamaya ay gigising iyon kapag nagutom. Sa ngayon ay hayaan na muna natin siyang makapagpahinga." Sagot ni Akihiro bago niya nilagyan ng mainit na sabaw ang bowl na nasa harap ko.









Sandaling katahimikan ang namayani. Mag-uumpisa na sana ako sa pagkain nang mapansin ko ang pag-upo ni Akihiro sa aking harapan. Bahagyang kumunot ang aking noo. Pagkatapos niyon ay mabilis na ibinaling ko ang tingin kay Shane na ngayon ay abala na sa paghigop ng mainit na sabaw.











"Hindi ba sasabay sa atin si Martha?" Tanong kong ikinaubo ni Shane. Mabilis nitong inabot ang baso at pagkatapos ay walang pasabing nilagok ang laman nitong tubig.










Nang lingunin ko si Akihiro ay tahimik lamang siyang nakatingin sa akin. Ilang sandaling magkahugpong ang aming mga mata. Sunod niyon ay tumikhim siya at marahang sumimsim ng tubig.










"Martha's not here," sabi ni Akihiro. "Matagal na siyang wala."











Natigil ang akma kong pagtango nang marinig ang huling sinabi ni Akihiro. Paanong wala? Umalis lang ba? O wala na talaga si Martha? Wala naman kasi akong nabalitaan noon sa kanilang dalawa. Actually pinili ko talagang huwag makibalita kay Emily. Kung may nabanggit man sa akin noon si Emily patungkol kay Martha, malamang ay ipinagsawalang-bahala ko iyon kaya naman hindi ko na matandaan ngayon.











Huminga ako ng malalim. I'm not going to ask them about what happened. Baka kung ano pang isipin nila kapag inusisa ko pa ang kawalan ng presensiya ni Martha sa malaking bahay na ito. Isa pa, wala naman akong pakialam. Kung may problema sila, bahala sila roon. I don't want to involve myself anymore. Last na ang nangyayari ngayon.










Tahimik na inumpisahan ko na lamang ang pagkain. Ganoon din ang ginawa ng dalawa. Mukhang maging sila ay walang balak na banggitin ang nangyari kay Martha. Ayos iyon, sa ganoong paraan ay hindi madagdagan ang pagkailang na namamayani sa gitna naming tatlo.










Nang matapos sa pagkain ay kaagad kong dinala ang mga pinagkainan namin sa lababo. Nagpresenta akong maghuhugas ng mga ginamit namin. Nakakahiya naman kasi kung wala akong gagawin. Marunong naman akong maghugas kahit papaano. Kaya naman walang problema sa akin kung marami ang hugasin.










"Mauuna na ako sa taas. Marami pa akong tatapusing trabaho." Paalam ni Shane na kaagad kong tinanguhan.










Naiwan kaming dalawa ni Akihiro. Ako ay nasa kusina, habang siya ay nasa sala. Malayo man kami sa puwesto ng isa't isa ay pinipilit ko pa ring huwag mabaling ang tingin sa sala. Alam ko kasing kitang-kita mula sa sala ang kusina. Baka mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Baka isipin pa ni Akihiro ay may nararamdaman pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.










 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon